Episode 03

2027 Words
Episode 03 HATINGGABI NA pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Donabella. Suot ang simpleng t-shirt at pajama ay lumabas sya ng silid. Kagabi man ay nakatulog kaagad sya kaya hindi nya masasabing namamahay sya. Isa pa ay hindi sya maarte sa bahay na tinutuluyan nya. Lumabas sya at dumiretso sa kusina. Tahimik syang nagtimpla ng kape nang hindi na nag-abala pang buksan ang ilaw. Wala naman na sigurong babangon sa ganitong oras. Pasado alas dose na ng hatinggabi. Donabella sat on the stool and sipped on her coffee. Mahina nyang ipinapatok sa counter ang daliri habang iniisip ang kanyang assignment. Kailangan nya ng magandang plano upang makakalap ng impormasyon. Ayaw nyang magtagal sa bahay na ito lalo na't alam nyang masama ang loob ng kasintahan nya sa kanya. Humigop syang muli ng kape at doon naman kumalat ang liwanag sa buong kusina. Mabilis syang lumingon sa b****a ng kusina kung saan naroon ang switch ng ilaw. “What are you doing?” nangibabaw ang malamig at baritonong boses sa kalaliman ng tahimik at malamig na temperatura. Awtomatik na napatayo si Donabella nang matunghayan ang nakakunot noong amo. Si Redford Evans. May hawak itong tasa ng kape sa kaliwang kamay at laptop sa kanan. Tumikhim si Donabella nang maglakad palapit ang lalaki. Naupo ito sa stool na kaharap nya. Yumuko sya at akmang aalis na nang magsalita itong muli. “Where are you going?” Tiningnan nya ito. Hindi nya alam kung bakit naiintimidate sya sa titig ng lalaki. Malalim ang mga mata nitong kulay asul na tila ba tumatagos hanggang sa kaluluwa nya. Umiwas sya ng tingin. “S-Sa salas na po muna ako para makapagtrabaho kayo.” Halata naman kasi na magtatrabaho pa ito dahil may dala itong laptop. “Stay. I'm not shooing you.” malamig nitong sagot saka tumayo at tumalikod sa kanya. Naupo naman ulit si Donabella. Gusto nyang umalis pero baka ito na ang pagkakataon nya para makakalap sya ng impormasyon tungkol dito. Iyon lang naman ang kailangan nya at kapag nakakuha na sya ng sapat, bahala na ang agency dito. Pinagmasdan nya ang lalaki na gumagawa ng kape. Hindi maipagkakaila ang kakisigan na taglay nito. Malapad ang balikat at bakat na bakat sa puting t-shirt ang biceps nito. Bumagay din ang gupit nito at ang hairstyle. Likod palang gwapo na kaya naman nang humarap ito ay halos umawang ang labi ni Donabella. This man is really gorgeous. Naupo itong muli sa harapan nya saka binuksan ang laptop nito. Nagsuot ito ng anti-rad glass na nakasabit pala sa leeg ng suot nitong t-shirt. Hindi nya manlang napansin dahil abala sya sa pag-eeksamin sa gwapo nitong mukha. "You made a coffee without turning the lights on.” untag nito saka dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. “Are you really a maid or you're just one of those girls who wants to get close with my brother?” Umawang muli ang labi ng dalaga. Sa pagkakataong ito ay hindi na sa pagkamangha kundi sa kaba. Mayroon na ba itong nalalaman? Yumuko sya at hindi sumagot. Humigop sya ng kape nang magsalita nanaman ang binata. “Playing safe, huh? Who are you really, Miss Roberts?” She pressed her life together creating a thin line. Nakipagsukatan sya ng tingin dito na sa huli ay sya rin ang talo. Nagbawi sya ng tingin at tumayo ngunit malakas nitong isinara ang laptop na kaharap. Pagalit nitong inalis ang suot na salamin saka ipinatong sa laptop nito. “I'm talking to you, lady. Anong ginawa mo sa kwarto ko kanina?” Napigil nya ang paghinga. A-Anong... P-Paano nito nalaman? Sinabi ba ni Erika o ni manang? Hindi makasagot si Donabella. “I'm waiting for your answer, lady.” mariing sabi nito saka nagtiim-bagang. Kita ang galit sa paggalaw ng panga nito. Lumunok si Donabella. She's an agent at napakatapang nya kaya hindi nya maintindihan kung bakit halos mangatog sya ngayon sa takot. “I-I—uhh—” Hindi nya alam ang isasagot hanggang sa tumayo ang binata. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at wala syang choice kundi sundan ito ng tingin hanggang sa mapasandal sya sa counter nang ikorner sya nito. Napatingin sya sa kamay nito na biglang tumaas. Suminghap sya nang makita ang pamilyar na panyo sa kamay nito. Ang panyo ko! s**t! Naiwan ko pala sa kwarto nya, nakatakip pa sa CCTV! “Can you explain this?” mapanganib na sabi ng lalaki. Naglumikot ang mga mata ng dalaga. Hindi nya alam ang gagawin. Kailangan nyang umisip ng paraan para matakasan ang pagdududa nito. She can't fail her last assignment! Matapang nyang sinalubong ang tingin nito nang makaisip nang isasagot. “H-Hindi sakin 'yan. Pa'no mo naman naisip na sakin?” Redford's lips formed a smirk. Napigil ni Donabella ang hininga. He's freaking sexy! “This thing smells exactly like you.” Hindi na sya nakapagsalita. Napako sya sa kinatatayuan. Smell? Alam nito ang amoy nya. Hindi ba't disgusting sya, sabi nito. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi nga pamilyar sakin ang panyo na 'yan e.” pagmamatigas nya saka nagbawi ng tingin. Napaatras ang kanyang ulo nang ihampas nito ang kamao sa counter. Namilog ang kanyang mga mata. Tumingin ito ng matalim sa kanya. “Kailangan pa ba kitang pilitin? f*****g think of a fresh alibi. Something that's believable!” Umiling sya. “H-Hindi ko po talaga alam ang sinasabi nyo.” Sarkastiko itong tumawa. Tumayo ng tuwid kapagkuwan ay muli syang tiningnan ng seryoso. “You doesn't act like a poor girl, Miss Roberts. You are more like spoiled brat, an independent and fearless woman.” Damn! Napansin kaagad nito ang ugali nya. “S-Sir...” “Who the hell are you?” mariin nitong tanong. Mariing pumikit ang dalaga. Anong gagawin nya? A-Anong... Natigilan sya at sandaling napatunganga. s**t! I'm sorry, Tim. Hindi sya sumagot sa halip ay tumingkayad sya. Hinapit ang balikat ng binata saka pinagdikit ang kanilang mga labi. Kailangan nitong magkaroon ng ibang dahilan para magalit sa kanya. Kailangang maiwaksi nya sa isipan nito ang tungkol sa panyo. Nang akmang lalayo ito ay niyakap nya ang batok nito. She pulled him closer than ever, locked her lips on his and kissed him fervently. Remember this kiss and forget about the damn handkerchief.— she thought. *** BANGAG SI BELLA kinabukasan. Alam nyang bakas sa kanyang mukha ang puyat. Paano ba naman, halos madaling araw na sya nakatulog matapos nyang laplapin ang labi ng masungit na amo. Sana nga lang ay makalimutan nito ng tuluyan ang tungkol sa panyo. Kagabi, matapos nya itong halikan ay hinablot nya ang panyo sa kamay nito at dali-daling tumakbo palabas ng kusina. Dumiretso sya sa kanyang silid at pinilit na matulog kahit hindi naman sya nagtagumpay. “Bella, ayos ka lang?” mahinang tanong ni Erika na nakatayo sa tabi nya. Tulad kahapon ay nakatayo sila sa gilid habang nag-aalmusal ang kanilang mga amo. Sa kabilang gilid ay nakatayo ang mga chefs. Kanina pa silang madaling araw nag-almusal at talaga namang hindi ginanahan si Bella kanina kahit masarap naman ang almusal. Her favorite bacon is their breakfast pero halos hindi nya ito nalasahan dahil tila naiwan sa labi nya ang lasa ng labi ni Redford Evans. Matamis at malambot. Masarap talagang halikan. Natigilan si Bella at ipinilig ang ulo. What am i thinking? Sa pag-iling nya ay nahagip ng tingin nya ang isang pares ng mata na nakatitig ng diretso sa kanya. Napigil nya ang kanyang paghinga lalo na nang bumaba ang tingin nya sa mapula nitong labi. She even saw his adams apple moving. Bumalik sa mga mata nito ang tingin nya. Mahina syang suminghap at tuluyang umiwas ng tingin. Nang matapos ang makapigil hiningang almusal ng tatlong binata ay saka lamang guminhawa ang pakiramdam nya. Hindi sya mapakali dahil sa titig ng halimaw na Redford Evans. Halimaw din kaya ito sa ibang bagay? Damn! Bakit kung anu-anong naiisip nya? Nang makapagligpit ng pinagkainan ay nagpresinta syang maghugas ng pinggan kahit ayaw pumayag ni Erika. Sa huli ay pinagbigyan sya nito. Gusto nya kasing manatili sa kusina dahil kapag lumabas sya ay makikita nya lang si Redford, narinig nya kasing mamayang alas nuebe pa ito papasok sa trabaho nito. Nang matapos sya maghugas ng plato ay lumabas sya ng kusina. Sinilip nya muna ang salas at nang makitang walang tao doon ay agad syang lumabas ng bahay. Tapos na maglinis si manang at naggrocery naman si Erika kasama ang isang driver sakay ng kotse. Nang makalabas sya ng bahay ay gano'n nalang ang gulat nya nang salubingin sya ni Redford Evans na seryosong nakatingin sa kanya, tila ba kanina pa sya pinagmamasdan. “U-Uh...” Nabitin ang kanyang hininga nang lampasan sya nito na parang wala lang. Nangunot ang kanyang noo. Dapat ay masaya sya dahil hindi sya nito kinompronta pero bakit pakidamdam nya ay nadisappoint sya sa ginawa nito. Hindi nya nagustuhang nilagpasan lamang sya nito. Bumuntong-hininga sya at hinayaan ang nararamdaman. Bumalik sya sa loob ng bahay saka kinuha ang vacuum at nilinis ang sahig sa sala kahit alam nyang nalinis na 'yon kanina ni manang. Napiling sya. Hindi nya maintindihan. Bakit kailangang kumuha pa ang bagong maid ang mga Evans kung wala naman pala halos ginagawa dito sa bahay? “Bella.” Nag-angat sya ng tingin kay manang na lumapit sa kanya. “Bakit po?” “Marunong ka ba magluto?” Nagtataka syang tumango. “Opo.” “Mabuti kung ganoon. Ang totoo n'yan ay nagresign na ang dalawang chef natin kaya kumuha ng bagong katulong sina sir, ngayong araw na ang alis ng dalawa kaya simula mamayang tanghali ay tayo na ang magluluto ng pagkain.” Umawang ang labi ni Bella. Wow! Kasasabi nya palang. Ito ba 'yung tinatawag na nagdilang anghel? “Si Erika kasi ay hindi ko maaasahan sa pagluluto kaya ikaw nalang itutulong ko.” dugtong ng matanda. Ngumiti at tumango si Donabella. “Sige po.” “O sige, maiwan na kita.” Nginitian nya lang ang matanda. Maya-maya ay nahagip ng mata nya ang pagbaba ni Redford Evans sa hagdan. Agad syang tumalikod sa gawi nito at nagkunwaring hindi ito napansin. Nang marinig nya ang pagbukas at pagsara ng main door ay napabuga sya ng hangin. Wew! *** INIP NA INIP sa bahay si Donabella. Gusto nyang pasukin ulit ang kwarto ni Redford pero baka mahuli nanaman sya. Kailangan nya munang magpalamig. Siguradong binabantayan ni Redford Evans ang galaw nya ngayon. Hay! Sana lang talaga makalimutan nito kaagad ang tungkol sa panyo. Nang sumapit ang tanghali ay magkatulong silang nagluto ni manang. Adobong baboy, chopseuy at fish fillet ang niluto nito. Eksaktong alas onse nang umuwi si Jayford Evans. May kaakbay itong babae na mukhang modelo. Naiiling na pinagmasdan lang ni Bella ang dalawa na umakyat sa second floor. Tinawag naman ni Erika si Gio at ang dalawang hardiner at isa pang driver para kumain. Maganang kumain si Bella ngunit nawalan sya ng gana nang maalala ang paglagpas sa kanya ni Redford Evans kanina. Hindi talaga 'yon maganda sa pakiramdam. Pagkatapos nilang mananghalian ay tumambay si Donabella sa sala. Naupo sya sa mahabang sofa saka kinuha mula sa bulsa ng maid's uniform nya ang kanyang cellphone. Binuhay nya 'yon at agad na nakatanggap ng mensahe mula sa superior nya sa trabaho. ‘From General Calvin Rivera, 30 years old, deceased. Find out his connection with Redford Evans. He died in his condo unit and Redford Evans was the last person who visited him.' Nangunot ang noo ni Donabella at agad na binaha ng tanong ang kanyang isip. Calvin Rivera? Deceased? Redford Evans? But why? Naiiling na pinatay nya muli ang cellphone nya. Hinilot nya ang kanyang sintido. Ngayon ay mas lumaki ang hinala nya na isang halimaw ang itinatago ni Redford Evans. Na sa likod ng gwapo nitong mukha ay nagtatago ang isang nakakatakot at nakakikilabot na halimaw. Ano bang pwede nyang gawin para mailabas ang totoong ugali ni Redford Evans? Ano ba ang pwede nyang gawing plano para makakalap ng impormasyon tungkol dito nang hindi nito napapansin? Napakahirap naman ng assigment nya na 'to. Ngayon lang sya nahirapan ng ganito. Kung bakit kasi napakaclumsy nya at napakaobservant ni Redford Evans. Maging ang kilos nya ay napansin pa nito. Kailangan nyang makaisip ng magandang plano. Kailangan na nyang makakolekta ng impormasyon bago pa sya mapahamak sa kamay ng mga Evans. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD