chapter 11

1644 Words
Third person pov Nagulat din si Shaila sa resulta ng blood test result ni Bhella. “How is it possible?” “What?”benedict asked. Naguguluhan si Shaila kung paano niya i-explained sa kanyang kakambal. Nagbunga ang nangyari kay Bhella at sa apo ni Don Sergio Ramos. And about the blood group? Shaila wonder kung bakit magkapareho silang tatlo ni Benedict. “May nabuntis ka bang babae twin?”shaila asked her twin brother. Napaisip ng malalim si Benedict sa tanong ni Shaila. And yes! His first love Arabelle Santiago. May nangyari sa kanila bago ito lumipad ng Paris para sa pagmomodelo nito. Dahil hindi siya pumayag na umalis ito. Kasama ang manager ay walang pahintulot o hindi na nagpapaalam sa kanya at tuloyan ng lumipad patungong Paris. Sa galit ni Benedict ay itinapon niya ang kanyang cellphone at lahat ng mga bagay na may connection kay Arabelle Santiago. Nineteen years na pala nang huli silang nagkita ni Arabelle. Nineteen years nang wala silang connection sa isa't isa. “And Bhella? She is from Davao.”anas ng isip ni Benedict. “Hello twin, hello world! Nag exist pa ba ako sa mundo? Ano ba ang iniisip mo? Bakit natameme kana dyan sa tanong ko? Meron o wala lang naman ang sagot eh.”himutok ni Shaila. “Did you remember my highschool sweetheart from Davao Montessori?”he said. “Oh yeah the maldita girlfriend of yours na palagi akong iniirapan. Kung hindi mo lang yon girlfriend, matagal ko na yung nasasabunutan. Anong connection niya sa tanong ko sayo? OMG! You f*ck her bru! May nangyari sa inyo dalawa bago kayo nawalan ng communication. Wait, wait---”shaila said at tumakbo ito palabas mula sa opisina ng kanyang kapatid. “Nelly nagising na ba si Bhella?”tanong kaagad ni Shaila pagkapasok sa loob ng room kung saan naroon si Bhella. “Anong nangyari sayo Shaila bakit ka nagtatatakbo?”tanong daddy ni Shaila. “M-mommy bakit po?”bhella asked. “Anak, anong pangalan ng mommy mo?”malumanay na tanong ni Shaila. Nagtaka naman si Bhella sa tanong ni Shaila. At agad na bumalatay ang lungkot sa kanyang mga mata ng mabanggit ang pangalan ng kanyang ina. “Anak, I know how hard you struggle. Alam kong ayaw mo nang balikan ang kwento mula sa iyong nakaraan. Pero anak may gusto lang kaming malaman tungkol sa pagkatao mo. Huwag kang mag-alala anak, nariyan si daddy, lolo, lola, Brent at tito Benedict mo para protektahan ka. Hinding-hindi kana namin pababayaan at wala nang makakapanakit pa sayo. “A-arabelle Santiago po! Nag-iisang anak ni Lolo Antonio at lola Corazon Santiago.”bhella said. Si Benedict na nasa likuran ni Shaila ay nanlaki ang mga mata sa kanyang narinig. Agad niyang hinawi si Shaila sa gilid. “Twin naman ang harsh mo damuho ka,”reklamo ni Shaila. “A-anak ka ni A-arabelle?”nauutal na tanong ni Benedict. “O-opo!”mahinang sagot ni Bhella. Namuo kaagad ang mga luha sa kanyang mga mata at nagbabadya ng mahulog. Dahil sa traumang sinapit mula sa sariling ina ayaw niyang marinig ang pangalan nito. Nagulat si Bhella nang yakapin siya ng mahigpit ng kanyang tito Benedict. Tumingin siya kay Shaila na may pagtataka. Hindi niya maunawaan ang lahat kung bakit siya niyapos. “Twin, dahan-dahan lang remember she's pregnant.”sabi ni Shaila. “Po?”nanlaki ang mata ni Bhella sa kanyang narinig. “Sorry sweetheart!”paghingi ng paumanhin ni Benedict. “You heard right sweetheart, Nica will be back soon,”wala sa wisyong sabi ni Shaila. Napakunot noo ulit tuloy si Bhella sa sinabi ni Shaila. “Our princess Bhella is pregnant and we are a grandparents soon. Honey I assure you that it will be the reincarnation of our Veronica. Anak kaya ka nagsusuka at nahimatay dahil buntis ka.”paliwanag ni Shaila. Nakatakip ng kanyang bibig si Bhella. “I'm sorry po, hindi ko po sinasadya yon mommy,”naiyak na sabi ni Bhella. “Kesyo sinadya o kesyo hindi, we don't care about it sweetheart. That baby in your tummy is a blessings for us. And you know why your Tito Benedict hug you a few minutes ago? Because you are his daughter. Kaya ramdam namin ang lukso ng dugo nang una ka naming nakita.”Shaila explained. “Sinasabi ko na nga ba na apo kita eh. Ayaw mo pang maniwala sa akin huh. Hindi mo ba alam na retired psychology doctor ako. Nakikita ko ang pagkahawig nating dalawa at higit sa lahat ang lukso ng dugo. Apo kita, apo kita Bhellapot.”masayang sigaw ni Benedicto. Si Maria naman ay tahimik na umiiyak dahil sa nalamang katutuhanan. Hindi rin inaasahan ng matanda na tunay pala nilang apo si Bhella. Only Shaila knows the story behind Bhella. Ano kaya ang magiging reaction nila kapag naikwento na ni Shaila ang lahat ng pinagdaanan ni Bhella. “May maliit na bata akong pasyente noon. May sugat siya sa kanyang ulo kaya pina-MRI. Bagong assign ako sa Davao noon. Nang makita ko ang batang babae ay sobrang natuwa ako sa kanya. Kinuhanan ko pa siya ng picture noon dahil pareho kami ng mata. Wait let me check my phone. Kahit nakailang ulit ako ng palit ng cellphone. Palagi kong tinatransfer ang larawan ng batang iyon.”benedict said. “Ako nga po yan, noong natagpuan ako ni Lolo Sergio sa ilog.”pag-amin ni Bhella ng makita ang kanyang larawan. “At ikaw rin ang dalagang inoperahan ko few months ago dahil naaksidente. After the operation umuwi na ako dito sa Manila. Hindi ko na nabalitaan pa ang situation mo.”sabi ni Benedict. “To complete the story, dahil sa aksidente na yon nabulag ang isang mata ni Bhella. After the doctor removed her bandage nalaman nilang naaapektohan ang isang mata ni Bhella. Exactly na naaksidente si Nica at isang mata lang ang naisalba sa kanya. At ang matang iyon ay tumugma sa mata ni Bhella. What a co-incidence right? Magpinsan na buo pala ang ating Nica at Bhella.”napaiyak na si Shaila sa revelation. “Tadhana nga naman, nawala si Veronica ngunit natagpuan naman natin si Bhella na anak pala ni Benedict.”naiyak na sabi ng ina ni Shaila at Benedict. Umupo si Benedict sa tabi ni Bhella at hinawakan niya ang kamay ng dalaga. “Hindi pa ba bumalik ang ala-ala mo? Hindi mo ba naalala ang mommy, Lolo at Lola mo?”tanong ni Benedict. “Stop asking that nonsense question twin. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang damdamin ni Bhella.”galit na sabi ni Shaila. “Why? What happened bal? Enlighten me, dahil hindi ko naman alam ang dahilan.”saad ni Benedict. “Pwes makinig kayong mabuti at pagkatapos nito kalimutan nyo na ang lahat. Huwag nyong banggiting muli ang nakaraan sa harapan ni bhella.”saad ni Shaila. Isinasalaysay ni Shaila ang lahat ng sinabi ni Bhella sa kanya. Ang mga masalimuot na pinagdaanan nito sa kamay ng sariling ina. At ang pinakahuli ay ang pinagdaanan nito sa apo ni Don Sergio. At kung sino ang ama sa batang nasa sinapupunan ni Bhella. Si Bhella naman ay muling napahikbi. Kaya niyakap ito ni Benedict, buong pagmamahal na pinatahan ang kanyang prinsesa. “I'm sorry anak kung wala si daddy sa tabi mo noong nahihirapan ka. Patawarin mo si daddy dahil hindi kita naipagtanggol sa tuwing may nanakit sayo. Ngayong nandito kana sa piling namin wala nang mananakit pa sayo. Hindi kana lalayo pa sa amin, at hindi na namin papayagang may manakit pa sayo. Sana mapatawad mo ang daddy. I'm sorry princess because you suffered so much for a long years.”sabi ni Benedict. Si Bhella naman ay mas lalong pumulahaw ng iyak. Iyak na pinipigilan niyang kumawala sa loob ng mahabang panahon. Katulad ng isang paslit na kapag inaway ay nagsusumbong sa ama. Ngayong may totoo na siyang kakampi magiging panatag na ang loob niya dahil may masusumbongan na siya. “Shhhhh princess! Daddy is here at hindi kana nag-iisa pa. You are not alone in the struggles of life anymore. You may feel lost and alone, but God knows exactly where you are, and He has a good plan for your future. When everything seems to be going against you, remember that the airplane takes off against the wind, not with it.”benedict said. Lumapit na rin ang totoong Lolo at Lola ni Bhella pati na rin si Patrick for group hug. “Bhella I'm still your daddy Patrick don't forget that.”patrick said. “Hell no bro! She is my daughter and she will carry my surname. Shaila, you have to cancel all the documents you sent to embassy. I have my lawyer and he will legally process everything. Within forty eight hours kailangan dala na ni Bhella ang aking apilyedo.”mautoridad na sabi ni Benedict. “Ang harsh mo twin, hindi naman kidnapping ang ginawa namin ni Patrick. Mom, dad, pagsabihan nyo po yang matandang binata ninyong anak.”pambubuska pa ni Shaila sa kanyang kakambal. “Not anymore bal, I have my Bhella now. Si Bhella at ang mga anak niya sa akin ay sapat na. Hindi ko na kailangan pang mag-asawa para maging masaya. Kaya pala kontento na ako sa buhay ko dahil may maganda pa lang darating. Si Bhella at ang aking magiging apo ay biyaya ng diyos.”buong pagmamahal na sabi ni Benedict. Nagpaalam kaagad si Benedict na aalis dahil aasikasuhin muna niya ang mga documents ni Bhella. Isang ama na naging 5x ang sigla dahil natagpuan niya ang kanyang anak. Ang kanyang dugo't laman na matagal na palang namumuhay sa mundo. Sa mga aksidenteng natamo nito ay siya pala ang itinadhana ng diyos na mahawakan ito. His magical hand gives Bhella the strength to survived.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD