NANG MAILIGAW nina Jayford at Donabella si Ricci at ang grupo nito ay kapwa sila sumandal sa isang pader. Pareho silang pagod at hinihingal dahil sa pagtakbo. Nakapikit si Donabella habang nakasandal pati likod ng ulo at nakangisi namang pailing-iling si Jayford habang nakatingin sa dalaga. Hindi makapaniwala ang binata na magaling sa billiards si Donabella. At kanina, habang naglalaro ito, hindi maialis ng binata ang paningin niya dito. Sobrang ganda nito. Sobrang cool at nakakamangha ang katapangan. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Matamang pinagmamasdan lamang ng binata ang katabing dalaga hanggang sa bigla itong nagmulat ng mata at napasuntok sa hangin. “Yung pusta!” bulalas ng dalaga. Umawang ang labi ni Jayford at napahalakhak. “Seryoso ka? Munti

