Ryan pov Kahit anong pagmamakaawa ko hindi na nakinig si Bhella sa akin. Hinila na ako ng mga kaibigan ko dahil hindi na ako umalis kung saan ako mapaluhod. “Hayaan mo na siya walang masamang mangyayari sa kanya dahil naka-monitor sina Queen at clea.”si Froilan. Hindi ninyo kilala si Kelly pre, madumi siyang maglaro. Tiyak na mapapahamak ang asawa ko. Partida pa na walang alam sa karera ng sasakyan yon. “Huwag mong maliitin ang isang Bhella Valdez pre dahil napapahiya ka lang. Nakaya nga niyang i-drive ang 16 wheelers truck papuntang Zamboanga City na may kargang supplies. Nag-umpisa na ang karera, nakita na nag-uunahan na sila ng takbo. Bumilis na ang pagtibok ng puso ko hindi dahil excited ako kundi dahil sa matinding takot na nadarama ko ngayon. Panginoon ko iligtas mo sa kapahamak

