chapter eighteen

1582 Words
Hindi ko makalimutan kung papaano nanlulumo si Dra. Siannah dahil sa panlalaglag ng triplets sa matindi niyang sikreto—may relasyon sila ng pinsan kong si Carson. That was... unexpected. Kung tutuusin talaga, tipong suplado at snabero ang isang iyon. Kung anong kaloko ni Nilus ay siya naman ang kabaliktaran ni Carson. Siguro ay nagmana siya kay tita Tarrah na minsan ay mataray at palaban kung kinakailangan naman talaga. Ni minsan ay nagtataka kami kung may nagugustuhan ba siyang babae, o kung minsan pa nga ay nangangalangin kami na sana ay may babaeng pumukaw ng atensyon ng isang ito, sa gayon ay dumaldal o makisabayan naman sa ingay namin—hanggang sa nalaman na nga namin na may relasyon sila ni Dra. Siannah Wu, ang ate ng asawa ko! Pero malaking palaisipan din sa amin kung ano ang relasyon niya kay Gavin Chua, ang anak ni tito Gervais. Mukhang matinding labanan ang sa pagitan nina Carson at Gavin para sa isang Wu kung sakali. Pero, hindi na kami makikialam. Tulad ng mga Wu, kasali din sa myembro ng International Business Club ang mga Chua, they owned a Flying School in Subic, Luxury Boats rentals, and Transportation Companies in Manila. Meron pa silang ibang business especially Raghnall Chua, he owns a Jewelry and Mine Company. Sa pagkakaalam ko ay pinapasok naman nila ang agriculture. "Nakakatakot ang triplets," biglang sabi ni Verity pagkatapos niyang inumin nang alak na hawak niya. Napatingin kami sa kaniya. Hinawi niya paitaas ang kaniyang buhok. After a week ay nagkaayaan kami sa bahay nina Spencer dito sa Indang. Kasama ko ang triplets pati na din si Fabian na ngayon ay kasalukyang natutulog na sa Guest Room. Talagang binantayan niya dahil nalaman niya kung gaano kadaldal ang mga ito. Biglang tumawa si Adler nang nainom niya din ang scotch. "Hindi ninyo pa ba halata? Nang nabuko nina Genesis at Geneva sina Zvonimir at Lyndy, hindi ko pa binalak dalhin ang girlfriend ko para ipakilala sa inyo." saka dinukot niya ang kaniyang cellphone, mukhang tinext siya ng tinutukoy niyang girlfriend. "Buti palagi akong nasa Quezon. Hindi pa nila makikilala si Janella." nakangising wika naman ni Nilus, tamad niyang isinandal ang kaniyang likod sa sofa. Oo nga pala, palagi na siyang nasa Quezon dahil abala na din siya sa Construction Firm pinapamahala na sa kaniya ni tito Kalous, tutal ay naroon na din naman ang dating tirahan ng namayapang Grande Matriarch. Nagpangalumbaba naman si Nell saka ngumuso. "Mabuti nalang, wala pa akong jowa." sa boses niya iyon, parang namomoblema siya. "Papaano ka naman magkakajowa eh ayaw mong sagutin ang manliligaw mo!" natatawang sabi ni Maisie. "Oh, shut up, Maisie. Bakit hindi mo rin sagutin ang manliligaw mong swimmer?"saka umirap pa siya at uminom ng red wine. "Hindi pa nila kilala si MC. Thank God." wika naman ni Spencer habang nilalaro niya ang kaniyang alak. "Sadyang mabilis lang kami ni Pauline para hindi mahalata." si River na malapad ang ngisi. Ako naman ay napangiwi. Nagiging berde ang utak ko sa sinabi ng isang ito. Dahil d'yan ay nabatukan ko siya nang wala sa oras. "Bunganga mo naman, River." Ngumuso siya. "Atsi naman..." I rolled my eyes. Marahas na ipinatong ni Rowan ang baso sa counter. "Good thing, bumili na ako ng sarili kong unit." pahabol pa niya. Bumaling siya sa akin. "Eh si Killian kaya? Kamusta na ang isang iyon? Alam na kaya ni tito Harris na lumihis siya ng daan?" Nagkibit-balikat ako. "Dunno. Hindi pa yata nakakahalata si tito Harris. Pero, kapag kasama naman natin siya, hindi natin siya natunugan." "Baka bisexual lang siya. I mean, pwede siya mainlove sa babae, pupwede din siyang mainlove sa lalaki." pahayag ni Vesna nang lumapit siya sa amin, kasama kasi niya sina Carson, Aaron at Ruslan na naglalaro ng dart. "Hindi naman imposible iyon, hindi ba? Mas maganda kung support nalang tayo kung ano ang gusto at nagpapasaya sa kaniya." "Ako, ayos lang sa akin." tugon ko. "Still, he's part of this clan. Bakit hindi?" "Same here." sang-ayon pa ng iba naming pinsan. ** Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga pagkatapos kong pirmahan ang lahat ng mga dokyumento na hinatid ni Debbie sa akin. Nagtake a break ako saglit. Hinilot ko ang aking magkabilang sentido na ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako sa ginagawa ko at sinilip ko kung sino ang nagtext. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang mabasa ko ang pangalan ni Fabian. FROM FABIAN : How's work, baberette? I slowly nod after I read his text message. Isinandal ko ang aking likod sa leather chair at ngumuso. Hindi ako nagdalang-isip na sagutin ang kaniyang mensahe. TO FABIAN : Good. Kinda exhausting. No worries. Then I hit send. Ipinatong ko muna ang cellphone ko sa desk. Ang laptop ko naman ngayon ang pinagtuunan ko ng pansin. Muntik ko nang makalimutan na may mga nagpadala pala na email sa akin. Isa-isa ko iyon binuksan habang hinihintay ko ang sunod na mensahe sa akin ni Fabian pero ang akala ko ay thru text, ngayon ay sa email ko na mismo! FABIAN WU: Baberette! Umaawang nang bahagya ang aking bibig, hindi ko lang inaasahan na makakausap ko siya sa pamamagitan nito. Wala bang trabaho ang isang ito kaya kinakausap niay ako ngayon? SARETTE HO : Yes? FABIAN WU : I miss you. SARETTE HO : Wala ka bang meeting o ano? FABIAN WU : Tapos na, baberette. Hmmm.... SARETTE HO : What's with 'Hmmm...?' FABIAN WU : There's something about your name, my baberette. Your surname. Napatulala ako nang mabasa ko ang mensahe niya. Napangiwi ako. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala napapalitan ang email add ko dahil sa dami nangyari sa loob ng maraming taon. Bukod pa doon, wala na akong panahon para magpalit dahil nagpakasubsob ako sa trabaho. Nawawala sa isipan ko na isa na pala akong Wu—na asawa na ako ng isang Fabian Alexandre Wu. Lumunok ako't nagtipa ng isasagot ko. SARETTE HO : Sorry, wala na akong time para magpalit ng pangalan. FABIAN WU : Baberette, baka iisipin nilang single ka pa rin. We both share one name. You're a Wu, you are my wife. SARETTE HO : Okay, magpapalit na ako ng email. FABIAN WU : Baberette... SARETTE HO : Yes? FABIAN WU : I'll always love you. Until my heart stops beating. Kusa ko kinagat ang aking mga labi. Hindi dahil sa pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti o ano. Pakiramdam ko ay nasa harap ko siya mismo at personal niyang sinasabi sa akin ang mga kataga na iyan. Parang hinahaplos ang puso ko. Muli ako nagtipa. SARETTE HO : I will never ask why I love you, Fabian. No, I love you. I always have, I always will, no questions about it. Aagahan ko tapusin ang trabaho ko. I want to cook a dinner for you, kung okay lang din na makasama namin ang mga bata. FABIAN WU : Of course, baberette. Tatapusin ko din ang mga trabaho ko dito. Just wait me there and I'll pick you up. I love you. SARETTE HO : I love you too, Fabian. Always. Pagkatapos namin mag-usap ay sumandal na ako sa leather chair. Tumingala ako sa kisame ng Opisina. Unti-unti na sumisilay sa aking mga labi ang kasiyahan. Masaya ako dahil pinili ko ang tama para sa akin, para sa pamilya ko, para sa mga anak namin ni Fabian. Sa gitna ng pag-iisip ko ay bigla tumunog ang cellphone ko. Binalingan ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Inaasahan ko pa naman din ay si Fabian ang caller ngunit nagkamali ako. Pangalan ni Mirko ang nagflash sa screen. Umukit ang pagtataka sa aking mukha. Ngunit, nagawa ko pa rin sagutin ang kaniyang tawag. "Mirko..." "Sarette, where are you?" bungad niya sa akin, pero bakit natataranta siya na ewan? "Nasa Opisina ko, bakit?" "Damn it." mariin niyang sambit na mas lalo ako naguguluhan sa mga pinagsasabi niya. "Ano ba kasi 'yon? Bakit natataranta ka?!" "Naalala mo ang gabi na nakita kita sa Bar kung saan kayo nag-inom ng mga pinsan mo, hindi ba? Then pareho tayong nahilo, pagkagising natin, magkatabi na tayo sa kama?!" "O-oo, natatandaan ko pa. What about it?" "Nalam ko na sinet up lang pala tayo! Nalaman ko sa bartender na nakausap ko habang nag-iinom ako dito ng mga nakaraang gabi." sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. "S-sino ang may gawa n'on?" nanghihina kong tanong. Bigla ako ginapangan ng kaba. "Mas maganda kung pag-usapan natin ito pagdating mo dito sa Ospital." Kumunot pa lalo ang noo ko. "What? Ospital? Bakit nariyan ka sa Ospital?" mas lalo ginapangan ng kaba sa hindi ko malaman na dahilan. "Dumaan ako sa bahay mo para makausap kita. Nalaman ko na buhay pa pala ang bunso mo, Sarette." aniya. "Naabutan kong naglalaro sila nina Genesis at Geneva pero ang bunso mo, parang kinakapos na ng hininga. Hindi ko malaman kung may hika ba siya o ano. Kaya ang ginawa ako, isinugod ko siya sa Ospital dahil namumutla na siya. Ang sabi niya, masakit daw ang puso niya." Napasapo ako sa aking bibig. Parang ayaw tanggapin ang sistema ko ng marinig ko ang balita na iyon. "Mag-usap nalang tayo mamaya, Mirko. Pupuntahan namin kayo ni Fabian d'yan." "Got it. I'll wait." Ako na mismo ang nagbaba ng tawag. Aligaga kong tinawagan ang telepono ni Fabian. Wala pang limang ring ay sinagot niya ito. "Fabian!" malakas kong tawag sa kaniya. "Yes, baberette?" "Nakatanggap ako ng tawag. Si Genevieve! Nasa Ospital!" "Shit." Umiiling ako dahil mas naguguluhan na ako sa nangyayari. "A-anong... Anong problema?" "She's has a congenital heart disease, Sarette. Susunduin kita d'yan. Hintayin mo ako at sabay tayong pupunta ng Ospital." Nanghihina kong inalis ang telepono ko sa aking tainga. Halos mabingi ako sa mga malaman ko tungkol sa nangyari sa bunso ko. Muli ako napasapo sa aking bibig. Panlulumo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pinagsakluban ako ng langit at lupa nang wala sa oras. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD