Third person pov
This is the worst part of Ryan's life. Ang magkaroon ng kaibigan na sanib pwersa para i-set up siya. Does he deserve this scenario?
Ganito kasi ang nangyari, bago pa man padalhan ni Brent si Ryan ng email kinausap muna niya ang kanyang ate Sanjela. At syempre as a supportive ate kinausap rin niya ang kanyang asawa para sa drama set up ni Brent. Paalis na sana sila papuntang America para umattend sa graduation ni Bhella at Brent. Nagkataon naman na tumawag si Brent kaya napasama sila Sa mga cast of characters na gaganap bilang dagdag sakit sa ulo.
Nagkataon pa na ang pinsan ni Sanjela ang sumundo sa kanila sa Pagadian City. Alam naman na kapag kaalyansa ang Reyna tiyak na may malaking pasabog na magaganap. Agad na kinontak ang buong tropa para sa emergency mission. Saang lupalop ka man ng Pilipinas kung tawag na ng Reyna ang iyong matatanggap iwanan mo na ang lahat. Minsan na ngang nabanggit ni Jeremy sa asawa na what if in the middle of love making ang mga kaibigan niya. Ang tanging sagot; “Hugotin ang nakabaon, kung ayaw nilang kamao ko ay sa mukha bumaon. Kapag ang nangangailangan ay nataon, kailangan bigyan ng pagkakataon.”
Habang magdrama si Ryan sa harap ni Axel. Sina Afsheen at Sanjela naman ay halos kapusin ng hininga sa pagtawa. May camera na nakatago sa likod ng sun glass ni Axel kaya kitang-kita ng dalawang magpinsan ang eksina sa laptop nito.
Pagdating sa Maynila nakahanda na kaagad ang tropa para sumakay jet plane ni Afsheen. Naging tampolan ng grupo ang pagdadrama ni Ryan.
Gayunpaman ay labis ang saya na nadarama ni Ryan ng makita ang lahat ng kanyang mga kaibigan. Napapamura nalang siya dahil nagawa pa siyang pagkaisahan ng mga ito.
oooOooo
Sobrang happy ni Bhella ng sa wakas ay magpapakasal na ang kanyang dalawang kaibigan. At proud siya sa kanyang kapatid dahil nagawa nitong asikasuhin ang mga pangangailangan ng soon to be a husband and wife.
“Mommy you know, I saw our daddy and he is talking DaddyLo,"si Nica. Nabigla naman si Bhella sa sinabi ng kanyang anak.
She's wondering kung nagkausap kaya ang daddy niya at si Ryan. Kaya pinuntahan niya ang kanyang daddy sa room nito kasama ang mga Lolo at Lola.
“Daddy ko po ba kayong makausap?”sabi ni Bhella sa daddy niya. Kaya pumunta silang dalawa sa may balcony kung saan nakikita ang magandang tanawin sa New York.
“Kumusta kana anak? I'm so proud of my princess.”sabi ng ama ni Bhella.
“Thank you daddy ko, mana kasi ako sayo eh. Daddy ko may problema po ba kayo? Bakit hindi ko nakikita ang dating sigla ng mga mata mo? Parang may bumabagabag po sayo daddy ko. Ayokong tingnan ang mga mata mo daddy ko dahil malalaman ko kung ano ang katotohanan dyan sa utak at puso mo. Gusto ko daddy ko na ikaw mismo ang magsasabi ng totoo.”sabi ni Bhella. Hindi umimik si Benedict sa sinabi ng kanyang anak. Totoo naman kasi ang sinabi nito, kahit magsinungaling pa siya, malalaman parin nito ang katutuhanan.
“Nga pala daddy ko, nagkita ba si Nica at Ryan? Nabanggit kasi ng apo niyo na nakita daw niya ang daddy niya na kausap nyo po.”pag-iiba ni Bhella sa usapan nilang mag-ama. Naramdaman ni Bhella na may mabigat na dinadala ang ama. Bibigyan niya ito ng oras para paghandaan ang pagsasabi sa kanya kung anuman ito.
“Yes anak ko, nakita niya nang kinausap ako ni Mr. Park bago siya umuwi ng Pilipinas. Unang-una humingi ng paumanhin sa mga nagawa niyang kasalanan sayo. Pangalawa gusto niyang makausap ka nang masinsinan at maayos ang sa inyong dalawa. The decision is yours sweetheart, as your father nakasuporta lang ako.”saad ng ama ni Bhella.
“Nagkausap po ba sila, I mean nakita na ng malapitan daddy ko?”tanong ni Bhella.
“Hindi, papuntang school sila noon eh. Hindi huminto si Brent kaya nag-wave lang siya. Anak, kahit anong tago ang gagawin mo gagawa parin ng paraan ang tadhana para pagtagpuin sila.”sabi ng ama ni Bhella. Tama nga naman ito dahil walang usok na nahahawakan habangbuhay.
Pagkatapos nilang mag-usap bumalik na sila sa room ng Lolo at Lola ni Bhella. Dumating ang Tito Felipe at Tita Leonora ni Bhella kaya parang bata na magtatalon sa tuwa. Kompleto na ang kanyang pamilya at ipinagpasalamat niya ito sa panginoon.
Tinanong kaagad niya kung darating ba ang pinsan na si Sanjela. Ang sabi parating na daw, nauna lang pala sila dito sa new york ng ilang araw dahil pinsan ni Tita Leonora niya ang mga Della Torres.
Masayang magkokwento ang buong pamilya. Ginunita nila ang mga lumipas na taon na nagkawalay sila sa bawat isa. Makikita ang labis na kasiyahan ng dalawang matanda dahil nakikita niyang kompleto ang kanyang pamilya. Kapag ang diyos ang gumawa ng paraan walang imposimbli.
Tumawag si Brent kung nagpapasundo ba si Bhella para sa stag party na hinanda nila sa bride. Ngunit humingi ng paumanhin si Bhella dahil mas pinili niyang makasama ang kanyang pamilya. Gusto niyang makipag bonding sa kanyang pamilya kaysa maki socialite sa mga kaibigan.
oooOooo
“Oh my goodness ate Bhella anong oras na ba? Hindi ka ba natutulog sa dorm mo at talagang ngayon mo binawi ang kulang-kulang mong tulog doon. Maghanda ka na nga, maligo kana para maayusan kana ng make up artist. In a few minutes pupuntahan kana ni Allen Carter para ayusan. Dala na rin niya ang gown mo na isusuot mo sa kasal. Bilisan mo ate, dahil nagwawala na itong bff mo.”sigaw ni Brent sa kabilang linya.
Nang putolin ang tawag ay agad namang kumilos si Bhella. Pakanta-kanta pa siya habang nasa loob ng shower. Pagkatapos niyang maligo ay kinain muna niya ang kanyang breakfast para hindi siya magutoman. May kumatok sa pintuan, kaya nagmamadali siyang uminom ng tubig at binuksan ito.
“Surprise atty. Valdez and to be registered Doctor Valdez.”si Sanjela.
“Wahhh ate Sanjela kumusta? Nakakainis ka dahil hindi ka kaagad dumating kagabi. Nga pala pasok muna kayo, tapos chika tayo.”sabi ni Bhella.
“This is Allen Carter ang iyong make up artist for today's ganap.”pakilala ni Sanjela kay Allen. Ang make up artist at gown designer na ipinadala ni Brent para ayusan ang ate niya. Na briefing na ng husto ni Brent ang ate Sanjela niya kaya tuloy-tuloy na ang greatest drama na gagawin mamaya sa venue ng kasal.
“Hi po madam ang ganda mo naman po, para lang kayong kambal ni ate Sanjela,”komento ni Allen.
“Ay salamat po dahil nakikita mo ang aking kagandahan.”natatawang sabi ni Bhella.
Pumasok ang kambal para tingnan ang kanilang mommy na inaayusan. At syempre si Nica ay aayusan rin kagaya ng kanyang mommy.
“Oh me ghadddd! Pinagbiyak na buto, copy check, paste check, Xerox copy check. Paano nangyari etech. Senech eng eme? Tama ba ang henele ke? Kalorkey ate Sanjela, how etch happen ba, you tell me bakit nga ba?”histirikal na sabi ni Allen. Ang dalawang bata naman ay labis na nagtataka. Siguro nagtataka kung saang planeta ba galing si Allen.
“Gawin mo na ang trabaho mo Allen. Kung ano man ang nakikita mo itikom mo muna iyang bibig mo. May oras para sagutin ang mga katanungan mo.”si Sanjela.
Naiintindihan naman ni Allen ang lahat kaya tahimik nalang siya at ipinagpatuloy ang pag-aayos kay Bhella.
Natatawa nalang si Bhella dahil kapag tinitingnan niya sa mata ni Allen nababasa niya ang mga katanungan nito.
“Stop asking Allen, dahil katulad ng sinabi ni ate Sanjela may tamang panahon para sa rebelasyon.”saad ni Bhella.
Si Allen naman ay nanlaki ang mga mata nang marinig ang sinabi ni Bhella.
“Wuuyyyy, like ate Afsheen nakakabasa ka rin nilalaman ng utak kahit hindi ito binibigkas? Ang galing nyo naman dahil gumagana ang mental telepathy ninyo.”si Allen.
Pagkatapos ng lahat ay nakahanda na silang pumunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Namangha si Bhella sa ganda ng gown na suot niya. Feeling niya tuloy siya ang ikakasal charootttt.
Pagdating nila sa venue, nagulat si Bhella sa suot ni Brent. Muntik pa niya itong hindi makilala dahil sa ayos nito.
“Hala anong ginawa mo? Mas maganda ka pa kaysa sa akin dong. Baka masapak kana ni Drake niyan hahaha. Maid of honour ba tayong dalawa? Nasaan Si Erica? Pwedi ko bang lapitan?”natatawang tanong ni Bhella.
“No ate! Mag-uumpisa na ang kasal. Prank lang natin ng konti si kuya Drake para masaya. Isuot muna natin itong mask para effective. Ayusin mo ang aktingan huh para maging best actress tayo after the wedding hahaha.”sabi pa ni Allen.
“Baliw ka talaga, at kung anu-ano nalang ang naisip mong kalokohan.”si Bhella.
“Bhella baby, kumusta ang pinaka magandang bride na aking nakikita? Congratulations!”si Axel na talagang nilakasan ang boses para marinig ng kaibigan niyang walang tulog at nagkikimkim ng sama ng loob sa may gilid.
“Kuya Axel ang aga-aga lakas makabola. I'm fine po, glad to see you here,”masayang sagot ni Bhella.
Nagtawag na ang organiser para maghanda. Kaya rumampa na si Brent at sumunod naman si Bhella. Masaya si Bhella na tuloyan ng bubuo ng pamilya ang dalawa niyang kaibigan. Nagsimula nang kumanta ang isang magandang babae. Nanindig ang balahibo ni Bhella sa ganda ng boses nito. Nauna na ang kanyang mga anak at nakita niya itong nakatayo sa may unahan.
Gustong humalakhak ni Bhella dahil sa reaction ni Drake. Akala ni Drake si Bhella bilang maid of honour na ang naglakad kaya sumigaw ito ng “Bilisan mo dear!”
Nang tanggalin ni Brent ang kanyang mask napahalakhak ng malakas si Drake. Napuno nang tawanan ang simbahan sa ginawang kalokohan ni Brent.
Si Bhella naman ang naglakad pero natawa parin siya dahil naluluha si Drake sa pagtawa sa ginawa ni Brent. Ganito ang kaibigan ni Bhella, matapang pero kapag pinatawa ay talaga tears of joy ang siste.
“Pre, huwag kang manggulo hayaan mo nalang.”pinanindigan ni Axel ang drama.
“Sa huling pagkakataon susubokan ko ang aking kapalaran. Hanggat humihinga ako hindi ako pweding sumuko.”tiim bagang na sabi ni Ryan.
“Masisira ang pinakamahalagang araw niya. Tingnan mo naman ang groom naluluha sa tuwa dahil naglalakad ang bride niya.”gatong pa ni Justine.
“Wala akong pakialam!”galit na saad ni Ryan at umalis para lapitan si Bhella na naglalakad sa aisle.
“Roll the camera!”hudyat ni Afzal. Pigil tawa ang lahat sa nag-alburoto nilang kaibigan.
“Bhella, I'm sorry! please bigyan mo ako nang isa pang pagkakataon na ituwid ang lahat. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita sayo kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na mabuhay kapag wala ka. Please Bhella kahit isang pagkakataon lang.”sigaw ni Ryan at lumuhod pa sa likuran ni Bhella.
Si Bhella naman ay nagulat sa kanyang narinig. Nanigas ang katawan na parang ipinako sa kanyang kinatatayuan.
“Daddy, daddy! Our daddy is here. Yeheyyyy daddy we missed you.” sigaw ng kambal at nagtatakbo papunta sa gawi ni Ryan. Agad nilang niyapos ang ama at hinalikan sa mukha.
Si Ryan naman ay parang natuklaw ng ahas. Napa-O nalang ang lahat ng mga saksi sa eksina na kanilang nakita.....