MAYROONG DALAWANG bagay na bumabagabag kay Donabella kinabukasan. Una ay kung paano niya pakikiharapan si Redford Evans pagkatapos ng nangyari kagabi at ang pangalawa ay ang malaking pimple sa tip ng ilong niya dahil sa puyat. Bilang isang babaeng napakaarte sa mukha, hindi siya mapakali dahil sa malaking pimple. Bukod kasi sa masakit ito at mamula-mula ay naiirita siya dahil nahahagip ito ng paningin niya at naduduling siya. Matapos maligo ay lumabas ng silid si Donabella na takip-takip ang kaniyang ilong. Napasinghap pa siya nang matanawan si Kysler na kalalabas lamang sa kwarto at napatingin sa kaniya. “Good morning, Dona.” Ngumiti siya sa binata kahit hindi niya alam kung nakita nito ang pag-ngiti niya. “Good morning, sir Kysler.” Kunot ang noo na lumapit sa kaniya ang binata. “Ayo

