Tinawagan ko si mama, nagpasuyo ako na siya muna ang magbabantay kay Genevieve habang wala ako. Hinintay ko muna dumating si mama saka kami umalis ni Raeburn, nasabi ko din sa kaniya ang sitwasyon na kahit siya ay hindi makapaniwala na si Mirko ang donor ng anak ko. Hindi na rin ako magtataka kung makakarating ang balita na ito sa mga kapatid ko o sa iba pa naming kamag-anakan. Nagpaalam kami kay mama na umalis na. Siya na daw ang bahala kay Genevieve. Tatawagan nalang daw niya ako kung may problema ba. Agad kami pumunta ni Raeburn sa laboratory dahil sumasailalim pa rin ang katawan ni Mirko sa autopsy. Ginagapangan man ako ng kabat at takot sa aking sistema ay pilit ko pa rin 'yon nilalabanan. Gusto kong malaman kung bakit humantong sa ganito. Pero bakit pakiramdam ko ay kinokontrol ang

