Bhella pov
Malayo na pala ang narating ko, thank you God. Ang bilis talaga ng panahon at hindi ko inaasahan na makaabot ako ng ganito kalayo. Sa tulong ng mga mentors kong doctor ay naipanalo ko ang laban. Apat na taon for bachelor's degree sa umaga. Apat na taon for rigorous medical education, including coursework and clinical rotations. Ang apat na taon of postgraduate training in psychiatry, focusing on clinical practice and specialized knowledge. Ay nakuha ko ng dalawang taon, salit-salitan ang mga mentors ko sa pagturo sa akin.
Simula nang mag-aral ako bilang psychiatrist maraming nagbago sa pananaw ko sa buhay. Kailangan din palang pangalagaan ang mental health at bigyan ng tamang pansin ang mga mental issues.
When I was in second year college. Sa hospital ng mga baliw marami akong nagtutulongan na pasyente. Hindi pa ako naging ganap na doctor pero gusto kong ma-experience ang tulongan sila at alamin ang mga mental issues nila. Nababasa ko ang nilalaman ng utak nila at ang mga nais nilang sabihin kapag nakakausap ko sila.
Ang ibang pasyente ay nagugulat kapag sinasabi ko ang laman ng isip nila.
Bhella's(myself)hidden ability ang basahin ang nilalaman ng utak ng kaharap. Sabi ko nga kay daddy na baka dahil sa palaging pagka aksidente ko na activate ang IQ ko. I have my highest IQ na kaya kong isaulo ang mga medical terms. Ang mga sintomas at gamot ng bawat sintomas na pweding maka-reduce o makapagpagaling.
Kahit gaano pa aggressive ang mga pasyente napapaamo ko sa pamamagitan ng pagtitig sa kanilang mga mata. Sabi pa nga ng ibang doctor may hypnotic power daw ako.
Hypnotic power is refers to a captivating or mesmerizing influence, often associated with hypnosis, that can draw attention or induce a trance-like state. It can describe the ability to hold someone's attention, making them feel sleepy or in a trance-like state. This power can be related to the ability of a hypnotist to suggest changes in thoughts, emotions, or behaviors. Napapakalma ko kaagad sila kahit nasa worst situation na sila.
Ayon kay daddy Patrick, baka dahil siguro sa combination ng aking mata at mata ni Nica na activate ang aking hypnotic power. Isang magandang talento para makatulong sa mga mental institution. Kaya porsigedo rin si daddy na maging lawyer ako. Inaasahan na nila ni mommy na sasabayan ko si Brent sa pagkatapos sa kursong abugasya.
Brent is a lawyer soon, ngunit mas una niyang tinapos ang business course niya. Kagaya siguro ng mga biological parents niya na matinik sa strategy ng negosyo si Brent. Sobrang proud si daddy Patrick sa kanya dahil nasasabayan siya ni Brent sa pagpapatakbo ng negosyo. May inamin siya kay daddy at mommy, well sa aming lahat pala. Since five years old palang siya tinuruan na siya ng kanyang ama paano mag-hack ng mga data sa website ng mga online. Sa murang edad kabisado na niya ang mga istratehiya sa kanilang mga negosyo. Kaya niyang gumawa ng report impromptu. Handa na siya para maging next CEO ng Miller Groups.
Hindi alam ni Brent na naka-enroll ako sa law school kung saan naroon siya at nag-aral. Naka-online at home schooling ako at ang deal ay kapag sino ang may mataas na grades sa bawat exam ay may vacation trip kahit saan man gustong magpunta. Tinutulungan ko si Brent sa kanyang pag-aaral at ang kanyang inaral ay naisasaulo ko na rin. Sa bahay pa lang tinuturuan ko na ang aking kapatid na makipag debate. Gusto kong nangunguna sa klase ang aking kapatid. At gusto kong palaging mataas ang kanyang marka. Well, sinasabayan ko siya sa kanyang pag-aaral ngunit gusto ko na siya ang umangat dahil kailangan niyang hawakan ang Miller Groups at ang muling pagbawi sa mga negosyo ng Buenavista. Surpresa na lang kapag malaman niyang classmate kami.
Reilly Veronica “Nica” Valdez
Benedict Bryan “Bryn” Valdez
Ang mga anak kong spoiled sa mga Lolo at Lola pati sa Tito nila. Isinilang at pinadede ko lang sila tapos sina mommy at daddy na ang Trainor nila. Sabi nga ni mommy nawala man si Nica apat naman ang ipinalit ng diyos para muling sumigla ang Miller Mansion. Mga anak kong prinsepe at prinsesa na halos di na sila nagpapahinga.
Habang busy ako sa aking pag-aaral ang mga Lolo at Lola naman ay busy sa pagpapaaral ng kanilang apo. At the age of 3 pumasok na sila sa school na puro gifted child ang naroon. Basic lang sa dalawa ang klase kaya ayaw na nilang pumasok sa class one. Three na daw ang edad nila kaya dapat nasa class 3 na sila. Mga anak kong pala desisyon hindi pweding kontrahin. Kaya sumailalim sila sa advance learning program. They are not identical twin katulad nina mommy at daddy ko. Si Nica ay reincarnation ni Nica. Mula nunal, pilikmata, mata at shape ng mukha at ang pagiging blonde hair.
Si Bryn naman ay copy paste ng kanyang ama. Nangingibabaw ang pagiging Koreano na sobrang gwapo. Paano ko nga ba makakalimutan si crush? Kung aráw-araw ko namang kasama ang kanyang hitsura. Hindi na ako galit sa kanya dahil may dalawa naman akong anghel. I stalked him and Elsie and I'm happy na masaya na sila. Lahat naman ng mga pangyayari ay may dahilan kaya walang mangyayari at hindi tayo makakausad kung panatilihin natin ang galit sa ating sarili.
Palaging pinapaalala ni mommy na huwag magtanim ng galit. Mas marami daw ang biyayang makakamtan kapag matuto tayong mapatawad. Sabi din ni daddy Patrick na kahit sobrang Mahal niya si Nica at sobrang nasasaktan siya sa pagkawala nito. He never questioned God, he never blamed God. He said what happened in life may mga sarili itong purpose. It's either test your faith o sadyang may mas magandang inilaan ang diyos sa buhay mo.
“Mom, we are going to Philippines.”si Nica.
“Mom, I want to visit the seven hundred island.”si Bryn.
At sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?
“Daddy Brent called earlier and he said our house is finished. We need to be there for a house blessings. Mom we have our ranch that full of animals.”si Nica.
Including your Tito daddy na animal rin dahil inimbitahan pa tayong umuwi ng Pilipinas.
“Mommy, mind your language, we understand what you just said. Grandpa didn't tought as to speak bad words.”si Bryn.
Opo! Sorry po kamahalan, I know it's my mistake.
Daddy, pinangaralan na naman ako ng apo ninyo oh.
“Nagsalita ka ulit ng bad words mirisi ka!”si daddy Patrick. Si daddy Patrick namin ay marunong nang magtagalog at magbisaya. Pati ang mga bata alam na nilang magtagalog at magbisaya. Fluent na yan pati sa Korean at Spanish. Hindi ko alam kung bakit nila inaral ang Korean language. At the age of five limang language na ang ginagamit nila. Henyo kasi ang daddy Brent nila sa mga languages kaya nararapat talaga siyang maging abogado. Ewan ko ba, baka sinasadya ni Brent na turuan ang mga bata ng Korean language dahil Alam naman ni Brent na koreano ang Lolo nito sa side ng ama nila.
Mommy pinagtulungan na nila ako. Si daddy porket magaling na sa tagalog reresbak na sa pambubully.
“Honey, huwag mong apihin ang anak ko. Ako ang makakalaban mo kapag inaapi mo siya,"sabi ni mommy.
“Hon, ikaw na ang bahala sa anak natin. May mga apo na tayo na kakampi ko that's why I'm okay now.”sagot ni daddy at nakipag-apir pa sa mga apo niya sabay tawanan.
Si daddy ko ay nasa Pilipinas kasama si Brent. Kailangan niyang alalayan ang aking kapatid sa mga projects nito sa Davao. Kabisado na ni daddy ko ang buong Davao kaya siya ang pinakiusapan ni mommy na gabayan si Brent.
Palaging tumatawag kapag may oras para kamustahin kami.
Naging gwapong binata na ulit ang daddy ko kahit may apo na siya. Ang arte at demanding niya dahil dapat daw daddy ko ang itawag ko sa kanya. Tinanong ko nga siya kung pinsan na niya ang asawa ni doctor Vicky Belo na si Hidden Kho hahaha.
Sabi ni Lola kaming lima ay para lang daw magkapatid. Bumabata daw kasi hitsura ng mga magulang namin ni Brent. Hindi naman talaga halata na nasa forty na sila.
Daddy ko calling...
Hello daddy ko kumusta ang Pilipinas po?
“Nasa mapa parin prinsesa ko. Nag-impaki ka na ba?”baliw na sagot ng daddy ko.
Marami akong thesis at projects na kailangan gawin daddy ko. Sina mommy, daddy at kiddos nalang ang pupunta dyan.
“Ate Bhella hindi pwedi yang desisyon mo. Magtatampo talaga ako sayo nyan. Para kanino ba ako nagsusumikap? Ate just two weeks lang please. Marami rin naman akong gagawin eh pagbalik ko dyan. Tulong-tulong nalang tayo are para madali.”sabi ni Brent.
Na guilty tuloy ako dahil ayoko namang sumama ang loob ng kapatid ko sa akin.
Okay bunso darating ako pero 2 weeks lang talaga huh. Uuwi kaagad tayo para sa pag-aaral natin. Isa pa alam mo naman na marami akong pasyente sa asylum.
“Okay ate thank you and happy trip!”masayang sabi ni Brent.
No choice Bhella! Kailangan natin na muling umapak sa lupang sinilangan. Sana hindi na mag-cross pa ang ating landas. It's been seven year na mula nang umalis ako sa poder nila Lolo Sergio at Lola Ester. Pwedi ko kaya silang makitang muli? Pag-iisipan ko nalang kapag nasa Davao na ako. Sabi nga nila kapag gusto may paraan kapag ayaw maraming dahilan.
“Mommy, mommy we are ready.”sabay na sigaw ng dalawa.
Ewan ko lang sa inyo kung kaya ba ninyong sagupain ang pollution ng Pilipinas.....