Bhella pov
Hindi ko talaga alam kung sino mag priority ko na unang isipin. Ang kapatid ko bang tukmol na puro panic at sigaw nalang ang ginawa.
Brent calm down okay, ayokong mag-panic ka dahil hindi ka pa okay. Okay na lumabas na si baby kaya relax. Hihintayin nalang natin na lumabas ang placenta.
“Ate, kusa bang malalaglag yon? Iyak ng iyak si baby boy eh anong gagawin ko?"tanong niya.
Naka-skwat position parin ako na parang umiihi. Hindi ko pa tuloyang nahubad ang aking panty.
Wait Brent palabas na ang placenta eeri lang ako pahawakin mo Ako sa braso mo. Humawak na ako sa braso niya at akmang eeri nang bigla namang bumulwak ang tubig. Kasunod ay may matigas na gustong lumabas. Kaya kinapa ko ng aking isang kamay. Brent baby ulit palabas na ahhhhh Brent saglit lang huwag ka munang gumalaw ahhhh. Inilalayan ko ang bata para hindi mahulog sa damuhan.
Brent hawakan mo balutin mo si baby. Ang kapatid kong animo'y natuklaw ng ahas dahil hindi na gumalaw. Brent naman umayos ka, I need your help not your panicking. Tukmol ka bunso napa-english tuloy ako sayo. Pakkkk! tulongan mo ako uy...wala na talaga akong choice kundi ang sampalin siya para matauhan.
“Ate!”sabi niya.
Tawagan mo si mommy ngayon din pauwiin mo kaagad.
Habang tinawagan niya si mommy ay dahan-dahan na rin akong umire para mailabas ang placenta. Ibinigay niya sa akin ang cellphone.
H-hello ahhhh mom help please ahhhhh---
Sa wakas nailabas ko na rin ang placenta. Tinalian ko ang aking tiyan ng mahigpit saka huminga sa damohan. Nanginginig ang aking katawan na parang nauubusan ng lakas. Hindi ko talaga akalain na dito pa ako manganganak sa damohan.
“Ate Bhella are you okay? Helppp! O my God anong gagawin ko.”sigaw ng aking kapatid.
B-brent, brent saglit lang, okay lang ako. Napagod lang ako ng kunti kaya gusto ko munang magpahinga. Babawi lang muna ako ng kunting lakas. Nakita kong may tiningnan siya sa kanyang cellphone. After a few minutes pumasok siya sa bahay. Kinuhanan niya ako ng kumot at unan. Ihiniga niya ako ng maayos saka bumalik sa loob ng bahay.
Pagkabalik niya ay may dala na siyang palanggana, tabo at mainit na tubig. May isang pitchel din ng malamig na tubig. Bumalik siya sa loob ng bahay, pagkabalik ay dala na niya ang medical kit at bagong blade. Hindi na ako nagsasalita, tiningnan ko nalang ang kanyang mga ginagawa. Kinuha niya ang batang nauna Kong isinilang. Isang malusog na batang lalaki.
“Ate Bhella malaki ang t**i ni baby boy,”sabi ni Brent. Nais kong humalakhak ngunit mahigpit kong pinigilan para hindi siya mawala sa kanyang focus. Hinayaan ko lang siya sa kanyang gagawin. Nakita ko ang kanyang cellphone sa aking tabi kaya naisipan kong kuhanan siya ng video.
Tinantya muna ni Brent ang distansya ng pusod pagkatapos ay mahigpit niyang tinalian ito. Pinutol niya ito gamit ang bagong blade. Hinawakan niya ng maayos si baby. At pinagliguan ito saka binalot ng tuwalya.
“Ate Bhella, ate Nica is back-excited niyang sabi. Ganun din ang ginawa niya dito pinutol ang umbilical cord ni baby at pinaliguan. Pagkatapos ay kanyang binalot ng isa ang tuwalya. Naiyak ako Sa ginawa ng aking kapatid. Ano ba ang nagawa kong kabutihan at nagkaroon ako ng ganito kabait na kapatid. Napakabuti mo naman panginoon dahil pinakalooban mo ako ng ganito kabuti na kapatid. Na siyang Handa akong alalayan sa oras ng aking kagipitan.
“Congratulation ate Bhella for having a twins. Parang sina mommy at daddy Benedict lang din. Hoy ate masama ba pakiramdam mo?”tanong ni Brent.
“O my goodness holy father in heaven. Bhella princess how are you? Wait let me check your BP. Honey, can you please carry our daughter inside. Wait I will go first, oh my goodness kaloka kung kailan wala kami saka ka dinatnan ng panganganak mo. Honey, please bring her to the washroom first. I need to clean her with lukewarm water.”utos ni mommy kay daddy.
“Hold on princess, everything will be okay,”sabi ni daddy Patrick. Ibinaba niya ako at inalalayan naman ako ni mommy.
“Congratulation anak, napakatapang mo talaga. Halos maaksidente na kami ng daddy mo dahil sa kakasigaw ko na bilisan niya ang pagmamaneho.”kwento ni mommy.
Pagkatapos niya akong paliguan, pinunasan at binalot ng bathrobe. She mouthed congratulations saka niya ako hinalikan sa noo. Naiyak tuloy ako sa ginawa ni mommy. Salamat po mommy....
“Halika na anak may gagawin pa tayo.”sabi ni mommy. Inakay na niya ako palabas ng washroom.
Isinara muna ni mommy ang pintuan at pinahiga niya ako. Kumuha siya ng sinulid at karayom para tahiin ang sugat ng pukikay ko. Mom, Mahaba po ba ang pagkapunit?
“Its normal anak, but don't worry dahil babalik din naman sa normal yan after 2 to 3 weeks. I will prescribe some antibiotics to heal your wound immediately.”sabi ni mommy.
Nilagyan niya ng Anesthesia at tinahi na ang wasak ko sigurong pukikay. Nakakahiya dahil nakita ni mommy pukikay ko. Si Brent ba nakita din kaya niya ang pukikay ko? Shutaaa nakakahiya naman kung nakita niya. Bahala na nga at least ligtas kong nailuwal ang mga anak ko. Kambal pa talaga at Hindi ko inaasahan ang surprisang ibinigay ng diyos sa akin. Thank you Lord.
“Anak tapos ko nang tahiin, huwag Kang masyadong gumalaw huh dahil baka bumuka ang tahi. Papasukin ko na si baby para mapadede mo. Ay teka lang ano bang ginawa ko? Bakit inuna pa kitang paliguan at tinahi. Oh my God bakit hindi mo sinabi sa akin na unahin ko munang asikasuhin ang apo ko. Bakit bigla akong naging tanga sa part na yon. Dapat inuna ko munang linisin ang bata. Ang umbilical cord, ang pagpaligo sa kanya. Saglit lang Nak, tawagin ko muna kapatid mo.”tarantang sabi ni mommy. At akala ni mommy isa lang ang apo niya. Ano Kaya ang magiging reaction ni mommy kapag nalaman niyang kambal ang apo niya.
Mom relax ka po, okay na po si baby dahil may magaling kang anak na matalino at matapang. Nakuhanan ko siya ng video kung paano niya ginawa ang kanyang trabaho.
“Really?”sabi niya.
“Mom, can we come in?”siga wni Brent sa labas.
Agad namang binuksan ni mommy ang pintuan.
Ang mahiwagang pintuan ay nagpatulala kay mommy.
“Honey look how adorable they are. God answered our prayers, because he give us a two little angels.”sabi ni Daddy.
Si mommy ay talagang pinanindigan ang shockness dahil hindi ito gumalaw.
“Hey mom, ate Nica is back! God answers our prayers not because we are good, but because He is good. Tingnan mo mommy oh, one hundred percent reincarnation siya ni ate Nica.”sabi ni Brent. Ibinigay niya si baby sa halos hindi na gumagalaw naming ina. Nang makita niya ang hitsura ni baby bigla nalang siyang pumalahaw ng iyak. Idinikit niya sa kanyang mukha ang munting anghel na kanyang hawak.
“Honey there is another one, take a look on how cute he is.”sabi ni daddy Patrick.
Bakit dalawa? They are twins hahaha nasurpresa ako kaya mas lalo akong naiyak. Mas una ko pang inaasikaso ang mommy ninyo kaysa tingnan kayo. Malinis na sila, sino ang naglinis sa kanila?”tanung ni mommy.
Brent akin na nga muna cellphone mo. Ibinigay naman ng aking kapatid ang kanyang cellphone. Binuksan ko ito at pumunta sa video clip. Ipinakita ko kina mommy at daddy Patrick ang ginawa ng kanilang anak.
“Waaaahhhhh you did it? Really? Oh my goodness we are so proud of you sweetheart. Ang dami ninyong surpresa sa araw na ito. I love you both!”sabi ni mommy.
“We are so proud to both of you, I love you guys. You are the best treasure we ever had after we lose our Nica. As a father I will be the anchor to hold your back. And I will be your guiding light when you walk in the dark. Remember that life is not what you alone make it. Life is the input of everyone who touched your life and every experience that entered it. We are all part of one another. We're all in this together. It's okay, to be honest. It's okay to ask for help. It's okay to say you're stuck, or that you're haunted, or that you can't begin to let go. We can all relate to those things. Screw the stigma that says otherwise. Break the silence and break the cycle, for you are more than just your pain. No matter the challenges you are passing through today. Always remember that you have me and mommy who loves you until eternity.”sabi ni daddy.
“Thank you daddy!”sabay naming sabi ni Brent
oooOooo
“Kumusta ang prinsesa ko? Sorry na late ako ng dating. After my patient surgery ko lang kasi nabasa ang text ni Brent. Sweetheart okay ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo? Kung alam ko lang na manganganak kana Sana hindi nalang ako umalis kanina.”ang ama kong puno ng pagsisisi dahil hindi nasaksihan ang pagsilang ng kanyang mga apo.
“Kambal din sila? Oh God, ang ganda naman ng biyaya natin doble kaagad. Tawagan mo sina mommy at daddy bal para pumunta kaagad dito sa America. Hindi pweding ma-missed nila ang moment na ito.”sabi pa ni daddy ko.
Tiningnan pa niya ang mga gender nito. Natawa ako dahil pinalo ni mommy ang kamay ni daddy.
“Uso naman siguro ang question and answer portion eh no? Bakit hindi mo ako tanungin kung ano ang gender ng mga apo natin. Kaloka ka twin, sisilipan talaga.”seryosong sabi ni mommy. Bigla naman humalakhak si daddy. Sa unang pagkakataon kong nakita si daddy na humalakhak ng ganito kalakas. Maldito ang hitsura ni daddy ko kabaliktaran naman kay mommy Shaila. Medyo bungisngis kasi si mommy habang si daddy naman ay napaka-seryoso.
Maraming salamat panginoon sa biyayang ipinagkaloob mo sa amin. Salamat din dahil buo na kami.
Gabayan nyo po kami sa aming pang-araw-araw na galaw. Ilayo nyo rin po sa kapahamakan ang aming pamilya. Salamat.....