Ryan pov
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya. I'm excited to see her pero kapag naisip ko ang nakita ko sa airport nalulungkot ako.
“Cheer up son, bakit ganyan ang hitsura mo? Hindi ka ba masaya na matutuwa ang Lolo at Lola mo dahil makikita na nila ang taong gusto nilang makita?”my mom said.
“Ano ang ibig mong sabihin Emerald?”tanong ni Lola Ester. “Surprise ma, makikilala mo mamaya sa pupuntahan natin.”sagot ni mommy.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagmamaneho. Lolo, Lola look at the area ang mga iyan ang nerenovate ko. Nakita ninyo ang gate na yan? Papasok yan sa Rancho ng mga Miller. At itong malaking gate naman ay ang Miller Mansion.
“Napakaganda naman ng lugar, napakayaman naman pala ang nagmamay-ari neto.”sabi ni Lolo.
“Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ninyo kapag nakita ninyo sila,”anas ng aking isip.
Pagkapasok sa loob ng gate sa mansion labis na pagkamangha ang naging reaction ng aking Lolo,Lola at mommy. Sinalubong naman kaagad kami ni Dr. Valdez. Nagulat pa ako ng makita ko ang aking kaibigan.
Governor Valdez? Engineer Galanza? Habang ginagawa ko ang proyekto na ito hindi ka man lang bumisita. Ngayong tapos na narito kana, ano 'to ikaw ang final checking,”natatawa kong sabi.
“Small world eh, dahil kapatid ng papa ko ang asawa ng may-ari ng buong lugar. Ayos ka nga rin gumalaw eh, akala namin one of a good person ka,”nang-uuyam na sabi ni Sanjela.
Nabigla ako sa kanyang sinabi.
“What do you mean Doc? F*ck! ibig sabihin Tito ni Dra. Sanjela si Dr. Benedict Valdez.
Hindi na sinagot ni Sanjela ang aking tanong dahil ibinaling na niya ang kanyang attention sa gawin ni mommy.
“Kumusta? Malaki pala ang proyekto mong ito. Sorry hindi kita nabisita Alam mo naman na busy ako sa kakasuyo ng aking asawa. So, Malaki ang kinita ng kompanya, malaki rin ang komisyon na makukuha ni Ryan Park.
Kailangan pumunta ka sa kasal ko, Alam mo naman na bawal absent sa bawat special na araw natin.”sabi ni Axel.
Lumapit si Brent at enentertain niya ang family ko at ipinakilala sa kanyang mga magulang. Sobrang natuwa naman ang aking mga Lolo at lola dahil nakita nila ang mga taong nagbigay ng mata Kay Bhella noon. Ang swerti mo bata, naging malapit sayo ang babaeng minahal ko. Pero kung kaya mo pang agawin sayo gagawa ako ng paraan. Bhella won't be yours hanggat may butas pa akong malulusotan.
“Earth on Ryanair Park! Accla ka ba? Bakit naman napaka- possessive ng tingin mo kay Brent?”tanong ng aking kaibigan.
Nasaan na ba ang girlfriend ni Brent? Gusto ko siyang makita, I want to see her reaction kapag nakita na niya ako. Bakit kaya dinala ni Sanjela sina Lolo at Lola sa loob? Ipapakita ba niya si Bhella, dman it nakita na kaya niya Ako Kaya ayaw niyang lumabas.
“Anong nangyari sayo pre bakit parang balisa ka?”tanong ni pareng Axel.
“Tara lunch na muna tayo, maraming pagkain oh sayang naman kung hindi natin lalantakan.”aya ni pareng Axel sa akin.
Kahit wala akong ganang kumain sinabayan ko parin ang aking kaibigan. Nakakahiya naman kung mag-e-emote ako at baka mahalata pa niya ako. Napag-usapan namin ang pagdating ng buong tropa. Sana nga lang makapunta ako sa araw ng kanyang kasal.
“Guys may I have your attention please. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang unica hija ng aking kakambal. Please give a round of applause to our precious princess Reilley Bhella Valdez. Bhella anak halika dito sa tabi ko para makilala kana nila.”sabi ni Mrs. Miller.
“Oh my precious ang ganda na niya, hindi na ang dating nene na mahiyain. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Katulad noong nakita ko siya sa Airport, ngunit nadismaya ang aking puso nang makitang niyakap siya ni Miller. Ang dating palaging binubully ko at ni Elsie, damn it. Naalala ko na naman ang kawalang hiyaan ng aking pag-uugali. I give her a lot of hardship physically ang pain emotionally. Ang tanga ko ang g*go ko, at tama nga si mommy that I am coward.
Alam niya kung saan ako nakaupo dahil hindi man lang niya ako pinasadahan ng kahit isang sulyap. Ganun mo ba talaga ako ka kinamumuhian Bhella? Ramdam ko ang kirot sa kaibuturan ng aking puso.
Marami silang itinatong pero wala akong naiintindihan dahil busy ang aking utak sa pakikinig ng nagwawala kong puso. Kahit isang sulyap lang Bhella, isang sulyap lang please.
“Ryanair Park nasa katawan mo pa ba ang iyong kaluluwa? Bakit parang may mabigat kay dinaramdma. Care to share pre! I all ears to listen your story,”sabi ni Axel.
I lose my childhood hmmp--nag-umpisa sa pambubully. Hindi ko alam nang mga panahon na yon kung laro lang ba ang atake ko sa kanya. Ogag ako eh, ang dami kong atraso na ginawa sa kanya. The worst part I did is yung ako ang dahilan ng pagka-aksidente niya. She is luckily didn't died that day but she loss her one eye. At ang mata ng anak nina Mr. And Mrs. Miller ay milagrong tumugma sa kanya kaya naibalik ang kanyang paningin. What a small world pre dahil ang eye donor ni Bhella ay pinsan niyang buo. Tapos ngayon malalaman kong pinsang buo din ni Bhella si Dra. Sanjela.
“So, Reilley Bhella is your first love. The one and only woman you've been waiting for so long? Kaya ayaw mong makipag-relasyon sa iba. Kaya hindi mo pinapatulan ang mga binubuyo namin sayo. Si Reilley Bhella Valdez ang babaeng hinihintay mong bumalik. Malas mo bro dahil engaged na siya kay Brent Patrick Miller. Kung ako sayo kalimutan mo nalang iyang wala mong kwentang narararamdaman. Malaki naman pala ang atraso mo sa kanya. Imagine mata niya ang binulag mo, malaking impact ng trauma yon sa kanya. Nagawa mo siyang i-bully noon, what if kapag naging kayo mas malala pa ang gagawin mo. Hindi na pwedi ang rematch pre dahil baka maging kwento na ang buhay ni Reilley Bhella Valdez.”sabi ng aking kaibigan.
I don't know na ganun kalaki ang nagawa kong pagkakamali. Kung alam ko lang na nagkaproblema siya sa paningin. Handa akong ibigay ang ang mata ko pre.
“Really? Gagawin mo? But it seems that you found out late. Wala nang silbi ang panghihinayang mo pre. She's living a good life now, so don't bother her anymore. May Governor Sanjela Valdez Galanza nang haharang sayo. Alalahanin mong mas delikado na ang laban mo kung magpapatuloy ka pa. And I think you can't win the Miller dahil malalim na ang pinagsamahan nila comparing sayo. Alam mo naman siguro na they are not connected by blood but connected by heart. Totoy pa lang yon pero marami nang achievement sa buhay. Ikaw gurang kana ngunit ano ba ang maipagmamalaki mo para kalabanin ang isang Brent Patrick Miller.”pang-uuyam na sabi ng aking kaibigan.
Damn you Galanza akala ko ba kaibigan kita. Bakit kung makapayo ka parang hindi mo na ako kilala.
“Exactly kaibigan kita idiot, pero kapag alam kong mali ka hindi kita kokonsetihin,”sabi pa niya.
“Kuya Axel, kuya Axel, I need help! May kakilala ka bang expert sa pagpapalakas ng network. Kailangan ko nang network expert para palakasan ang signal habang makikipag-debate ako. May impromptu debate at nakasalalay ang final exam namin ni Bhella. If we can't make it today, hindi kami makakasama sa licensure examination.”tarantang sabi ni Brent Miller.
“I can make it Brent, I will assist you. Saan ko ba i-set up ang mga devices?”sagot ng aking kaibigan.
“Thank you kuya, I owe you big time. Baka pweding sa third floor nalang para mas makakakuha tayo ng magandang posisyon. Umakyat ka nalang po Sa third floor kuya, inform ko muna si Bhella. Damn it, mapapagalitan na naman ako nito dahil pinagbakasyon ko siya”sabi ni Brent at tumakbo na paalis.
“Help me pre, set up natin ang mga gadgets. Makikita mo ngayon ang angas ng babaeng sinayang mo. Tadhana nga naman, di mo alam kung saan iikot.”pang-aasar pa ni Galanza.
Shut up idiot! Huwag kang magmalinis na akala mo'y wala kang kasalanan. Huwag mong kalimutan na matindi ang pinagdaanan mo bago mo narating ang kinalalagyan mo ngayon. Tinawanan lang ako ng siraulo, ang sarap sapakin.
Umakyat na kami sa itaas at tinutulungan ko na si Axel sa pag-ayos ng upuan at mga kakailanganin pa. Sa dalawang magkabilang balcony nakapwesto para iba ang view ng dalawa. Malaki ang hall na ito dahil ito ay gagawing gym at ballroom area.
Kinunekta na ni Axel ang mga gadgets sa malaking tv screen sa hall. Kapag nagde-debate sila malinaw itong makikita.
Di nagtagal umakyat na ang lahat. Na excite rin yata ang mommy ni Bhella dahil pati mga guest hinakot na niya paakyat. Nang makita ko siya nagwawala na naman ang aking puso katulad kanina. Kapag may makita akong kahit kaunting butas ng pag-asa ilalaban kita Bhella.
Nang tingnan niya ako sa kinauupuan ko walang emosyon siyang nakatingin sa akin.
“Babe, get ready! You have to beat me. I don't want to see you as a weak Reilley Bhella Valdez. Ipakita mo sa mga Americans na si Reilley ka nga, di ba dad?”sabi ni Brent at tumingin kay Mr. Miller.
“Okay lezzzzgooooo! Stephanie Moore I'm ready.”si Bhella.
“Are you ready to reveal your face Atty. Valdez?”tanong ng Americanang babae.
“Okay Atty Moore I'm ready!”sagot ni Bhella.
“Professor Holmes, our team defender Atty. Valdez will debate online. And this time we will see her.”sabi ng babae.
“Good evening everyone! I'm Reilley Bhella Valdez. Because we're about to finish our law course, I don't need to hide anymore. One thing I hide my identity it's because of Atty. Brent Patrick Miller. I want to compete with him without his knowledge. But the funny thing is since from the middle years of our course he found out everything. He remained silent to see my ability to compete with each other. Atty: Miller do your best because I won't let you defeat me.”nakangiting sabi ni Bhella.
“My pleasure Atty. Valdez,”saad ni Brent.
“Okay let's start our debate. Our topic is about “Marriage Equality: A Relook on Same s*x Unions.”the host.
Nag-umpisa na ang talakayan at nakafocus lang si Bhella sa mga sinasabi ng kabilang team. The advocates often emphasize the right of same-s*x couples to marry, highlighting the equality and dignity it offers. They argue that denying this right is discriminatory and that marriage should be available to all those who love and wish to commit to each other.
“Compatibility doesn't determine the fate of a marriage, how you deal with the incompatibilities, does.
Sometimes, by upholding equal rights for a few, courts necessarily must require others to forebear some prior conduct or restrain some personal instinct. Here, that would not seem to be the case. Assuring equal protection for same-s*x couples does not diminish the freedom of others to any degree. Thus, same-s*x couples’ right to marry seems to be a uniquely ‘free’ constitutional right. Hopefully, even those opposed to or uncertain about same-s*x marriage will see it that way in the future.
Marriage equality is about more than just marriage. It's about something greater. It's about acceptance. The issue should be recognized for what it truly is - a civil rights issue that must be approved to assure that every citizen is treated equally under the law. Thank you!”si Bhella.