chapter twenty one

2033 Words

Pagdating ko sa Hochengco Mansion, hindi ako nagdalawang-isip na sumugod sa loob. Hinahanap ng mga mata ko ang mga anak ko. Tumigil ako nang madatnan ko silang nakaupo si grand staircase, si Geneva ay nakasubsob sa kandungan ng kaniyang kakambal habang umiiyak, habang ang panganay ko naman ay inaalo ang kaniyang kapatid ngunit rinig ko din ang hikbi nito. Sa nasasaksihan ko ngayon, tila may sumaksak na matalim na punyal sa aking dibdib. Masakit para sa akin na makita ko ang mga anak ko na umiiyak dahil sa umalis ang kanilang ama. Humakbang ako palapit sa kanila. Natunungan nila ang presensya ko't nakuha ko ang kanilang atensyon. Sabay silang tumayo at tumakbo palapit sa akin. Lumuhod ako't sinalubungan ko sila ng yakap. Mas lalo lumakas ang iyak nila, kasabay na humigpit ang pagkayakap ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD