chapter nineteen

2296 Words
Pagkatigil ni Fabian sa sasakyan ay hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako. Aligaga akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa Ospital kung saan dinala ni Mirko si Genevieve. Agad hinahanap ng mga mata ko ang nurse station para malaman ko na kung saan dinala ang anak ko. Nabablangko ako, halos lahat ng ayaw gumana dahil pinangunahan ako ng pinaghalong takot at pangamba. Hindi ako handa na may ganitong sakuna. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko kung ano ang nalaman ko mula kang Fabian na may sakit sa puso ang bunso kong anak. Naabutan ako ni Fabian dito sa nurse station. Nasabi na din sa amin ng nurse na naroroon kung saan nila dinala si Genevieve. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko pa magawang magpasalamat sa naturang nurse. Hinahanap ko ang kuwarto kung saan dinala ang anak ko, until my pace got slowing down nang matanaw ko si Mirko na nakatayo sa labas ng silid, kasama niya ang nanay ni Fabian na si Dra. Marguerite at ang kapatid pa ni Fabian na si Dra. Siannah, tulad ko ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala kay Genevieve. Dahil sa tunog ng takong ng aking sapatos ay napukaw ko ang kanilang atensyon. "Sarette, Fabian..." bungad sa amin ni Dra. Marguerite, may pag-aalala sa kaniyang mukha, gayundin ang isa pa niyang anak na si Dra. Siannah Wu. Yumakap sila sa amin. "The cardiologist doing their best to save Genie." "And what is he doing here?" matigas na tanong ni Fabian. Bumaling ako sa kaniya. Nababasa ko ang galit sa kaniyang mukha nang makita niya sa lugar na ito si Mirko, na inaakala niyang ito ang sumira ng relasyon namin noon. Umigting ang kaniyang panga. "Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng gagong 'yan." "Please, calm down, Fabian." pigil ko sa kaniya. Marahan kong hinawakan ang kamay ng asawa ko, sana ay makatulong ito para hindi lumala ang sitwasyon na kinahaharap namin ngayon. Kunot-noo bumaling sa akin si Fabian, alam kong naguguluhan siya kung anong nangyayari ngayon. "Anong ibig mong sabihin?" Suminghap ako bago ako nagpaliwanag. "Narito siya para sabihin sa akin kung sino ang may kagagawan na lagyan ang pampatulog na ininom namin ni Mirko nang gabing 'yon. Gusto kong malaman kung sino siya at siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay noon, Fabian." matigas kong sambit. "Siya din ang nagdala kay Genevieve dito sa Ospital nang bumisita siya sa bahay... Nakita niyang naninikip ang dibdib ng anak natin..." nakakaramdam na ako ng panghihina nang sambitin ko ang huling pangungusap. Unti-unti nang umiiba ang ekspresyon ng mukha ng asawa ko. Mukhang nagiging kalmado at naiitindihan na niya ang ibig kong sabihin. Muli siyang tumingin kay Mirko na seryoso ang mukha. "Then, sino ang gumawa ng mga ito?" malamig niyang tanong. Ibinuka ni Mirko ang kaniyang bibig, ngunit hindi niya agad nasabi sa amin kung sino dahil biglang nagbukas ang pinto ng silid kung nasaan si Genevieve. Napatingin kaming lahat sa doctor na kakalabas lang. Agad ko itong dinaluhan. "Doc, kamusta na ang anak ko? Is she stable? Is she alright?" sunud-sunod kong tanong. Seryosong tumingin sa amin ang doktor. "It's better if we talk about this in my office, Mr. And Mrs. Wu." pormal niyang tugon. Bago kami sumunod ni Fabian sa doktor na tumingin kay Genevieve ay bumaling muna ako sa nanay at kapatid ni Fabian pati na din kay Mirko. "Don't worry, Sarette. Kami na muna ang magbabantay kay Genie." malaumanay na sabi sa akin ni Dra. Marguerite Wu. Hinaplos niya ang aking kamay. "Malakas ang anak mo, she can get it through. Just believe in her." Mapait akong ngumiti at tumango. Sabay na kaming sumunod ng asawa ko sa doktor patungo sa Opisina niya. Mas lalo ako nakaramdam ng pangamba lalo na't nakita ko kung anong nababas ako sa mukha ng doktor. Don't tell me, this is a serious case? Pero bakit ngayon lang sinabi sa akin ni Fabian na may sakit pala ang bunso naming anak? Bakit hindi niya magawang ipaalam sa akin iyon? Marami na namang katanungan na bumabagabag sa akin sa mga oras na ito. Nang marating na namin ang Opisina ay tahimik kaming umupo sa malapad na couch ni Fabian. Pareho kaming naghihintay sa anuman ang maaaring sabihin niya tungkol sa kaso ni Genevieve. Pero ramdam ko ang marahan na pagkahawak ni Fabian sa isang kamay ko, na dahilan para kumalma ako kahit papaano. "There's a certain environmental and genetic risk factors might play a role in the development of her heart defect, including heredity, Mrs. Wu." diretsahang sabi sa akin ng cardiologist. "Matagal na akong doktor ni Genie, pero wala sa pamilya ng mga Wu na may sakit sila sa puso, kaya mas maganda kung itatanong ko kayo kung may sakit ba sa puso sa myembro ng pamilya ninyo." Natigilan ako saglit sa sinabi niya. "H-heredity?" wala sa sarili kong ulit ang salita na 'yon. Tumango siya. "Congenital heart disease appears to run in families and is associated with many genetic syndromes. For instance, children with Down Syndrome often have heart defects. Genetic testing can detect Down syndrome and other disorders during a baby's development. Lalo na't nalaman ko na triplets pala ang ipinagbubuntis mo. Isa din sa risk 'yon na magkaroon ng problema ang isa sa mga kambal." dagdag pa niya sa kaniyang paliwanag. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay yumuko ako. Iniisip ko kung sino ang myembro sa pamilya na may ganoong sakit. Wala naman kina mama at baba, wala rin naman sina Rowan at River. Wala din namang ganoong sakit sina angkong Kyros at ahma Fiorella... Umawang ang bibig ko nang bahagya nang napagtanto ko kung kanino nakuha ni Genevieve ang ganoong sakit, kay chokong Joselito, ang asawa ng Grande Matriarch. Sa pagkakatanda ko ay namatay ito sa sakit sa puso. Natatandaan ko din na naikwento sa amin ni angkong Kyros kung papaano namatay ang kanilang ama. Halos balisa ako nang umalis na kami ni Fabian mula sa Opisina ng cardiologist na nakausap namin. Mukhang nararamdaman ni Fabian ang pagiging tahimik ko kaya ang tanging magagawa niya lang sa ngayon ay alalayan ako. Tahimik lang siyang nakaakbay sa akin habang naglalakad kami sa patungo sa silid kung nasaan si Genevieve. Nadatnan namin sa labas si Dra. Marguerite Wu. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya na mahabang upuan. Muli niya kami binigyan ng pag-aalalang tingin. "Anong sabi ng doktor, Fabian? Sarette?" malumanay niyang tanong sa amin. Mas humigpit ang pagkayakap ko sa aking sarili. Malungkot akong bumaling sa bintana ng ICU. May nadudurog ang puso ko nang makita ko ang anak ko na nakaratay sa higaan na 'yon at may nakakabit na mga aparato sa kaniyang katawan. "Maaaring namana niya ang sakit na 'yon kay chokong, ang yumaong asawa ng Grande Matriarch." mahina kong saad. Napasapo ako sa aking dibdib. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong maiyak. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sa iyo tungkol sa sakit niya, baberette." marahang sambit ni Fabian sa tabi ko. Tumingin ako sa kaniya. Sakto na nakatingin din siya sa akin. "Nangako ako sa kaniya na hinding hindi ko sasabihin sa kaniya tungkol sa sakit niya, lalo na't nakilala ka na niya." Napapansin ko nalang na nanlalabo na ang mga mata ko, may mga namumuo na palang mga luha at gusto na itong kumawala. Nilapitan ko ang bintana. Inilapat ko ang aking palad sa salamin. Kinagat ko ang aking labi. Pilit kong magpakatatag kahit ilang beses nang pinagsasaksak ang puso ko, kahit wala nang kasiguraduhan kung kakayanin pa ba ang mga tuhod ko na suportahan ako upang hindi matumba. "Gagawa ako ng paraan, kailangan niyang gumaling... Kahit anong mangyari." "Sarette..." naiiyak na tawag sa akin ni Dra. Marguerite. Humarap ako sa kanilang dalawa. "Ngayon lang ulit kami nagkasama ni Genevieve. Ilang taon akong nangulila sa kaniya... Ngayong kapiling ko na ang anak ko, ayokong matuldukan 'yon... Kaht anong mangyari, hinding hindi ako aalis sa tabi niya. Hinding hindi ko siya iiwan..." marahas nang kumawala ang butil ng luha sa aking mga mata. "Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mawala na naman siya." pumikit ako ng mariin at yumuko. Wala na akong pakialam kung saan na pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Si Fabian. HInahagod niya ang aking likod para aluhin ako. Napakapit ako sa kaniyang damit sabay isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ko mapigilang mapahikbi dahil sa sakit at bigat na nararamdaman ko ngayon. "Gagawin ko din ang lahat para mailigtas lang siya, Sarette." pahayag pa niya. ** Ilang araw akong hindi pumasok sa Opisina. Muli ako nakiusap kay River na siya muna ang mamalakad ng Grande & Empress habang wala ako, dahil abala ako sa pagbabantay kay Genevieve. Isang beses lang ako nakauwi, iyon ay para maligo at kunin ang mga gamit g anak ko dahil kinakailangan niyang maadmit dito. Habang wala pang malay ang anak ko, nagriresearch ako tungkol sa CHD, kailangan kong maging aware sa pinagdadaanan ng bunso ko. Humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay. Pinagmamasdan kong mabuti ang mukha niya. Tila hinahaplos ang puso ko habang pinapanood ko siya kung papaano matulog. Para siyang anghel, napakainosente niyang tingnan pero masakit lang dahil nararanasan niya ang ganitong paghihirap sa murang edad. Idinikit ko sa aking pisngi ang kaniyang palad. Gusto ko maramdaman pa ang anak ko. "Anak, hindi mo naman iiwan si mama, hindi ba?" namamaos kong tanong sa kaniya kahit bigo ako makatanggap ng sagot mula sa kaniya. "HIndi pa kita lubusan kilala anak. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa iyo. Kung anong paborito mong pagkain kasi ipagluluto kita. Kung takot ka ba sa gabi sa tuwing matutulog ka, kasi kung ganoon, tatabihan kita para masamahan lang kita hanggang sa mahimbing kang makatulog... Tapos... Kapag sabay na kayong papasok nina Genesis at Geneva sa school, ihahatid at susunduin namin kayo ng papa mo. Gusto kong marinig na magkukwento ka kung kamusta na ang first day of school mo, kung ayos ka lang ba... Kung mang-aaway ba sa iyo... Kung may gusto bang manliligaw sa iyo... Lahat, anak. Lahat gusto kong malaman... Gusto kong makita na sabay kayong lumalaki ng mga kakambal mo." nanlalabo na naman ang mga mata ko't marahas na umagos nag luha sa aking pisngi. Hinalikan ko nang ilang segundo ang kaniyang kamay. Mariin akong pumikit. "Huwag mong iiwan si mama, anak... Please... Sasamahan ka naming lumaban. Gagawa ng paraan si mama para gumaling ka." "Sarette..." Napatingin ako sa aking kaliwa. Tumambad sa akin si Fabian na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin. Naka-surgical scrub at cap siyang suot. "Mama..." Gulat ako napatingin na sumulpot ang kambal na sina Genesis at Geneva mula kaniyang likuran. Tulad namin ay nakasuot din sila ng surgical scrub at cap. Lumapit sila patungo sa aking direksyon. Ang mas hindi ko inaasahan ay binigyan ako ng kambal ng isang mahigpit na yakap. "Nalaman po namin kay papa kung anong nangyari po kay Genie, mama." basag ang boses ni Genesis. Kumalas din siya ng yakap mula sa akin. Nakipagtitigan sila sa akin na tila humihingi ng kasagutan, "Gagaling naman po siya, hindi po ba?" "Gagawa ng paraan sina mama at papa para makasama na natin ang kapatid ninyong makauwi." bumaling ako sa isa pang direksyon. Humihikbi si Geneva sa isang tabi. Inabot ko siya't marahan ko siyang pinalapit sa akin. "Geneva..." Suminghot pa siya at tumingin sa akin. "Ang bad ko po, mama... Kasi inaway ko po si Genie tapos, may sakit po pala siya." marahas niyang pinunasan ang mga luha niya. Ikinulong ng mga palad ko ang mukha niya. "Pero okay naman na kayo, hindi ba? Hindi na kayo nag-aaway? Hindi mo kasalanan ito, anak." malumanay kong saad. Ako na ang nagpunas ng mga luha niya. "Huwag ka nang umiyak. Mas lalo malulungkot si bunso kapag nakikita ka niyang umiiyak." "Genie..." hindi makapaniwalang tawag ni Fabian sa bunso namin. Sabay kaming napatingin sa hospital bed. Nakatayo ako. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko na namumungay ang mga mata ni Genevieve. "M-mama... P-papa..." nanghihina niyang tawag sa amin. Napatingin siya kung nasaan ang mga kapatid niya. "Esis... Neva..." "Tatawagin ko lang si doc." paalam ni Fabian. "Genie..." pareho nang umiiyak ang dalawa nang tawagin nila ang bunso nilang kapatid. Agad nilapitan ng kambal ang kapatid nila. Sabay nilang hinawakan ang isang kamay nito. "Genie... Magpagaling ka, please?" "Huwag mo kami iiwan, Genie. Diba, nagpromise pa kami sa iyo na hindi ka namin iiwan? Kaya huwag mo kaming iwan, bunso." pakiusap ni Genesis. "Masaya ka naman sa amin, hindi ba? Kasi kompleto na tayo? Huwag kang susuko." "K-kuya Esis..." umagos ang luha ni Genevieve sa kaniyang pisngi. Dumating na sina Fabian at ang doktor. Pinapalabas sana kami nang bigla ulit nagsalita si Genevieve na dahilan para matigilan kaming lahat. "G-gusto ko na pong umuwi, mama... P-papa..." "G-Genie..." hindi makapaniwalang tawag sa kaniya ni Fabian. "H-hindi ko na po k-kaya..." Sa mga binitawnang salita ni Genevieve, muli na naman akong pinagsasaksak, tagos hanggang buto. It really hits me hard. Bumitaw ako mula sa pagkahawak ko kina Genesis at Geneva. Mabilis kong dinaluhan ang bunso kong anak. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay. Umiiling-iling ako. "Anak, hindi ko rin kakayanin kapag tuluyan mong iiwan si mama..." halos nagmamakaawa ako nang sambitin ko ang katagang 'yon. "Mahal ka namin anak, narito lang kami...Sasamahan ka namin habang nagpapagaling ka..." Lumapit na din si Fabian. Hinawi niya ang takas na buhok ni Genevieve. "Ang sabi mo, bestfriend ka ni papa, Genie... Ang magbestfriends, hindi nag-iiwanan." basag na din ang boses niya. "Hindi ko rin kakayanin kapag nawala ka na, anak. Gagawin ko ang lahat para mawala ang sakit mo... Hinding hindi kita susukuan. Kahit maubos na ang pera namin ng mama mo, hindi pa rin kami susuko." dinampian niya ng halik sa noo si Genevieve. "Mahal kita, anak. Mahal ko kayo ng mga kapatid mo. Bukod sa mama mo, kayong magkakapatid ang kayamanan at mahalaga sa akin." "P-papa..." "Remember what I have told you before you sleep?" "Life is that may not always...be easy...but it's always worth living..." Mapait na ngumiti si Fabian. "That's my girl."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD