Episode 02

2013 Words
Episode 02 “CLOSE na kayo?” si Erika 'yon na sinalubong s'ya ng tanong pag labas nya sa silid. Bakas sa mukha nito ang hindi maitagong selos. Donabella pursed her lips. “May kasintahan ako, Erika, hindi ko sya papatusin saka hindi ko sya type.” Alam naman nyang 'yon ang nais marinig ng babae. Marahil ay nagseselos ito sa kanya pero wala naman syang nakikitang dahilan para magustuhan si Jayford Evans. He's the worse of all. A flirty b***h guy who see everyone as p***y to f**k. Kulang nalang nga ay tag sa noo nito na may salitang 'f**k boy'. Tumango si Erika kapagkuwan ay ngumuso. “Sorry. Bago kasi sakin na makita si sir Jayford na nagkakainteres sa babae. Hindi ko naman kasi sya masisisi. Ang ganda-ganda mo kaya.” Natawa sya sa tinuran ng babae. Of course, she's beautiful. Ramdam nya 'yon at alam nya 'yon. Tinapik nya ang balikat ni Erika. “He's a fuckboy pero mukhang alam mo naman na 'yon. I just hope na makita ka nya.” Ngumuso si Erika. “Imposible 'yon.” “Donabella, Erika, samahan nyo nga akong maglinis sa mga kwarto ng mga senyorito.” ang ina 'yon ni Erika na lumapit sa kanina. Tila may bulb na biglang umilaw sa itaas ng ulo ni Bella. Tiningnan nya ang matanda. “Saang kwarto po ako maglilinis?” “Doon sa kwarto ni sir Kysler.” Nakaramdam ng disappointment si Bella. Gusto nyang sa kwarto ni Redford Evans sya maglinis dahil magkakaroon sya ng pagkakataon na kumalap ng impormasyon tungkol sa itinatago nito. Kailangan na nya kaagad simulan ang pakay nya dahil sa isang buwan ay pauwi na ang boyfriend nyang si Timothy galing sa Italy. Kapag nakauwi na ito ay may usapan sila na magpapakasal na. Tumikhim sya. “Uhm...p'wede po bang doon na ako sa kwarto ni sir Redford maglinis?” Eksaheradang suminghap si Erika habang bumalatay naman ang gulat sa mukha ng ina nito. “May crush ka ba kay sir Redford?” gulat na tanong ni Erika. Muntik mapangiwi si Bella. She would never admire that brute. Agad syang umiling nang makaisip ng dahilan. “Hindi. A-Ano kasi...s-si sir Kysler ang crush ko. B-Baka hindi ako makapaglinis ng maayos kapag doon ako sa kwarto nya naglinis.” Mas maigi nang alibi 'yon kaysa isipin ng mag-ina na gusto nya ang halimaw na si Redford Evans. Nagkatinginan ang mag-ina. Bella crossed her fingers behind her. Kung papayag ang matanda, may posibilibad na makakuha sya kaagad ng impormasyon—iyon ay kung walang CCTV sa mga kwarto sa loob ng mansion. “O sige, basta h'wag mong hahawakan ang hindi dapat dahil siguradong magagalit si sir Redford. May CCTV sa kwarto nya kaya malalaman nya kung may hinawakan kang hindi dapat.” Kamuntik nang mapairap si Bella. CCTV? Really? Walang tiwala ang taong 'yon sa iba? Tumango nalang sya sa matanda. Bumalik sya sa kanyang silid saka kumuha ng panyo at isinuksok sa bulsa ng maid's uniform. Hanky is the key! Inihatid sya ni Erika sa kwarto ni Redford Evans. Wala ang lalaki dahil pumasok daw ito sa opisina. Si Kysler Evans ay may trabaho rin at ang maharot na Jayford Evans lang talaga ang palaging nasa bahay. Halos magmulaga ang mga mata ni Bella nang makapasok sya sa silid ng masungit na amo. Napakalinis ng silid at may CCTV nga! Hayon sa gilid, nakatutok sa cabinet nito at siguradong mahahagip sya kung lalapit sya sa may kama. Ngumisi si Donabella. Stealing information is her specialty. Maingat nyang nilapitan ang sulok kung saan nakakabit ang CCTV. Ingat na ingat syang mahagip ng camera habang dinudukot ang panyo sa kanyang bulsa. Nang makalapit ay agad nyang sinakluban ng panyo ang CCTV. Donabella smirk at her own triumph. Sinulyapan nya ang nasasakluban na CCTV na para bang isa 'yong artwork na nakakamangha. Tumingin sya sa paligid. Hinila nya ang vacuum saka isinara ang pinto pagkatapos ay inilock. Tiningnan nya ang paligid saka sya nagsimulang maghalungkat sa maingat na paraan. Binuksan nya ang drawer sa tabi ng kama. Kinuha nya ang mga folder na naroon saka pinagbubuksan. Puro tungkol sa negosyo 'yon. Binuksan naman nya ang pangalawang drawer. Katulad nauna ay puro folder din na tungkol sa negosyo. Tumayo sya at namaywang. Nauubusan na ng pasensya. Sinilip nya ang ilalim ng kama. Ang ilalim ng kutson hanggang sa pati ang sahig ay tinuktok nya ng mga daliri. Napailing sya saka tumayo. “Ano bang gustong malaman ng agency?” Nahagip ng paningin nya ang walk in closet. Naroon marahil ang itinatago nito! Dali-Dali syang pumasok sa walk in closet. Halos masamid sya sa sariling laway nang makita ang nasa loob. sobrang lawak at sobrang ganda. Nakaorganize lahat ng mga gamit. May sariling rack ang mga sapatos. Lahat ng mga damit ay naka hanger pati na rin ang mga pants at shorts. Magkakabukod ang pang bahay at formal. Wow! Tiningnan nya ang mga gamit. Parang bigla syang nahiya na bulatlatin ang mga 'yon. Napakaganda ng pagkakaayos. Naiiling syang lumabas ng walk in closet. Baka biglang dumating si Erika o ang kahit na sino. Lalo na si Jayford Evans, hindi pa naman umaalis ng bahay ang gago. Maingat nyang isinara ang walk in closet saka nagsimulang maglinis. Paano kaya sya makakakalap ng impormasyon? *** PAGKATAPOS ng pananghalian ay libre na ang oras ni Donabella. Si Erika naman ang palaging nakatoka sa paghuhugas ng plato. Umupo si Bella sa sofa nang makarating sya sa sala. Inilabas nya ang kanyang cellphone saka nag open ng messages. Tumambad sa kanya ang sandamakmak na messages ni Timothy na kung hindi nya binuksan ang telepono ay hindi nya pa matatanggap. Nakagat nya ang pang-ibabang labi. Patay! Isang araw pa lamang sya dito pero nalaman na kaagad ng kasintahan ang tungkol sa misyon na tinanggap nya. Siguradong naiinis nanaman ito. Isa isa nyang binuksan ang mga mensahe. Where the hell are you, Dona? You're not answering my texts and your phone is off. Tatiana won't tell me a thing! You accepted another assignment? Hey, baby, how are you? I miss you. Napanguso ang dalaga. Nagdesisyon syang patayin nalang muli ang telepono nang bigla itong tumawag. Napakamot sya ng batok. No choice! Bumuntong-hininga sya saka sinagot ang tawag ng kasintahan. “Hello...” [Mabuti naman at buhay na ang cellphone mo] Halata sa boses nito ang inis. Donabella pouted. “Sorry na...” [For turning your phone off or for disobeying me again?] “Ehh! Last na 'to, Tim, i promise.” [What's so good about being an agent, Dona? Ilalagay mo lang sa kapahamakan ang sarili mo.] Ito ang hindi nila pinagkakasunduan. Timothy hates her job to the extent of his bone. Ayaw na ayaw nito na nakikipagbakbakan sya o ang kahit anong may koneksyon sa pagiging agent. “Sorry na, please...” [...] Hindi sumagot ang kanyang nobyo kaya naman sumimangot sya. “Tim, baby... Sorry na please, baby...” [You know my weaknesses!] Dinig nya ang buntong-hininga nito. Mahina syang natawa. “Basta pag-uwi mo babawi ako sayo.” [Really? Hmm...] “Babawi ako, Tim. Kailan ka ba kasi uuwi para maasikaso na natin ang kasal natin?” [I'll just have to settle everything here and we'll settle down next.] He then chuckled. Donabella bit her lower lip. “Okay. I love you and i miss you.” [I love you more and i miss you more. I'll hang up now. Careful always, baby.] Ngising ngisi na pinatay nya ang tawag. Her boyfriend is the sweetest kaya nga mahal na mahal nya ito. Sobrang sweet, sobrang bait, sobrang gentleman hindi katulad ni Redford Evans na ugaling halimaw—teka, why is she comparing them? Damn! Nahagip ng paningi nya si Jayford Evans na nakaupo sa hagdan at ginagawang tubig ang alak. “May boyfriend ka talaga?” tanong nito matapos lumagok ng alak mula sa mismong bote. Umismid sya ngunit agad ring natigilan. Right, i'm a maid here. “Uhm...doon po muna ako sa kusina.” paalam nya saka naglakad paalis. Naasiwa talaga sya sa pagmumukha ng babaerong 'yon. Pangumod-ngumod si Donabella nang makapasok ng kusina. Naabutan nya si Erika na nakatulala sa island counter. Nakaupo ito sa stool. Nakapangalumbaba ito at mukhang nangangarap ng gising. Naningkit ang mga mata nya saka dahan-dahang nilapitan ang nakababatang dalaga. “Hoy!” “Ay halikan!” napahiyaw ito sa gulat at gulat na tinakpan ang sariling bibig habang tumitingin sa paligid. Ngumisi si Donabella. “Kanino ka nakipaghalikan?” Nanlaki ang mga mata nito. “Bella!” Tumawa lamang ulit si Bella. Obvious naman na may nangyari. Doon kasi ito naglinis sa kwarto ng crush nito saka hilatsa palang ng pagmumukha ni Jayford Evans, siguradong minanyak nito si Erika. “Bakit ka ba nanggugulat dyan?” hindi makatingin sa kanya na tanong nito. Umupo sya sa kaharap nitong stool. “Lasing na yata si Evans, naroon sa hagdan.” Umawang ang labi nito at pinakatitigan sya. What? “Bakit hindi mo sya tinatawag na sir?” Natigilan si Bella. Oo nga pala. Maid sya dito. Anak ng tinapa talaga! “Sabi ko Mr. Evans? Nangangarap ka ba, Erika?” Kumurap-kurap ito at umiling. Lihim namang kinastigo ni Donabella ang sarili. Kailangan nya talagang baguhin ang nakasanayan nya. Ngayon lang kasi talaga sya nagkaroon ng ganitong klaseng misyon. Bago sa kanya ang magpanggap na maid. Kung ibang propesyon siguro ang pinasok nya ay agad nyang magagamay pero hindi ang pagiging maid. "Bella...” Nabaling kay Erika ang atensyon nya. “Hmm?” “May boyfriend ka diba?” Nagtataka syang tumango. “Oo. Bakit?” Mukhang nagdadalawang isip ito pero sa huli ay itinuloy din ang balak na itanong. “K-Kapag hinalikan k-ka ng lalaki, a-anong ibig sabihin no'n?” Pinakatitigan nya ang mukha ni Erika. Inosenteng inosente ito pagdating sa pag-ibig at mukhang nalilito sa pagitan ng pag-ibig at pag-landi. Tumikhim sya. “Anong klaseng lalaki ba ang humalik sayo? Maraming klase ng lalaki sa mundo, Erika.” Yumuko ito. “Di bale nalang, Bella. Mukhang hindi naman nya 'yon sinasadya.” Tumango nalang sya saka tumayo. Tinapik nya ang balikat nito saka sya lumabas ng kusina. Dumiretso sya sa maid's quarter saka sa kwarto nya. Humilata sya sa kama. Ang boring dito! Sa umaga lang yata may gawa at sa hapon ay patambay tambay nalang siguro ang mangyayari sa kanya. *** NAGISING si Donabella sa mga sigaw na nagmumula sa labas. Bumangon sya at nag-unat-unat. Hindi nya namalayang nakatulog na pala sya. Tiningnan nya ang orasan. Alas tres na ng hapon. Lumabas sya ng silid at dumiretso sa sala kung saan nagmumula ang ingay. Umawang ang labi nya nang makitang inaawat ni Gio at ng isa pang driver at chef ang magpinsang Kysler at Jayford Evans. Sumusuray sa kalasingan si Jayford samantalang magulo naman ang hitsura ni Kysler Evans. Anong nangyayari? “WHY DON'T YOU FIX YOUR f*****g LIFE, JAYFORD, AT NANG MAY PAKINABANG KA NAMAN. YOU SHOULD BE HELPING US MANAGING THE COMPANY HINDI 'YANG NAGPAPAKAGAGO KA LANG DITO SA BAHAY. LUSTAY KA NG LUSTAY NG PERA!” galit na sigaw ni Kysler Evans na pigil pigil ni Gio na sumugod kay Jayford na halos maduling na sa sobrang kalasingan. “ANG HILIG MO TALAGANG *hik* MAKIALAM ANO? SOBRA SOBRA KANG MAKIALAM *hik* SAKIN KYSLER! T*NG*NA MO! *hik* AKALA MO KUNG SINO KANG *hik* MATINO E KINANA MO ANG SYOTA KO!” ganting sagot ni Jayford Evans. Napakamot ng batok si Donabella. Napansin nya ang hagas na hagas na mukha ni Erika at ng ina nito. “IYON PA RIN BA ANG PROBLEMA MO? ANG TAGAL TAGAL NA NO'N JAYFORD!” “KE MATAGAL O HINDI, ANG PUNTO DITO IKINAMA MO ANG GIRLFRIEND KO! *hik* TANG*NA MO!” Hindi malaman ni Donabella kung maaawa ba sya o maiinis pa rin kay Jayford Evans. Kaya naman pala nagkagano'n ito, inagawan ng girlfriend ng pinsan nya. “AYUSIN MO ANG SARILI MO, JAYFORD!” Dinuro ni Jayford si Kysler. “IKAW ANG UMAYOS! ANG KAPAL NG MUKHA MO!“ Galit na tinulak ni Jayford ang nakahawak sa kanya saka sya pasuray suray na umakyat sa second floor. Nag-alisan naman sina Gio at ang isang driver pati ang dalawang chef. Si Erika naman at ang ina nito ay agad ring umalis at pumasok sa kusina. Napailing si Donabella saka bumalik sa kanyang silid. Naiwan naman sa sala si Kysler Evans na hindi malaman kung paano ipaiintindi sa kanyang pinsan ang punto nya. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD