MATAMANG pinagmamasdan ni Redford Evans ang paalis na sasakyan na may tatak na number 06. Malinaw sa kaniya na iniligtas siya ng driver ng kotse na 'yon at may kutob siya na ito rin ang nagligtas sa kaniya noong may pumasok sa kaniyang kwarto. Agad na tinawagan ni Redford ang pinsang si Kysler. Agad rin naman itong sumagot. [Red, ayos ka lang?] “I'm fine. Alam mo ba kung sino 'yung driver ng number six?” [Vixen ang nakaregister na pangalan sa monitor.] Vixen. Pangalang babae. Nagtaas ng noo si Redford. Isa lamang ang pumasok sa kaniyang isipan. Si Donabella Roberts pero...hindi naman siya sigurado kung marunong itong makipagkarera. [Vixen saved you, Red. She might be the one who saved you last time.] “Sige na. Susundan ko siya.” [Mag-iingat ka.] Agad na pinatay ni Redford ang tawag

