PASULYAP-SULYAP si Donabella kay manang Edita habang nagluluto ng hapunan. Gusto niyang magtanong dito tungkol kay Calvin Rivera pero wala siyang maisip na paraan para makakuha ng impormasyon dito nang hindi ito naghihinala. Baka kasi mamaya ay mabanggit nito sa isa sa mga Evans ang pagtatanong niya, kung sakali man. Bahagyang umismid si Donabella. Kung bakit ba kasi hindi pa itinuloy ni Jayford ang sinasabi nito kanina, edi sana ay hindi siya nag-iisip na parang tanga ngayon. “Bella.” Napakurap-kurap si Donabella at lumingon kay Erika na nakatingin sa kaniya na puno ng pagtataka sa mukha. Tipid siyang ngumiti dito. “Bakit?” “Wala naman. Nakatulala ka kasi.” Tumango lamang siya sa dalaga. Paanong hindi siya matutulala e magdadalawang linggo na siya dito pero wala pa rin siyang nakuku

