GIGIL NA GIGIL si Donabella habang lulan ng sasakyan ni Redford Evans. Hatinggabi na at ngayon palang sila uuwi ng mansion. Tinotoo kasi nito ang sinabi nito kahapon kay Kysler na maglilinis pa siya. Literal na inalila siya ng demonyitong bugnutin dahil pinalinis sa kaniya ang buong penthouse, pinapalitan lahat ng bedsheets, kumot at mga punda. Pinaglaba rin siya at pinalinis lahat ng sandamakmak na appliances kahit malinis naman ang mga ito. Grabe! Hindi tuloy niya naiwasang isipin na baka diring-diri ito sa kaniya kaya pinalinis nito ang buong penthouse bago sila umalis. Pasulyap-sulyap siya sa demonyito habang tahimik lang itong nagmamaneho ng kotse. Matalim ang tingin na ibinabato niya rito pero wala itong pakialam. Kapalit ng impormasyon na kailangan niya ay aalilain yata siya ng

