Episode 04
DONABELLA knew someone is rudely staring at her. Ramdam nya ang matalim na titig ng kung sino mula sa likuran nya at nang lumingon sya ay hindi nga sya nagkamali. Naroon sa may hagdanan si Redford Evans, nakasandal sa railing habang diretsong nakatingin sa kanya at nakahalukipkip ang mga braso.
Nagpupunas ng coffee table si Donabella. Katatapos lamang nila ni manang na magluto ng pananghalian.
Ilang araw na ang lumipas mula noong lagpasan sya ng halimaw na Evans pagkatapos nya itong lamukusin ng halik. Akala nya ay mananatiling parang hangin ang trato nito sa kanya pero nagkamali sya dahil matapos ang ilang araw ay narito nanaman ang makatindig balahibong titig ng lalaki.
Palihim syang napailing at iwinaksi sa isipan ang masungit na lalaki. Hindi naman kasama sa trabaho nya ang ugali ng lalaki kaya mas mabuti pang h'wag nalang itong pansinin pa.
Bahagyang nakatuwad si Donabella dahil pinulot nya ang nakakalat na magazine at ipinatong sa coffee table. Akmang aayos na sya ng tayo nang may sumagi sa pwet nya.
“Ay!” tili nya nang mapaupo sya sa sofa.
Tiningnan nya ng matalim ang humahagikhik na Jayford Evans na nakahilata ngayon sa sofa. Tinulak lang naman sya nito gamit ang bola nito na pangbasketball.
Kahit inis na inis ay tinalikuran nalang nya ito saka sya pumasok sa kusina at doon naman naglinis. Kailangan nyang makalayo sa lalaki dahil baka hindi nya mapigil ang sarili na sakalin ito hanggang mamatay sa mismong harap ni Redford Evans.
Argh! Nakakastress na bahay na ito. Hindi nya akalaing mahihirapan sya sa huling assignment nya.
Pinagpagan ni Donabella ang mga palad nya saka naupo sa stool. Pumangalumbaba sya at nag-isip ng mga bagay-bagay nang makaramdam sya ng presensya mula sa likuran nya. Agad syang naging alerto at mabilis na lumingon sa kanyang likuran. Gano'n na lamang ang gulat nya nang mapagtantong si Redford Evans ang tao sa likuran nya. Mataman sya nitong pinagmamasdan gamit ang mga mata nitong walang emosyon at malamig kung tumingin.
“Uhm…sir, m-may iuutos po kayo?” kiyemeng tanong ni Donabella kahit sa loob loob nya ay nakasimangot sya.
“You we're aware of my presence. f*****g tell me who you are, Donabella Roberts or I'll fire you right away!” tiim-bagang na banta nito.
Hindi sya nakasagot. Nagtatanong nanaman ang binata. Anong gagawin nya? Hahalikan nya ba ulit ang lalaki?
Humakbang ito ng isang beses palapit sa kanya. Napasandal sa counter si Donabella. Sa tangkad ng lalaki ay nangangawit ang kanyang leeg sa pagtingala dito.
“S-Sir…” halos pangapusan sya ng hininga.
“Who the f**k are you?!” matigas na tanong nito.
Donabella had no choice but to kiss him again and she did. She ravaged his parted lips for God knows how long. Hindi gumagalaw ang binata. Tila nagulat sa pangalawang pagkakataon ngunit hindi katulad ng una ay tinulak sya nito. Marahas nitong pinunasan ang sariling labi. “f**k! What the f*****g f**k! Oh f**k you!” sigaw nito sa kanya saka galit na nagmartsa palabas ng kusina.
Umawang ang labi ni Donabella at napatulala. She just kissed him again and why does it feels right kahit pa nga may nobyo sya?
Mariin syang napapikit at muling napaupo sa stool. Damn!
Dahan-dahan nyang kinapa ang sariling labi habang nakatulala. Bakit pakiramdam nya ay mas lumambot ang labi nito? Bakit tila mas tumamis ang labi ng binata?
Meanwhile, Redford who angrily barged in his room is in total chaos. The rude woman kissed him for the second time pero bakit nagustuhan nya ito? Bakit nagustuhan nya ang halik nito tulad no'ng unang beses sya nitong lamukusin ng halik.
He punched his bed at inihilamos ang sariling palad sa kanyang mukha. Oh damn! Sisesantehin nya ang babaeng 'yon! f**k! She kissed him! She f*****g kissed him when he was just asking about who she is! f**k! Is she a seductress? A f*****g call girl? A w***e? Damn it!
Did i just hire a w***e? — he thought.
Yumuko sya at marahang kinagat ang sariling labi. Her lips are so soft and sweet and f**k…she's wakening his desire for a woman na akala nya ay matagal nang naglaho! Damn! What is this? Naaakit sya sa babae! He's doomed!
He balled his fist and get his phone. Humigpit ang hawak nya dito nang buksan nya ang screen at tumambad sa kanya ang litrato nya at ng isang lalaki.
He squeezed his eyes close and whispered. “Damn, Cal, I think i'm going back to who I was before you.”
***
MALIKOT ang mga mata ni Donabella habang naghahapunan ang tatlong binata. Naroon siya muli sa gilid katabi si Erika at ang ina nito. Kinakabahan sya at hindi mapakali. Naalala nya ang sinabi kanina ni Redford Evans na sisisantehin sya nito. Damn! Anong gagawin nya?
Should i kiss him again?— Donabella shook her head. Definitely not a good idea. Baka sipain na sya nito o saksakin sa pangatlong beses na halikan nya ito.
“Wala ka talagang balak na imikan ako, Jayford?” Kysler suddenly blurted out.
Tahimik na nakikinig si Donabella at paminsan-minsan ay napapasulyap kay Redford Evans na seryoso lamang na kumakain.
Jayford rolled his eyes on his cousin. “What do you f*****g want? I don't have a serious girlfriend now, wala kang maikakama.”
“You don't know the whole story, Jayford!” Kysler defended.
Malakas na ibinagsak ni Jayford ang hawak nitong kubyertos. “Hindi ko na kailangang alamin ang buong kwento, Kysler. The f*****g plot twist of the f*****g story is you bed my woman and dumped her. That's the f*****g plot. Exciting, right?”
Pakiramdam ni Donabella ay nararamdaman nya ang hinanakit ni Jayford. Masakit ngang talaga ang nangyari dito. Kung si Timothy siguro ang magloloko ay baka masiraan sya ng ulo. She love her boyfriend so much.
“Pwede bang kalimutan mo na 'yon, Jayford—”
Galit na pinutol ni Jayford ang sinasani ni Kysler. “You expect me to forget how you f****d my woman in your f*****g bed?”
“GET YOUR f*****g ASS OUT OF HERE IF YOU'RE NOT GOING TO EAT. YOU TWO ARE SO f*****g LOUD AND I HATE f*****g NOISES! GET THE HELL OUT!”
Halos lumabas ang puso ni Donabella sa gulat nang biglang sumigaw ng paglalakas-lakas si Redford Evans. Mariing nakakuyom ang mga kamao nito na nakapatong sa mesa. Pakiramdam ni Donabella ay nabingi sya dahil sa malakas na sigaw ng binata.
She glanced at him and oh mama, his face is red and his jaws are clenching and his eyes, his blue eyes are blazing.
Suminghap si Donabella at umiwas ng tingin nang sulyapan sya ng binata.
“Now what? Are you gonna eat or you wanna punch each other?” masungit na tanong ni Redford sa kapatid at pinsan.
Saglit na nagtinginan ng masama ang dalawa. Bumuntong hininga si Kysler at lumabas ng kusina, nagpatuloy naman sa pag kain si Jayford habang lukot ang mukha.
Matapos ang hapunan ng tatlo ay nagligpit ng lamesa si Donabella, si Erika naman ang naghugas ng plato kaya lumabas sya ng kusina matapos nyang punasan ang lamesa. Akmang papunta na sya sa maid's quarter nang makita nya si manang na may bitbit na garbage bag. Nilapitan nya ito. “Ako na po magtatapon.”
Ngumiti ako. “Naku, hindi ako tatanggi.”
Natawa si Donabella. “Magpahinga na po kayo.”
“Salamat, Bella.”
Tinanguan nya ang matanda saka sya lumabas. Patingin-tingin sya sa paligid at akmang babalik na sa loob ng bahay nang matanaw nya sa gilid ng bahay si Kysler. Nakaupo ito at nakatanaw sa malayo.
Tumingin sya sa paligid saka naglakad palapit sa lalaki. Napansin nyang may hawak itong bote ng beer.
Tumikhim sya. “Ehem!”
Lumingon sa kanya ang lalaki saka muling tumingin sa harapan. Naupo naman sya sa tabi nito.
“Uhm…may nakatabi pang pagkain…kung sakaling gutumin ka.” pagbasag nya sa katahimikan.
Hindi sumagot ang binata pero napangiti ito sa sinabi ng dalaga. Mahina itong napailing saka uminom ng beer.
Kumurap-kurap si Donabella nang hindi sya pansinin ng amo. Ano bang ginagawa nya dito? Sa buhay ni Redford Evans sya dapat nakikialam hindi sa buhay ni Kysler Evans.
Tumayo si Donabella at akmang aalis na nang maagap na hawakan ni Kysler ang palapulsuhan nya. Tumungo sya para tingnan ang binata na tiningala sya. Binitawan sya kaagad nito saka nagsalita. “You heard what Jayford said? I bed his woman and dumped her. I'm that kind of person.”
Donabella pursed her lips and sat beside him again. “You're a jerk.”
Natawa si Kysler samantalang napasinghap naman si Donabella. Oh b***h, you're a maid here!—lihim na kastigo nya sa kanyang sarili.
“Sorry, sorry, sir. Uhmm…i go cray-cray at times and yeah…i'm a bitch.” naiiling na pambawi ni Donabella.
Tiningnan sya ni Kysler habang nakangiti pa rin. “Are you sure you're a maid?” tanong nito na nagpakaba kay Donabella. May napapansin din ba ito sa kanya tulad ni Redford Evans?
“Baka naman dati kang clown?” dugtong pa ni Kysler.
Awkward na humalakhak si Donabella. “Haha. Haha.”
Umiling-iling si Kysler saka muling uminom ng beer. Natahimik silang dalawa.
“I admit i liked his woman. She's sweet and beautiful but i never bed her. She was crying to me that night, she was drunk and all she could talk about is Jayford. I was so damn jealous but i never thought of bedding her. Damn, i will never disrespect her.”
Hindi nagsalita si Donabella. Nakikinig lang sya sa binata at pinipigilan nya ring magsalita dahil baka kung ano nanamang nasabi nya.
“She is the only woman that i love and disrespecting her is not on my list. Mahal na mahal nya si Jayford at tanggap ko 'yon. Tinanggap ko 'yon.” madamdaming dugtong ni Kysler saka bumuntong hininga.
Nilingon nya si Donabella. “Mali bang pinakalma ko sya no'ng gabing 'yon? Mali bang sinabi ko sa kanya na patawarin nya ulit si Jayford sa pambababae nito? I was just comforting her. Hindi ko naman akalaing mapapasubsob ako sa kanya nang madulas ako e.” sarkastikong tumawa ang binata saka uminom ng beer.
Napatungo si Donabella. Grabe naman pala ang nangyari. Hindi maisip ni Donabella ang nangyaring 'yon, siguradong mawawasak sya kung sa kanya mangyayari 'yon.
“Ikaw, Donabella, may nobyo ka ba?”
Tumango ang dalaga. “Hmm. Oo—Opo, sir.”
Tumango-tango ito. “No matter what happens, understand each other. Sayang ang pinagsamahan nyo kung mauuwi lang sa wala.”
Napatitig sya sa binata. Malungkot ang boses nito maging ang mga mata. Nakakaawa ito. Kung tutuosin ay wala naman pala itong kasalanan, kung pinakikinggan lang sana ito ng pinsan.
Marahan nyang tinapik ang balikat ng binata. “H'wag kang mag-alala, mapapatawad ka rin ni Jayford.”
Nilingon sya ng binata at tinitigan. Umawang naman ang labi ni Donabella nang maalala ang sinabi nya. “Uh—i mean, s-sir Jayford. Mapapatawad ka rin ni sir Jayford.”
“You speak like a spoiled brat.” manghang sambit ni Kysler Evans.
Nawalan ng imik si Donabella. Hindi nya alam ang isasagot. Bakit ba hindi sya nag-iingat? Hayan tuloy at nakakahalata na ang lalaki.
“L-Laking eskwater po kasi ako.” kinakabahang pagdadahilan nya.
Tumango-tango ito. “You speak English so fluently, masipag ka sigurong mag-aral noon.”
Damn!
Tumikhim si Donabella. “Uh—Uhmm…papasok na po ako sa loob, sir.”
Tumango si Kysler sa kanya. “Okay. Goodnight, cray cray girl.”
Parehas silang natawa sa tinuran nito. Naiiling na naglakad sya palayo. Damn! Mukhang kailangan nyang mag-ingat sa pakikipag-usap sa mga Evans dahil siguradong maaga syang mabubuko.
Pumasok sya sa loob ng bahay at gano'n na lamang ang gulat nya nang salubungin sya ni Erika.
“Nakakagulat ka naman.” sabi nya sa dalaga. Paano'y nasa madilim ito kaya hindi nya napansin. Dagdag pang okupado sya ng pag-aalala dahil sa nakakahalatang magpinsan.
Ngumisi si Erika. “Ano 'yon, ha? Nagdate kayo ni sir Kysler. Yieee! Kinikilig ka?”
Mahinang humalakhak si Donabella. “Ano ka ba, bakit naman ako kikiligin.”
Sumimangot si Erika. “E diba crush mo si sir Kysler.”
Natigilan si Donabella. Oh shoot! Iyon nga pala ang sinabi nyang alibi sa mag-ina no'ng araw na naglinis sila ng mga kwarto. Lihim na nagmura si Donabella. Napasubo pa sya sa sinabi nya.
“May boyfriend kaya ako.” tanging naisagot nalang nya sa dalaga.
Pumitik ito ng daliri. “Ay, oo nga pala! Sayang!”
Tumawa sya at inakbayan si Erika. “Alam mo, matulog nalang tayo kasi maaga pa tayo bukas.”
“Oo nga pala, ibinilin sakin ni nanay na tayo muna ang mamalengke bukas, sumasakit daw kasi ang tuhod nya kapag naglalakad sya.”
Tumango si Donabella. Mukhang hindi lang impormasyon ang makukuha nya dito, pati na rin kaibigan at kapatid.
Magkasama silang naglakad papunta sa maid's quarter.
“Alam mo, ang sarap mong maging ate.” mahinang sabi ni Erika habang binubuksan ang pinto ng kwarto nito at ng ina.
Ngumiti si Donabella. “Goodnight, Erika.”
TO BE CONTINUED…