Ryan pov
Pambihirang babae talaga, manok ng manok. Anong klaseng trip ba ang pinaggagawa niya? Kakaligo ko lang mabaho daw ako. Anong sabon o pabango ba dapat ang gagamitin ko para maging mabango naman ako sa pang-amoy niya.
Bro, sampung manok nga tsaka damihan mo ang kanin. Pang breakfast at lunch ng fiance ko yan. Hindi ko alam kong ano ang meron dyan sa manok mo at nababaliw ang fiance ko. Nilagyan mo ba yan ng gayuma? Bakit iyan ang palaging hinahanap niya? Since kahapon na naparito siya puro na manok ang kinain niya.
“Engineer congratulations!” ang asawa ni Rodzon.
Oh Madam nandyan ka pala, thank you.
“Baka kambal ulit ang anak mo.”si Meghan.
Huh? Anong ibig mong sabihin?
“Hala engineer lutang ka ba? Narinig ko ang usapan ninyo ng asawa ko. Manok ng manok kamo ang fiance mo. Baka naglilihi na yon at Patok sa Manok namin ang napaglihian.”sabi pa ni Meghan.
“Bro, okay ka lang? Hindi ba kayo nag-ana-ana ng fiance mo? Bakit parang nagulat ka sa sinabi ni meghan.”si Rodzon.
Oh my God! Kaya ba sinabi ni Yette na hihintayin niyang pasaluhin ako ni Bhella ng Durian o di kaya'y paakyatin sa puno ng Durian. F*ck self tanga ka nga, bakit hindi ko naisip yon?
“Paano mo maisip nagpupunla ka tapos di mo nalaman na sumibol na pala,”anas ng isip ko. Damn it iyan din ang sinabi ni Sanjela. Sh*t nakabuo na pala ako pero hindi ko namalayan.
Wala ka talagang kwenta self, iniinis mo pa masyado ang dragonzilla.
Bro, ibigay mo sa akin ang lahat nang mga naluto mo magpapakain ako sa staff ng hospital.
Parating na pala ang lahi ko, hindi ko pa napansin. Pasyensya na po kulang lang ako sa karanasan.
“Honey, ang swerti naman natin sa araw na ito. Naku mukhang lucky charm ang magiging anak ni Engineer Park.
Masaya akong bumalik sa hospital bitbit ang maraming pinamili. Ibinigay ko ang para sa mga gwardya. Nagpatulong na rin ako sa mga janitor na bitbitin ang lahat.
I asked them to distribute to the hospital staff.
“Patok sa Manok delivery boy is here,”pang-aasar ni Axel.
“Bagay pala sayo maging delivery boy Ryan. Paano ba yan knock down na ang dilag mo.
Nagluto kami ng chicken adobo ni mama, nang kumain suka na ng suka.”sabi ni Sanjela.
Bakit? Anong nangyari? Kumain ba siya ng left over na pagkain? Nakita kong nakahiga sa coach si Bhella.
Napasulyap ako sa babaeng nakaupo at minamasahe ang kamay ni Bhella.
Who is she?
“Second degree cousin ni Bhella bagong kaalyansa,”si Axel.
May tumawag kay pareng Axel kaya lumabas muna ito.
“Hanggang ngayon ogag ka parin, my god Ryan mag-aasawa ka daw?.”inis na sabi ni Sanjela.
Oo hindi ko na gets na buntis na pala ang future wife ko. Ano ba naman kasi ang alam ko sa mga sintomas. Ang alam ko lang naman ay mamahala ng hacienda at negosyo. Nang magpasaring kang sumibol na pinunla ko hindi ko talaga na gets.
“Sino naman ang nagbukas ng utak mo Oppa?”tanong ni Sanjela.
Asawa ng kaibigan ko, ang may-ari ng Patok sa Manok. Ayan na oh mga manok ninyo, nilibre ko na rin ang mga staff dito sa hospital.
“Wowww galante ang oppa na libre kaagad. Sa totoo lang masarap naman talaga ang juicilious chicken nila. Baka kambal na naman ang naipunla mo oppa. Umayos ka dahil hindi basta-basta ang taong pinili mo. Nasa utak mo palang ang salita malalaman na kaagad niya. Nakakatawa dahil mga parents namin tig-iisa lang ang anak puro babae pa. Pero kami na mga anak nila double, triple pa ang naging mga anak namin. Sayang nga lang hindi namin na meet si Veronica. But thanks God, ang anak ninyo ni Bhella ay perfectly reincarnation ni Veronica. Ang isang mata ni Nica donated to Bhella. Ang puso ni Nica donated to Brent, ang hitsura niya nasa anak ninyo. Nawala man ang katawang lupa ni Nica at least nanatili parin ang organs niya sa mundo ng mga tao. Huwag mong ipagkait si Nica kina tita Shaila at tito Patrick huh. Hindi nila feel na nawala si Veronica dahil nariyan at nakikita nila si Nica. Though hindi naman nagkalayo ang hitsura ni Bhella at Veronica kasi makikita naman natin na similar lang sila. Pero sa mata at sa ugali may pinag-iba. Ang mata ni Nica kopya niya ang mata ni tito Patrick na light blue di ba.”saad ni Sanjela.
Hindi ko naman ipagkakait basta masaya silang pareho susuportahan ko.
Ano nga pala ang nangyari sa kanya? What her name again?
“She is Angeline Santiago anak ng first cousin ni tita Arabelle. Bali second cousin ni Bhella. May panibago na namang kakaharapin si Bhella ngayon. Itinadhana na naman ng diyos na muling magkita ang biktima at kriminal. Alam ni Bhella na ang tito Artemio niya ang may pakana sa aksidente ng lolo't lola niya. Siya rin ang salarin sa aksidente ni tita Arabelle na naging sanhi sa pagkawala ng binti nito. At ang dalagitang yan ay kamuntik nang ipahamak ng sarili niyang ama. Narito siya sa hospital para gamotin daw pero false treatment ang gagawin.
Ang ganung tao ay mahirap pagkatiwalaan, he won't accept defeat kaya kailangang mag-ingat si Bhella. You have to watch her lalo na at buntis siya ngayon. May mga tantrums siya na kailangan mong intindihin. Naging matapang siya, lumalabas ang pagka maldita dahil isa yan hormonal changes na dala ng magbubuntis niya.
“Ulyanin kana ba? Don't you remember nung naglihi si Lessery. Narinig ko kasi sa kwento nila Axel na pinapaakyat daw sa puno ng santol.”sabi ni Sanjela.
Oh yes naalala ko na, ibig sabihin delikado pala ako. Sana huwag namang magkatotoo ang sinabi ni Yette na baka paakyatin ako sa puno ng Durian o di kaya'y pasaluhin ng Durian.
Naku po! Magpa-novena kana para di ka mapagtripan ng future wifey mo. Goodluck nalang sayo Eng. Ryanair Park.”sabi pa ni Sanjela.
“Pre, labas ka muna may aasikasuhin tayo. Langga, nasaan ba di tito Benedict?”tanong ni Axel.
“On duty si tito Benedict, may urgent operation siya ngayon.”sagot ni Sanjela.
“Okay, walang lalabas ng room may agent na nagbabantay sa labas. Take this gun for self defense.”saad ni Axel.
“Okay noted sir! Please take care.”si Sanjela.
Pinuntahan namin ang nahuling lalaki na umaaligid sa may di kalayuan ng hospital. Siguro siya na ang lalaking naging salarin sa pamamaril. Dinala ng mga tauhan ni Axel sa hideout nila. Hindi ko palalampasin ang taong nasa likod nito. Calm down pre, hindi natin siya pweding saktan. Kailangan nating mahuli ang mastermind.
Pagdating sa opisina ng mga agent ni Axel. Naroon ang isang nakagapos na lalaki. Ito nga, tindig at kulay ng helmet pa lang ito na yung nahagip ng cctv.
“Boss, kailangan ko lang iligtas ang mag-ina ko kaya ko nagawa ang krimen. Buntis ang asawa ko at kailangan kong iligtas. Siya ang babaeng nagpabago ng buhay ko. Kung mawawala siya baka sa dating trabaho na naman ako magpakalulong.
Mahigit isang taon ko ng tinalikuran ang paggawa ng masama. May tao lang nagturo sa kliyente kong ito na gawain ko ang pumatay. Hindi ako pumayag kaya gumawa siya ng paraan para pumayag ako. Hawak niya at ng ina niya ang asawa ko. Kung hindi ko mapatay ang target, ang mag-ina ko ang mawawala.”naluluhang saad ng lalaki.
Kapag nahuli talaga ang mga kriminal memoryado kaagad ang baon nilang mga linya.
Alam mo bang nasa kritikal na kondisyon ang ina ng magiging asawa ko. Paano kung si Bhella nga ang natamaan ng balang pinakawalan mo. Eh di ako naman ang mawawalan ng asawa at anak.
Wala ka bang option na isuplong siya sa mga awtoridad?
“Sir may record po ako sa kapulisan. Sino ang maniniwala sa akin na ako naman ang biktima ngayon? Tulongan nyo lang ang mag-ina ko sir, handa na akong magpakulong. Kahit habangbuhay pa akong makulong tatanggapin ko.”sagot niya.
“Sinong mag-aalaga ng mag-ina mo? Sinong magpapakain sa kanila? G*go ka ah, gagawa ka ng mali pagkatàpos sa amin mo iaatas ang resposibilidad mo sa iyong mag-ina,”reklamo ni Axel.
Sige sabihin mo kung sino ang mastermind. Tawagan mo siya ngayon at sabihin mong nasa poder mo na ang target. Total magaling kang magdrama, sa anumang paraan pamuntahin mo siya dito.
Agad naman nitong tinawagan ang nag-utos sa kanya. Inutusan ni pareng Axel na i-loud speaker ang tawag. Sinunod naman niya ito kaya narinig namin ang ring ng cellphone sa kabilang linya.
“Hello, nagawa mo na ba inutil? Sabihin mo na kaagad kung napatay mo na ba ang karibal ko kay Engineer Ryanair Park.”sabi ng nasa kabilang linya. Nagulat ako dahil pamilyar sa akin ang boses nito.
“B-boss na sa akin na ang babae. Hindi ko pa pinatay ito, tinakpan ko ng panyong may pampatulog. Kung gusto mo ikaw na mismo ang pumatay dito para sigurado. Pagkawalan mo na ang mag-ina ko ma'am.”sabi ng lalaki.
“Ugok anong akala mo sa akin uto-uto? Matalino ito dong, baka patibong lang yang sinasabi mo. Padalhan mo ako ng larawan para paniwalaan ko.”sabi ni Elsie.
Nagkatinginan kami ni Axel at ng lalaki. Paano namin kukuhanan ng larawan si Bhella?????......