Bhella pov Nagising ang aking diwa sa tunog at awit ng mga ibon. Kay sarap nilang pakinggan lalo na't may parang alon na humahampas. Lagaslas ng tubig ay tila ba musika. At sa puso'y umaalon-alon tuwina. Ginigising ang diwa ng aking umaga. Ako'y tila baga dinuduyan ng sinta. Sinusundan ang awitan ng mga maya. Isang pinong sugat sa kaawa-awang puso ko. Ang tunay na pag-ibig na matagal ko ng hinahanap. Ngayon ay muli na naman akong nawalay at nag-iisang ganap. Sa paglalakad ay di ko ramdam ang hapo. Nadama'y init ng pagsintang di magupo. Gumiti man sa noo'y pawising pagsuyo. Tinititigan ko ang pagsayaw ng ilog. Upang sa isipa'y mapag-anyo ang hubog. Baka sakaling dalhin ako sa tugatog. Isang pag-asa sa pagdatal sa bantayog. Gumupiling man sa banig ng pagkahulog. Kahit nais ko man na ipagpa

