chapter 7

1624 Words
Bhella pov, Nang magising ako ay medyo magaan na ang aking pakiramdam. Nawala na siguro ang aking hang over. Iginala ko ang aking mata sa paligid. Nagtaka ako dahil hindi ko ito silid. Nasa hospital ulit ako? Naging suki na ako ng hospital, nakakatawa talaga dahil ipignaglihi siguro ako ng walang hiya kong ina sa pusa. Wala akong kasama, nasaan kaya sila? Sa may lagayan ng gamot nasa ibabaw din nito ang aking cellphone na ibigay kagabi ni mommy Shaila. Naisipan kong tawagan si mommy Shaila. Hello mhie, si Bhella po ito. Pwedi nyo po ba akong sunduin dito sa clinic. Naka-admit po ako eh, pwedi po paki bilisna ninyo mhie. “Okay sweetheart we will be there in a minutes.”sagot ng ginang. Ibinaba ko na ang tawag. Saka naman pumasok si mama Perlyn. “Ma, payakap po!”Sabi ko habang umiiyak. Ma, sayo ko lang ito sasabihin saka mo nalang sabihin sa kanila kapag nakaalis na ako. Alam kung mali ang gagawin ko at kailangan nyo pang magsinungaling. Alam ko rin na masasaktan sina lolo at lola sa aking gagawin. Pero ma hindi ko na kaya ang mga pagsubok na ibinigay ng panginoon. Pilit akong pinapatay ng pagkakataon ngunit hindi ako itinadhanang mamatay. Ma, aalis na po ako, oras na siguro para lisanin ko ang lugar na naging kanlungan ko ng eleven years. Maraming salamat sa pagpaparanas ninyo ni papa Kolas ng pagmamahal ng isang ina at ama. Mananatili po kayo dito sa aking puso at hinding-hindi ko po kayo malilimutan. “Ano ang ibig mong sabihin Bhella? Bakit parang mamamaalam ka na sa mundo? Huwag kang magbiro ng ganyan Bhella huh. Tumatayo ang mga balahibo ko sa mga pinagsasabi mo,”saad ni Perlyn. Magpakalayo-layo na po ako ma. Pupunta po ako sa lugar na hindi maaabot ng paningin ni Ryan. Nagpapatulong po ako kay mommy Shaila na ilayo ako dito. Pangako ma babalik ako kasama ang katuparan ng aking pangarap. Sa pagkakataon na yon wala nang aapak sa pagkatao ko. “Sigurado ka na ba dyan sa gagawin mo Bhella? Hindi kita pipigilan anak dahil saksi ako sa mga nangyayari sayo. Mami-miss kita Bhella, ipagdadasal ko ang katuparan ng iyong mga pangarap. Ingatan mo palagi ang iyong sarili at huwag mong tipirin sa pagkain nak huh.”sabi ni mama Perlyn. Ang akala ko hindi niya ako susuportahan sa desisyon ko. Mabuti nalang talaga at may mabuti siyang puso dahil nauunawaan niya ang kalagayan ko. Tumawag na si mommy Shaila! Kaya agad akong inalalayan ni mama Perlyn paupo. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya habang humihikbi. Naawa ako sa kanya dahil nagkaroon siya ng anak na salbaje. Sana si buboy ay lumaking mabuting bata at alagaan ang kanyang mga magulang sa pagtanda ng mga ito. Habang walang nakakakita ay agad akong mabilis na naglakad. Sumakay kaagad ako sa sasakyan nila mommy Shaila. Si daddy Patrick ang nagmaneho ng sasakyan. Nagmano kaagad ako sa kanila bilang paggalang. “What happened to you Bhella? You're so gorgeous and alive last night. Why all of the sudden you look so crummy.”mommy shaila asked. “Sweetheart let's go home first then we will ask her. She looks so pale and exhausted.”sabi ni daddy Patrick. Naiintindihan naman niya ang kalagayan ko. Kaya hindi na nila ako tinanong pa. Patuloy lang siya sa pagmamaneho. Ako naman ay walang imik na nakatingin sa dinaraanan. Ang bahay nila ay dalawang palapag hindi naman medyo kaliitan. May hardin sa harapan at mataas na bakod na gawa sa bakal. “Magpahinga ka muna sa silid ni Nica,"sabi ni mommy shaila at dinala nga niya ako sa isang silid. Pumasok ako kasunod kay mommy shaila at nang makapasok ako may malamig na hangin ang sinalubong sa akin. Napahawak ako sa aking batok at braso dahil sa malamig na hangin na dumapo sa akin. Nagsitayuan ang aking mga balahibo, at dahil masama pa ang loob ko parang hindi ko na alintana ang takot. “Nagugutom ka ba? Hintayin mo lang ako saglit huh ipaglukuto kita ng sopas,”sabi niya. Sige po Salamat. Umalis na kaagad si mommy shaila kaya nahiga muna ako sa kama. Ginupo kaagad ako ng antok. “Hi Bhella!” Sabi ng isang magandang babae na nakasuot ng puting damit. Para siyang anghel dahil napakaganda niya. Anong lugar ba Ito? Bakit maraming mga bulaklak at paru-paro. May mga batang nagtatakbuhan at mga matatanda rin pero bakit mga puting bestida ang kanilang mga kasuotan? “Bhella naririnig mo ba ako? Ako nga pala si Veronica at Nica ang palayaw ko.”sabi niya. Ano daw? S-si V-veronica na anak ni mommy Shaila at daddy Patrick. Siya ang eye donor ko, panginoon ko kinikilabutan ako. Bakit may mga mata ka parin? “Natatakot ka ba sa akin Bhella? Huwag kang matakot dahil hindi naman ako nananakit ng kapwa kahit noong nabubuhay pa ako. Itong mata na ito ay kusang ipinagkaloob ng panginoon. Alam mo Bhella, ayoko pa sanang lisanin ang mundo eh. Ayoko pa sanang iwanan sina mommy at daddy dahil ako lang ang meron sila. Tinanggal na ang matres ni mommy dahil may sakit siyang PCOS. Sinubukan kong lumaban Bhella pero hindi na kinaya ng aking katawan. Nasa wish list ng diary ko na kung sakaling lisanin ko man ang mundo. Ibibigay sa mga nangangailangan ang aking mga organs na pweding mapakinabangan. Palagi kong dala-dala ang diary na yon para malaman kaagad nila ang nais kong mangyari. Bhella ikaw na ang pumalit sa akin bilang anak nila mommy at daddy. Ikaw na ang mag-alaga sa kanila. Ituring mo sila na sariling mga magulang para hindi sila nangulila sa akin. Alam ko na someday mahahanap mo rin ang tunay mong pamilya. Pero Bhella huwag mong ipagkait sa kanila ang pagmamahal ng isang anak. Kaya mo bang tanggapin ang kahilingan ko Bhella?sabi ni Nica. Aalis ka na ba Nica? Tuloyan mo na bang lilisanin ang mundo? “Bukas na ang forty days ko Bhella aalis na ako. Basta ingatan mo ang mga magulang natin. Huwag mong hayaan na mangulila sila sa akin. Mag-iingat ka palagi Bhella, at sabihin mo kina mommy at daddy na Mahal na Mahal ko sila. Mananatili sila dito sa aking isip at maghihintay ako sa muli nating pagkikita sa kabilang mundo. Alagaan mo rin ang batang lalaki na nagmamay-ari ng aking puso dahil mamaya mawawala na rin ng tuloyan ang kanyang mga magulang. “Ano ang ibig mong sabihin Nica?”nagulat ako sa kanyang sinabi. “Ang mga magulang ng binatilyong inalayan ng aking puso ay comatose. Nakita mo ba ang dalawang tao na nakaupo sa dulo. Sila ang mga magulang ng binatilyong lalaki.”turo niya sa isang babae at lalaki na umiiyak. Mga kaluluwa rin sila na naghihinagpis dahil lilisanin na ang mundo. “Halika Bhella lapitan natin sila,”dinala niya ako sa gawi ng mag-asawa. “Tito,Tita, ito po si Bhella ang nagmamay-ari ng aking mata. Siya po ang makakasama ng anak ninyong si Brent.”sabi ni Nica. “Hija, hindi na namin maaalagaan ang aming nag-iisang anak. Hinihiling namin na sana maging mabuti ka niyang ate. Ikaw na ang bahalang gumabay sa kanya. Sabihin mo sa kanya na mahal na mahal namin siya.”sabi ng ginang. Paano po ba kayo naaksidente? “May sakit sa puso si Brent, at akala namin wala na kaming pag-asa na maisalba pa ang kanyang buhay. Nong araw na nawalan na kami ng pag-asa saka naman ibinigay ng diyos ang taong magsasalba sa kanyang buhay, si Nica. Sinadya ng aking pamilya ang pagka-aksidente namin para makuha nila ang negosyo at ari-arian namin kaya kami naaksidente. Hija, ilayo ninyo si Brent dito sa Davao bago pa man nila maisagawa ang plano na patayin ang aming anak. Mamaya sa aming paglisan sa mundo, magigising na si Brent. Hija, hindi na kailangan ni Brent ng kayamanan. Basta ituring nyo lang siyang pamilya at mahalin ng lubusan ay sapat na. Can you please be his big sister for life?"pakiusap ng ginang. “Bumalik kana sa mundo ng mga tao Bhella. Sundan mo ang liwanag na bahaging iyon.”sabi ni Nica. Kaya lumakad na ako papunta sa itinuro niya. Sa huling pagkakataon lumingon ako sa gawi nilang tatlo. “Bhella hija, alagaan mo ang kapatid mo at sabihin mong mahal na mahal namin siya."sigaw ng ama ni Brent. “Bhella, please take care of mommy and daddy. Hug them always at sabihin mong mahal na mahal ko rin sila,"sigaw ni Nica. “Okay ako na ang bahala sa kanila, hanggang sa muli nating pagkikita, paalam.”sigaw ko rin at kumakaway sa kanila. “Bhella, Bhella are you okay?"si mommy Shaila. “Mom, I love you! I miss you. Don't worry about me, I okay now. I am with Brent parents. Please take care of Bhella and Brent and they will take care of you and dad too. I love you and daddy mom!”sabi ko habang yumayakap ng mahigpit kay mommy Shaila. “Nica? Pumasok ang kaluluwa mo sa katawan ni Bhella? Oh my Nica I love you too my princess. I miss you more.”umiiyak na sabi ni mommy Shaila at niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Saka ako bumalik sa tunay na ako. Mommy huwag ka pong umiyak, nakita ko sa Nica sa aking panaginip. Nakakausap ko po siya at ang mga magulang ni Brent. Mommy kailangan nating ilayo si Brent dito sa Davao bago tuloyang mamatay ng mga kamag-anakan ng kanyang magulang. Magigising na si Brent mamaya kaya kailangan nating bilisan ang pagkilos. “Oh my God! Sige kumain ka muna dyan at kakausapin ko muna ang daddy mo.”sabi ni mommy Shaila at lumabas na kaagad mula sa aking silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD