Ryan pov
Hindi ako makakadalo pre dahil may hahabolin ako. Pasyensya kana, ihingi mo na rin ako ng paumanhin kay Governor Sanjela. Mas importante itong gagawin ko eh dahil nakasalalay ang aking kaligayahan dito.
“G*go ka pre, kompleto ang tropa tapos ikaw hindi makakarating. Nakakasama ka ng loob pre, and take note may exam pa yan at hindi mo pweding gulohin pre. Hayaan mo muna na abutin niya ang kanyang mga pangarap. Kapag may maling hakbang kang ginawa lahat ay makakalaban mo tandaan mo yan,”paalala ni Axel.
“Keep in mind that we are here for you. But once you repeat the same mistakes that you tattooed a deep scars to Bhella's whole personality. As her kuya ako ang hahatol sayo pre.”banta ng aking kaibigan.
“Noted pre!”
oooOooo
According to my source paalis na daw silang lahat at uuwi na ng America. Pero dadaan muna ang mga ito sa kasal ni pareng Axel at governor Sanjela.
Kagabi lang ako nagpaalam na hindi makakadalo pero doon rin naman yata ang destination ko.
Nahuli ako dahil may inaasikaso pa ako sa kompanya. Nagkaaberya daw ang isang factory kaya kailangan ko munang alamin ang sanhi nito.
Nang matapos ko ang lahat nagmamadali na akong pumunta sa airport para makaabot sa flight.
Ngunit nakakabit yata sa akin ang kamalasan dahil pagkababa ko sa taxi ay siya namang paglipad ng eroplano. Bukas pa ang next flight to Pagadian kaya malabo na ang chance na makadalo ako. Wala ang chopper ni daddy dito sa Mindanao kaya hindi ako makakagamit nito.
Dismayado akong napaupo sa isang bench at napahawak nalang sa aking noo. Hindi ko alam ang aking naramdaman ngayon.
May flight ang Aragon Airlines pero papunta itong Manila.
Tumingin ako sa kabilang bahagi, to my surprise I saw Bhella. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata to make sure kung hindi nga ba ako namamalik mata.
For real si Bhella nga, kaya agad akong tumayo at bumili ng flowers sa isang flower shop. Nabuhay ang aking sistema, sumigla ang daloy ng dugo sa aking mga ugat. Bumilis ang pintig ng aking puso na hindi ko kailan pa man naranasan.
Tanging si Bhella lang ang pagpaparanas sa akin ng ganito.
Bitbit ang bouquet ng bulaklak lumapit ako sa kanya. Sakto naman na inanunsyo na pwedi ng pumasok sa loob ang mga pasahero. Ibinigay ko sa kanya ang bulaklak at literal na nagulat si Bhella.
“Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Para saan ba ang bulaklak na yan?”
Para sa magandang dilag na katulad mo. I'm sorry please tanggapin mo na.
“Huwag kang gumawa ng eksina dito sa loob ng airport.”tiim bagang niyang sabi.
Bhe, saglit lang please! Nagmamatigas talaga dahil at patuloy na naglalakad papasok sa loob ng airport.
Sinabayan ko nalang siya sa kanyang paglalakad. Bumili ako ng airplane ticket sa loob. Kahit double pa ang kailangan kong bayaran magbabayad ako.
Isusugal ko na ang huli kong baraha, bahala na si batman. Nauna na siyang sumampa sa eroplano kaya hahanapin ko na naman kung saan siya nakaupo. Hindi niya tinanggap ang ibinigay kong bulaklak kaya bitbit ko parin ito.
Nakita ko na siya na nakaupo malapit sa bintana. May kaedaran na babaeng naunang naupo sa kanyang tabi. Sinamaan niya ako ng tingin ng makalapit na ako sa kinauupuan niya. Hindi ako magpapatinag sa mabangis niyang tingin. Binulongan ko ang matanda na magpalit kami ng pwesto. Binigyan ko pa ng one thousand para pambili ng meryenda pagdating sa Manila.
Kapag may suhol tanggal ang buhol.
Hi bhe! Tanggapin mo na itong bulaklak na alay ko sayo. Isipin mo nalang kung ilang bubuyog at paru-paro ang tinanggalan ko ng kaligayahan mapasaya ka lamang. Ilang insekto ang labis na nalungkot dahil ang mga bulaklak na dapat nilang pagmasdan sayo ko inilaan para ang matamis mong ngiti ay masilayan. Ang maganda kong banat ay walang epekto Kay Bhella.
Beside me is a fierce woman, emotionless Bhella...
“Sa katahimikan, sa aking tagilirang bahagi ay nakaupo ang isang babae na parang bato ang kanyang kabuuan,
Isang nagyeyelong malamig na estatwa, na walang palatandaan ng pagpapalahaga sa kanyang paligid.
Sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, may isang nagagalit bagyo ng kaguluhan ang namumuo,
Isang ipoipo ng emosyon ang gustong kumawala.
Sa kanyang pananahimik,
Itinatago niya sa kanyang puso ang kabaitan,
Walang nakikitang panlabas na tanda ng kagalakan o kalungkutan.
Ginagampanan niya ang pagkuble sa isang bahagi, kumikilos tulad ng perpektong sining.
Isang maskara ng neutralidad ang nababanaag sa kanyang pagkatao.
Walang nararamdamang saya o sakit,
Walang pagkurap ang kanyang mga mata.
Walang tawa na lumalabas mula sa mga labi nang mahigpit na nakatatak,
Walang luhang maghuhugas ng malungkot na bigat.
Walang init ng hawakan,
Walang mga sikretong mabubunyag.
Dahil walang emosyon ang kanyang mga titig.
Naiwan sa alikabok ang kilala kong Bhella,
Ang babaeng ayaw tumingin sa aking mga mata noon.
Ang talas ng kanyang mga titig ay mas masakit pa kaysa sa mga mura.
Ito nga ba ay dahil sa mga sugat na natamo niya noon?
Nananatili ang mga malalalim na peklat mula sa loob ng kanyang mga pinagdaanang pasakit.
Paano ko ba gagamotin ang kirot sa mga peklat ng kanyang mga sugat na ako ang may kagagawan?
Paano ko ba maibalik ang kanyang mga ngiti?
Paano ko ba buburahin ang kanyang mga pighati.”----
“Good afternoon, ladies and gentlemen.
We would like to welcome you on board Aragon Airlines. This is flight 844 bound to Manila. Our flight time today will be one hour and 50 minutes after take-off. To prepare for departure, please fasten your seatbelts and return your seat ang tray table to the upright position. Also, please seat your electronic devices in airplane mode. Thank you.”the flight attendant said.
“Sir! Excuse me sir! Gwapo sana pero lutang,”natauhan ako sa sinabi ng flight attendant.
“Ah sorry ma'am!”
“Feeling gwapo lang yan, tukmol naman,”sabi ni Bhella.
“Nakakabighani po ang ganda ninyo ma'am kaya lutang si Sir. Enjoy the flight and thank you for flying with us.”sabi pa ng flight attendant.
Alam mo ba na kompanya ng aming kaibigan ang Aragon Airlines.
“Hindi ko alam, hindi ako nagtatanong at lalong wala akong pakialaman. Kaya pwedi ba manahimik ka dyan.”mataray niyang sagot.
Alam mo bang hinanap kita? At hindi ako tumigil sa kakahanap sayo. Totoo pala ang kasabihan na kapag hinanap mo ang isang tao hindi mo ito mahahanap. Ngunit kung ang diyos ay kusa itong ipagkakaloob darating at darating siya sa hindi inaasahan na pagkakataon.
“Magsinungaling at mag-ingay ka pa, tatawag na ako ng security para ipatali ka sa unahan. Wala ka bang magawa sa buhay at bubuntot ka pa talagang tukmol ka.”inis niyang sabi.
Okay I will be quite, hindi na ako makikipag-away pa sayo.
Pero seryoso Bhella, alam kong hanggang sa Manila lang ako dahil hindi ko napaghandaan na pauwi kana pala ng America. Kahit alam kong pagmamay-ari kana ni Miller. Nais ko lang ipaalam sayo na mula ng umalis ka, saka ko na realized na mahalaga ka pala sa buhay ko. Yung inis ko sayo ay isang klase pala ng pagmamahal na hindi ko binibigyan ng pansin. Sobra pang pinsala ang ibinigay ko sayo na humatong pa sa pagkawala ng isa mong mata. Bago ang 18th birthday mo, bago maging last dance mo, bago may nangyari sa atin. Malaki na pala ang pinsala na ginawa ko sayo. Pero hindi mo ako sinumbatan, hindi mo sinabi na nabulag ka nang dahil sa akin. Mas pinili mong kalimutan ang nakaraan because you allow me to dance with you.
Sinamantala ko pa ang kahinaan mo bilang isang babae at iyon ay ang pagsamantalahan ka habang lasing. I'm sorry Bhella, sana mapatawad mo ako sa lahat-lahat nang nagawa ko sayo. After a long years na hinihintay kita. Sa mahabang panahon na umaasa akong may tayo pa. Ngayon na siguro ang panahon para palayain ko ang aking sarili mula sa pagkakulong sa mga ala-ala mo. Ngayong malabo nang maging tayo, sisimulan ko nang sanayin ang aking sarili na hindi na ako pweding umasa pa.
Siguro ang iyong pagpapatawad ay maging daan para makalaya na ako. Maaaring isipin mo na guilty lang ako sa aking mga nagawang kasalanan sayo. But I swear Bhella, I sincerely ask your forgiveness.
Mahal na mahal kita kaya hindi ko nagawang makipag relasyon sa iba.
Nagulat ako sa biglang paglingon ni Bhella at sinamaan niya ako ng tingin. May mali ba akong sinabi? My goodness, damn me!
“What?”i asked her.
In the eyes of Bhella I can see a tiger, I can see her strength reflected back. Like a tiger, it's like she walk her path with confidence and pride, knowing her stripes are uniquely illuminate her. She lies low not from fear, but for aim.
“Stop lying idiot! Stop your dramatic speech na parang biro lang ang nakaraan.”sabi niya. Naglagay ng headphones sa ulo at ipinikit ang kanyang mga mata.
Napakaganda niya, kamukhang-kamukha ng daddy at tita niya. Kung pagsamahin silang tatlo malamang ay mapagkakamalan na triplets. You are so great Lord, napakabuti mo dahil hindi mo pinabayaan si Bhella. Kahit na pinagmamalupitan siya ng tadhana palagi mong sinasagip ang kanyang buhay. Salamat panginoon dahil ibinalik mo siya sa kanyang tunay na pamilya. Masaya na ako na nakikita ko nang muli ang ningning at masayang hitsura ng aking lolo at Lola....