Third person pov Habang nagtitipon at pinagsaluhan ang mga nakahandang pagkain. Napagdesisyonan ni Afsheen na maghandog ng tula sa mga magulang na naroon. At nang makita ni Bhella ang isang malaking piano sa stage she suggest na bibigyan niya ng madamdamin na background ang tulang bibigkasin ni Afsheen. Nagkasundo ang dalawa at sabay na pumunta sa harapan. Umupo na Si Bhella sa harapan ng piano at binuksan ang takip nito. “Papa, tatay, daddy, tito, uncle, fatherhood, haligi ng tahanan. Padre de pamilya o ang aking dakilang ama. Ngayong petsang ito hayaan nyo po sana kaming alayan kayo ng munting tula. Na maituturing naming pasasalamat para sa lahat ng hirap at sakripisyo na inyong ginawa. Para sa amin at para sa pamilyang pinakamamahal mo. Kayo muna ang bida sa gabing ito, bukas buong ar

