Ryan pov Pagkatapos namin pareng Axel na ayusin ang kaso ng mag-ina sa presinto napagdesisyonan muna naming mananghalian. Pinuntahan namin ang Patok sa Manok ng aking kaibigan. Ipinakilala ko si Axel sa mag-asawa nagkukwentohan pa kami at nabanggit nga ni pareng Axel na uuwi na sila ng Pagadian City mamayang hapon. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanyang pagtulong sa aking kasama ang kanyang mga agent na narito sa Davao City. Mapapanatag na ako pre ngayong nahuli at nakulong na ang mga salarin. Pupunta ako sa bahay nina Lolo para tanungin ang katiwala ni Lolo sa sakahan. Mahirap na baka pati ito kasabwat ng dalawa. “Tama ka pre at dapat maging alerto na kayo. Nakita mo naman kung gaano ka risky ang ginawa ni Tita Arabelle para sa anak niya. Pinagpala nga lang at walang masamang nangyari s

