Episode 34

1112 Words

MABIGAT ANG paghinga ni Donabella habang nakatulala sa cellphone niya. Katatapos niya lang makipag-usap kay Timothy at masaya nitong ibinalita sa kaniya na uuwi na ito sa susunod na linggo. Napabuntong-hininga ang dalaga. Dapat ay masaya siya pero bakit hindi siya nakakaramdam ng pananabik? Bakit parang hindi na siya kinikilig? Bakit nawawala ang malakas na pintig ng kaniyang puso kapag tumatawag at nakakausap niya si Timothy? Sobrang daming tanong sa isipan niya pero hindi niya alam kung paano 'yon sasagutin. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya. “Bella.” Napatingin siya sa pintuan nang kumatok si Erika. Agad siyang tumayo at lumapit sa pinto, nang buksan niya ito ay agad na bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Erika. “Okay ka lang?” Ngumiti siya at tumango. “Oo naman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD