HINDI ALAM ni Donabella ang dapat niyang maging reaksyon habang naghuhugas ng plato. Kani-kanina lang kasi nagsink-in sa kaniya ang kasunduan nila ni Redford Evans at narealized niya na talaga ngang lugi siya sa mga kondisyones nito. Napailing si Donabella habang pinupunasan ang dalawang kutsara't tinidor na hinugasan niya. Hindi pa kasi bumabalik si Kysler kaya silang dalawa lamang ng bugnutin niyang amo ang naghapunan. Habang nagtataob ng mga hinugasan ay naramdaman ni Donabella ang mabigat na titig mula sa likuran niya. Agad siyang lumingon at dumapo ang kaniyang paningin kay Redford Evans na nakatitig sa kaniya habang nakasandal sa wall. Napalunok si Donabella. Anong ginagawa ng bugnutin? “I already lost interest in women but when I saw how fiesty you are, you are starting to get i

