HALOS KILABUTAN si Donabella sa ganda ng bahay. Kitang-kita sa loob ang ganda ng kagubatan at siyudad. Nasa mataas na parte talaga ang bahay at talaga namang napapanganga siya bawat parte na dinadaanan ng kaniyang paningin. Pagdating sa kitchen ay may sliding door at dali-dali niya itong binuksan saka lumapit sa pabilog na pool na napakagandang tingnan. “You like the house?” Napalingon siya sa bugnutin niyang amo na nakapamulsa siyang pinapanuod. Nakasandal ang braso at balikat nito sa gilid ng poste sa may kitchen habang pinagmamasdan siya. Ibinalik niya ang paningin sa pool. “Ganito ang gusto kong bahay.” “Pwede ka namang tumira dito,” napalingon siya sa binata dahil sa sinabi nito. “Asawahin mo 'ko.” dugtong pa nito. Pinangunutan niya ito ng noo. “Maluwag na yata ang turnilyo mo

