NANG SUMUNOD na day off ni Donabella. Agad siyang pumunta sa opisina upang makausap ang superior niya. She wants to talk about the threats in Redford Evans' life. Dalawang beses nang may nagtangka sa buhay nito at nararamdaman ng dalaga na hindi lang basta-basta ang mga taong 'yon. Nang pumasok sa opisina ang superior niya ay agad siyang tumayo at nagbigay galang. “Donabella, anong gusto mong pag-usapan?” agad na tanong nito ng makaupo sa harapan niya. “Sir, dalawang beses nang may nagtangka sa buhay ni Redford Evans at sa tingin ko, hindi sila basta-basta. Gusto kong malaman ang lahat ng koneksyon niya, sir, para mabigyang linaw ang lahat.” diretsong sagot niya. Tumango-tango ang opisyal. “Redford Evans is a very well-known businessman, Donabella. Isa rin siyang mahusay na prosecutor

