chapter 9

2000 Words
Third person pov Nang ipaalam ni Bhella ang mga mensahe ng magulang ni Brent kay Shaila. Agad nitong kinausap ang asawang si Patrick. Agad silang pumunta sa hospital kung saan naroon si Brent na hanggang ngayon ay comatose parin. Pagdating nila sa hospital pumasok silang tatlo sa silid ni Brent. Hinawakan ni Bhella ang kamay ng binatilyo. Nakita ng mag-asawa ang agad nitong pagresponse. Dahan-dahan na idinilat ni Brent ang kanyang mga mata. Mag-adjust Sa liwanag at inaaninag ang mga tao sa kanyang paligid. “Ate Bhella, mommy, daddy!”sambit ni Brent. Nagulat Si Bhella sa kanyang narinig at lumingon siya sa gawi nina Patrick at Shaila. “Nakausap mo na sina mommy at daddy mo? Alam mo na sa akin at kina mommy Shaila at daddy Patrick ka ihinahabilin?”tanong ni Bhella. Tumango naman ang binatilyo bilang sagot. Kinausap ni Patrick ang surgeon ni Brent na bigyan silang permission para ilipat si Brent sa Manila for quick recovery. Agad namang pumayag ang doctor dahil ikabubuti naman ito sa bata. They rent a medical chopper para ilipad si Brent papuntang Della Torres Medical Hospital. Umuwi muna ang mag-asawa para ayusin ang mga kagamitan na kailangan nilang dalhin. Ihinabilin muna sa mga kasambahay ang pangangalaga nito. Kinausap naman ni Shaila ang kanyang pamilya na sila na ang bahala sa forty days ni Veronica. oooOooo “Paanong nakatakas si Bhella Perlyn? Mataas kamo ang lagnat ni Bhella. Saan naman pupunta ang batang iyon?”galit na reaction ni Donya Ester nang malaman na nawala si Bhella. “Hindi ko alam kung paano siya umalis, natutulog kasi siya nang lumabas ako saglit para bumili ng mainit na sabaw,"pagsisinungaling ni Perlyn. “Anong nangyari Lola?”tanong ni Ryan na makapasok lang ng kabahayan dahil galing ito sa labas. “Isa ka pang salbaje ka, nang dahil sayo nagkanda letse-letse na tahimik na mansion na ito. Magsaya kana ngayon dahil lumayas na si Bhella. Tawagan mo pa si Elsie para damayan ka sa kasiyahan mo. Ito naman ang gusto ninyo di ba ang mawala sa landas ninyo si Bhella.”naiiyak na sabi ng matanda. “Lola, I'm sorry for what I did. Inaamin ko na nagkakamali ako, I decide na paninindigan ko na ang lahat ng mga pagkakamali ko. Papayag na ako sa gusto ninyo, ipinapangako ko na aalagaan ko si Bhella sa abot ng aking makakaya,"sabi ni Ryan. “Pakkkk!” Ngayon pa kung kelan wala na siya. Ngayon pa na tuloyan na siyang lumayo."galit na Saad ni Donya Ester. “Ester huminahon ka muna, tatawagan natin ang mga kaibigan ni Bhella, ang mga kaklase niya. Baka isa sa kanila ang pinuntahan ni Bhella para makapag-isip muna ng Tama. Nangyari na ang nangyari kaya wala na tayong mapapala kung magbabangayan pa tayo. Pupuntahan natin ang bahay ng mga kaklase niya.”sabi nindon Sergio. Si Ryan naman ay lumabas at sumakay sa kanyang kotse. Pupuntahan niya ang clinic na pinagsaluhan nila kay Bhella. Baka lumabas lang ito at naglalakad malapit sa clinic. “Damn you self napaka tanga mo”. Kastigo niya sa kanyang sarili. Kaninang umaga nang mapagalitan si Ryan ng kanyang Lola napaisip ito ng malalim. Nang dalhin niya si Bhella sa clinic ay mababalisa ang kanyang sistema. Lalo pa nang malaman ni Ryan na sa aksidente na naganap few months ago nasira pala ang mata ni Bhella. Napagnilay ni Ryan na marami na pala siyang nagawang pagkakamali kay Bhella. Maswerti nga lang ito dahil may donor ng mata. Naisip ni Ryan na halos siya na ang pumatay dalaga. He felt guilty dahil napakalaki pala ng pagkakamali na nagawa niya. Ganun na pala siya kasahol at halos mapatay na niya si Bhella. Nang makipagtalik siya sa dalaga ramdam niya ang kasikipan nito. Ngunit nanaig ang mga masamang paratang ni Elsie na hindi na daw berhin si Bhella. Nang makita siya ng kanyang Lola at ng ina ni Elsie mas lalong nag-panic ang kanyang sistema. Bata pa sila kaya paano niya panindigan na pakasalan si Bhella. Maraming pang-iinsulto ang binitawan niyang salita para sa dalaga. Kaya para ituwid ang lahat napagdesisyonan niya na kausapin ang kanyang Lolo at Lola. Kung ang pakasalan si Bhella ay magiging paraan para mapatawad siya ng mga ito ay sasang-ayonan niya. Sana bigyan siya ni Bhella na pangalawang pagkakataon. Ngunit pagdating niya sa bahay masamang balita lang pala ang kanyang madadatnan. Umalis ito sa hospital na hindi nagpaalam. Kaya ngayon nagpaikot-ikot siya at nagbabaka sakali na makita niya si Bhella. Sabi pa naman ng ina ni Elsie na mataas ang lagnat nito. Nakailang ikot na siya sa mga kanto pero wala siyang nakitang Bhella. Mas lalo tuloy siyang kinakabahan dahil baka may masamang mangyayari kay Bhella. Saan nga ba niya ito hahanapin? oooOooo Nakahanda na ang lahat, nadala na nina Patrick at Shaila ang kanilang mga importanting gamit para sa kanilang pag-alis. Ibibili nalang nila Sina Brent at Bhella ng mga personal needs kapag nasa maynila na sila. “Mom, ako na po ang aalalay kay Brent kaya ko na po. Maapo na po kayo ng maayos dahil baka nahilo kayo.”sabi ni Bhella kay Shaila. Napakabilis ng mga pangyayari, hindi akalain ni Bhella na sa loob ng bente kwatro oras magbabago ang kanyang kapalaran. Iniwan niya na walang paalam ang mga taong kumupkop sa kanya ng 11 years. “Sana magkikita pa tayong muli Lolo Sergio at Lola Ester. Sana sa muli nating pagkikita ang masigla parin kayo,”anas ng isip ni Bhella. Naisip rin ni Bhella ang nangyari sa kanya nang matulog siya. Nakakakilabot isipin ang tagpong nakakausap niya ang tatlong kaluluwa. At nakikita din niya ang iba pang mga kaluluwa na naghihintay nalang ng ilang araw para makatawid sa kabilang dimension. oooOooo Della Torres Medical Hospital, Manila Isang tanyag na heart specialist ang tumingin kay Brent. He will undergo a some test to secure his health. Tinawagan ni Shaila ang kanyang kakambal na kapatid na si Benedict Valdez. Isang Neurologist Surgeon si Benedict na nakapagtapos sa England. Habang si Shaila naman ay nakapagtapos ng Burn and Plastic surgery including cosmetic surgery sa Netherland. Nagkataon naman na on duty pa pala ang kapatid kaya pinuntahan ito ni Shaila sa chamber nito. “Des oras ng gabi na bakit narito ka sa hospital bal?”tanong ng kambal ni Shaila. “I need your help twin, kasama namin ang binatilyong nakatanggap ng heart ni Nica. Kanina lang siya nagising mula sa pagka-comatose. His life is in danger twin, his parents died in the accident. His parents family chased him para patayin siya.”Shaila explained to her twin. “Malaking gulo ang pinasok mo bal, paano kung ipa-deport kayo ng asawa mo ng pamilya ng binatilyo. I think it's about wealth conflict.”saad ni Benedict. “I am a cosmetic doctor twin, ilabas mo lang kami ng Pilipinas buburahin ko ang pangalan at lumang hitsura ni Brent. Panibagong pagkatao, panibagong buhay at panibagong pamilya. May lawyer ka bang kakilala? Pagawaan mo kaagad ng passport si Brent at kami ni Patrick ang magiging magulang niya. Babayaran ko kahit magkano ang kailangan ng lawyer mo. At may isa pa kaming kasama. Ito ay si Bhella Salvador ang nagmamay-ari sa isang mata ni Nica.”mahabang paliwanag ni Shaila. “Oh pati ang nagmamay-ari ng mata ni Nica aampunin mo parin. Hindi mo ba siya gagawaan ng passport? Paano ninyo siya maisama sa America kung wala siyang pasaporte?”sabi ni Benedict. “Walang problema kay Bhella twin dahil magkahawig sila ni Nica. Pweding gamitin ni Bhella ang passport ni Nica. Pagdating namin ng America kapag ini-scan ang mata niya lalabas ang identity ni Nica.”sabi ni Shaila. “You are so clever Shaila Valdez Campbell,"paghanga ng kapatid ni Shaila. “Let's go twin, dalhin mo muna sa bahay ang mag-ama ko para makapagpahinga muna sila. Maiwan muna ako dito dahil pag-iisipan ko pang mabuti ang gagawin kay Brent bago ilabas ng Pilipinas.”shaila said. Pinuntahan na nila ang private room kung saan naroon ang tatlo. Nagulat si Benedict ng makita si Bhella. Malakas ang pintig ng kanyang puso na di mawari kung ano ang dahilan. “Parang pamilyar sa akin ang babaeng ito.”anas ng kanyang isip. “Anak Bhella, ito ang Tito Benedict mo ang kakambal ko.”pagpapakilala ni Shaila kay Bhella. Katulad ni Benedict ay napatulala din si Bhella nang makita niya ang doctor. “Totoo talagang may doppelganger ang mundo, di ba twin? Akalain mo ba naman na magkahawig tayong tatlo,”natatawang sabi ni Shaila. “Wait you are the Bhella na inoperahan ko sa Davao right? Ikaw ang apo ni Don Sergio Ramos,”sabi pa ni Doctor Benedict Valdez. Nanlaki ang mga mata ni Bhella nang marinig ang sinabi ng doctor. Natakot tuloy siya na baka ipaalam ng doctor kay Don Sergio ang kinaruruonan niya. “Bal, umuwi ka na rin muna sa bahay para makapagpahinga ka. We will assign a nurse to monitor the patient. Huwag mong abusuhin ang iyong kalusugan,”sabi ni Benedict. “I'm okay twin, gusto ko lang munang masiguro na maging maayos ang kalagayan ni Brent. Nak, sumama ka muna sa bahay ng Tito mo.”sabi pa ni Shaila kay Bhella. “Mommy, dito nalang muna ako kasama ka. Sabay nalang tayong pupunta bukas sa bahay nila Tito.”mahinang sambit ni Bhella. Naintindihan naman ni Shaila ang sinabi ni Bhella kaya hinayaan nalang muna niya na manatili si Bhella sa hospital. “Hon, go home to my parents' house to take a rest first.”shaila said. Nang umalis na ang dalawa, nakaupo lang sa couch Sina Bhella at Shaila. Walang imik na nakatingin kay Brent. “Na miss mo ba ang Lola at Lolo mo Bhella? Bakit mo nga ba napagdesisyonan na umalis sa bahay? Hindi ka ba nababahala na baka hinahanap ka na nila ngayon?”nag-aalalang sabi ni Shaila. “Tiyak na nag-aalala na po ang mga iyon. Pero baka kapag mananatili pa ako doon baka tuloyan na po akong mamatay. Nabuo po ako sa maling pagkakataon. Inayawan ako ng aking sariling ina. Nang mabuo ako nais po niya akong ipalaglag dahil sinisira ko daw ang carrer niya sa pagmomodelo. Pinigilan siya ng Lolo at Lola ko. Nang ipinanganak niya ako para lang akong aso na agad inaabandona. Kahit isang patak ng gatas hindi niya ipinatikim sa akin. Inalagaan ako ng dalawang matanda. Grade one na ako noon nang maaksidente sina Lolo at Lola. Namatay sila at ako ang sinisisi ng aking ina. Salot daw ako at puro kamalasan ang dala kaya namatay ang kanyang mga magulang. Kinaladkad niya ako palabas ng bahay at itinapon sa tulay habang rumagasa ang malakas na baha. Kaya 11 years ago na po nang inanod ako ng malakas na baha at maswerting napulot ni Lolo Sergio. May apo po si Lolo Sergio mga tatlong taon po ang agwat namin. Itinulak siya sa pool na batang babae na anak ng kasambahay nina Lolo Sergio. Ako ang kanyang ididiin lalo na't kamuntik nang mamatay ang batang lalaki. Palagi akong kinamumuhian ng lalaki sa tuwing nakikita niya ako. Kahit nagbibinata na siya patuloy parin niya akong binubully. Hanggang sa isang araw na naganap ang aksidente. Hinampas niya ang aking kabayong sinasakyan nawala ito at matulin na tumakbo. Dahil sa kabiglaan hindi ko napaghandaan ang lahat. Na out of balance ako at humampas ang aking ulo sa isang puno. Sa aksidente na yon ko natamo ang pagkawala ng aking isang mata. Bumalik po siya galing Maynila humingi ng tawad at naging 18th roses ko. Noong nakaraang gabi po dinalhan niya ako ng alak para tikman dahil 18 na daw ako. May nangyari po sa aming dalawa ngunit ng malaman ni Lola Ester idiniin po nya na ako ang may kasalanan. Kaya hindi ko na po nakayanan mommy.”mahabang salaysay ni Bhella. “Oh my goodness my Bhella, I fell sorry for you.”saad ni Shaila at niyakap si Bhella. #ito po ang original na chapter 9
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD