Abala ako sa iniinom kong orange juice habang nakaupo ako sa gilid ng pool. Ngunit ang mga mata ko ay nakatuon sa mag-aama ko na masayang naglalaro. Ang iba ko namang pinsan ay abala sa mga niluluto, pag-aayos, kwentuhan, kantyawan, ang iba naman sa kanila ay naliligo din. Ang mga nanay at tatay namin ay abala naman sa kabilang villa na nirentahan namin dito sa Antipolo. Dahil ito ang gusto ng triplets para sa birthday nila, pinagbigyan namin ni Fabian. Ang Hapon na kami nakarating dahil hinihintay pa namin ang iba na tinapos muna ang kani-kanilang trabaho para makasama, lalo na't birthday ng mga pinakaunang nilang pamangkin. Sino din ba mag-aakala na dadalo din si tito Flare at tita Elene, along with Carys and Klaus. Narito din ang malayong pinsan nina papa na si tito Owen, kasama ang pamilya nito.
Panay mga up beat songs ang pinatugtog dito. But suprisingly, gabi na pero hyper pa rin ang mga anak ko. Hindi pa yata sila nauubusan ng energy lalo na't panay lusong nila sa swimming pool. Tinuturuan pa sila ni Fabian na lumangoy kahit basic pa lang.
Inubos ko ang hawak kong orange juice saka lumusong na din ako. Dinaluhan ko silang apat. Geneva clinging against me. Habang sina Genesis at Genevieve ay nasa tatay nila. Tawang-tawa naman dahil inaasar ni Genesis si Geneva. Dahil sa naout of balance ako ay natumba ako kami ni Geneva. Pagka-ahon naman ay nagtitili si Geneva, tinawanan naman siya ng dalawa niyang kapatid. Lumipat naman ito sa kaniyang tatay habang ang sina Genevieve at Genesis ay sumama sa akin. Tinuruan ko din sila kung papaano ang proper breathing para matuto din sila lumangoy. Sumulyap ako sa pinanggagalingan nina Fabian at Geneva na umahon muna sila.
"Hindi pa ba kayo gutom, Genesis? Genevieve? Kanina pa kayo langoy nang langoy." tanong sa mga bata.
"Ay, bigla po ako nagutom, mama." humahagikgik na wika ni Genevieve.
"Ako din po, mama." sang-ayon naman Genesis. "Kakain na po ba tayo?"
"Pwede rin naman kung gusto ninyo." nakangiting sabi ko.
"Okay po, mama!" sagot ni Genevieve.
Sabay na kaming umahon. Agad kaming lumapit kung nasaan sina Geneva at Fabian na nakaupo sa isang round table at pinapakain na ni Fabian ang anak namin. Ang ibang pinsan ko naman ay napansin ko ay nagsisimula na silang kumain. Tiyak inaaya na nila ang asawa ko na sumali sa inuman nila.
"Ginutom na si Geneva kaya umahon kami. Pinapakain ko na." sabi sa akin ni Fabian saka sinubuan niya ang kanin at ulam si Geneva. Bumaling siya dalawa pa naming anak. "You should eat, too."
"Yes po, papa!" masiglang tugon ni Genevieve at sumaludo pa. Binalingan niya ang kaniyang kuya. "Esis ahia, kain na daw tayo, sabi ni papa."
Sumunod si Genesis sa bunso. Sabay silang pumunta sa buffet table, tutal ay naroon naman din ang mga tito at tita nila kaya ma-aassist sila ng mga ito.
Nagtama ang tingin namin ni Fabian. Nakangiti siya sa akin habang nakatingala. Lumipat ang tingin niya sa pangalawa naming anak. "Can you feed yourself, Neva? Kukuhaan ko lang si mommy ng pagkain para makakain na din."
Malawak ang ngiti ni Geneva na bumaling sa kaniyang daddy. "Of course, papa!"
Bago siya tumayo ay hinalikan niya ang sentido nito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang isang kamay ko. Maingat niya akong iginiya patungo sa buffet table. Siya pa ang kumuha ng plato at mga kurbyertos. Tinatanong niya lang ako kung ano ang kakainin ko. Sinabi ko naman. Siya talaga ang kumukuha!!
Pagbalik namin sa mesa ay biglang lumapit sa amin si Adler habang nakatutok sa amin ang kaniyang camera. Malawak ang kaniyang ngiti. "Naks, happy family!" kumento niya.
Umingos ako. Si Fabian ay natatawa lang. Ang hindi ko lang inaasahan ay isinubo niya sa akin ang kutsara na may lamang pagkain. "Say ah, baberette." nakangiting utos niya sa akin.
Nakangiwi ako. Pero sa huli ay sinunod ko ang sinabi niya. Habang ngumunguya ako, ay inaasikaso ko naman sina Genevieve at Genesis na namomoblema sa pagbabalat ng mga sugpo. Nakakandong si Geneva kay Fabian habang sa akin naman nakakandong si Genevieve, si Genesis naman ay nanatili sa kaniyang mesa. Pansin ko ay hindi lang si Alder ang kumukuha ng litrato sa amin, pati na din ang iba kong pinsan at mga kamag-anakan ni Fabian. Jusko, sasabog na yata kami dito sa Villa. Pero ang nakakatuwa lang dahil nakakasunod ng mga Wu ang pamilya ko. Nakikipagkwentuahn na nga sila at hindi maiwasan pag-usapan ang negosyo. Lumapit sa amin si Dra. Siannah at nakikipagkulitan siya sa amin.
**
Pagkatapos namin pakainin ang mga bata ay doon din sila nakaramdam ng antok. Hinatid namin ang mga bata sa kuwarto naming lima para makatulog na sila ng maayos. Buhat ni Fabian ang mga prinsesa habang hawak ko naman si Genesis. Nang marating na namin ang kuwarto nag-volunteer ako na ako ang magpapatulog sa mga bata. Wala rin naman magawan si Fabian. Sa halip ay umupo sa mahabang couch at naghahanap siya ng damit pamalit, mukhang napagod din siya dahil siya rin ang nagmaneho ng sasakyan habang papunta kami ng Antipolo.
Hindi naman ako nahirapan na paliguan ang triplets. Naglalaro pa sila ng bubbles.
"Mama," biglang tawag sa akin ni Genevieve.
"Hmm?"
"Love mo po si papa?" sunod niyang tanong.
Tumigil ako sa aking ginagawa at bumaling sa kanilang tatlo. Nakatitig din sila sa akin na tila inaabangan nila ang aking isasagot. Ginawaran ko sila ng matamis na ngiti. "Oo naman."
"Pwede na po ba kami humingi ng kapatid?" si Genesis naman ang nagtanong.
Wari'y natigilan ako sa sinabi ni Genesis. Pakurap-kurap akong tumingin sa kanila.
Ngumuso siya. "Kasi po, ako lang ang lalaki sa aming tatlo. Gusto ko din may makakalaro po ako." sagot niya.
Inilapat ko ang mga labi ko. My goodness, ano bang isasagot ko sa mga ito? Matatalino din ang mga ito. Hindi ako pupwedeng magsinungaling sa mga ito. Tatlo sila, mag-isa lang ako. "H-hindi ko alam kung... Pupwede pa..."
"Pero, kapag magkakaroon na po kami ng kapatid, promise po, aalagaan din po namin siya, mama." wika naman ni Geneva na matamis na nakangiti.
I gave them a fake laugh. "Kayo talaga! Ang dami ninyong alam. Bilisan na natin para makatulog na kayo."
**
Nakalabas lang ako ng kuwarto nang nakatulog na ang tatlo. Marahan kong isinara ang pinto pero napasapo ako sa aking bibig nang nakita kong nakatayo sa tabi ko si Fabian, nakasandal siya sa pader na tila inaabangan niya ang paglabas ko. Hindi ko mapigilang hampasin siya sa kaniyang braso. Impit siyang dumaing.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" nanggagalaiti kong tanong sa kaniya.
"Hindi kita ginugulat. Hinihintay nga kita." natatawa niyang sagot.
Bago man ako sumagot ay bigla niya akong isinandal sa pader na katabi lang ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. At doon ay sinunggaban niya ako ng isang mapusok na halik. Halik na punung-puno ng pagkasabik. Nagaw akong humalik pabalik nang pinulupot ko ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Hindi pa siya nasiyahan ay binuhat pa niya ako para maayos niyang maangkin ang aking mga labi. I wrapped my legs around his waist. I can't help to moan and call his name.
"Makikita tayo... Fabian..." sabi ko sa gitna ng halikan namin.
Nang humiwalay na ang mga labi namin ay idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "You have no idea, baberette." he said breathlessly. "You have the most perfect body I've ever seen. You don't even know how many times I've stripped you in my mind."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapakagat ng labi. Bakit ba sa tuwing nagkakaroon kami ng intimate moment ng isang ito, madali para sa akin na maturn on? Why?! Hustisya naman, pwede?! "Fabian..." tanging pangalan lang niya ang tangi kong masambit.
"I missed you, Baberette. I really miss you! He said.
"I miss you too." walang alinlangan kong tugon.
"I love you, Baberette."
"I love you too, Mr. Fabian Alexandre Wu."
Muli niya inangkin ang mga labi ko. Kusa siyang gumalaw na walang kasiguraduhan kung saan kami papunta. Basta ang pakiramdam ko ay kusa kong ipapaubaya ang sarili ko sa kaniya. Siguro, sadyang ganito din ako kung magmahal. And besides, loob ng maraming taon, ngayon ko lang ulit siya mararamdaman.
Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang malawak at malambot na kama...
**
I feel sore when I woke up. Nagtataka nga lang ako kung bakit nakabihis na ako sa gayong may nangyari sa amin ni Fabian kagabi. Kahit na masakit pa ang mga binti ko ay pilit ko pa rin kumilos. Bumaba ako't tumambad sa akin ang kambal na nakikipagkulitan sa mga tiyo at tiyahin nila. Kwentuhan sila. Si Fabian naman kinakausap naman ang kapatid ko na si Rowan, River at papa. Kausap naman ni mama ang mga magulang ni Fabian habang nagkakape ang mga ito. Kusa sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang eksenang ito. Malaking pasasalamat ko dahil naidaos namin ang birthday party ng triplets na walang gulo o anuman. Sa katunayan pa nga ay magaling din makisama ang mga Wu sa amin. Hindi ko nga lang inaasahan na mga party goers din pala ang mga Wu.
"See? Hindi ninyo na kailangan pang umabot ng korte, tingnan mo, masaya ang triplets dahil nakilala na din nila ang tatay nila, nakilala din nila ang kapatid nina Genesis at Geneva." biglang nagsalita si Aaron sa tabi ko, kasama ang ate niya na si Nell.
Bumaling ako sa kanila. "Yeah, right. Thanks sa payo mo."
Humalukipkip siya. "Kung wala lang talaga kayo anak, willing talaga ako maging attorney mo kung magsasampa ka ng divorce—" hindi niya maituloy ang sasabihin niya nang bigla siyang binatukan ni Nell.
"Ayan ka na naman, divorce pa more. Huwag na huwag mong dadalhin dito ang pagiging bitter mo, Aaron, ha." taas-kilay na kumento ni Nell.
Hinimas-himas ni Aaron ang kaniyang ulo. "Totoo naman."
"Kuuuuh! Pasensya ka, nasa angkan tayo na mahilig maniwala sa forever."
Naiiling-iling ako pero nagpipigil ako ng tawa.
Natigilan nga lang ang lahat nang biglang may nagsalita sa mikropono. Bumaling kami sa may podium. Nakatayo doon ang triplets. Parang nag-aagawan pa sila sa mic.
"Mama! Papaaaaaaaa!" sabay nilang sabi habang nakatapat sa kanila ang mic. "Si tita Siannah, may kahalikan kagabiiiii!!" malakas nilang sabi.
Agad akong tumingin kay Siannah na nabato sa kinakatayuan, pasubo sana siya ng wheat bread. Nanlalaki ang mga mata niya.
"Pinsan po ni mama ang kahalikan niyaaaaaaaaaaaa!!" si Genevieve na matamis ang ngiti.
"Ang akala ko tulog na kayo kagabi?!" sabi ko.
"Nagising po kasi si Genevieve, gusto daw po niya ng milk!" si Geneva naman ang nagsalita nang inagaw niya ang mic. "Bumaba po kaming tatlo para magpatulong kaso po, tulog na po kayong lahat! Tapos po, nakita namin si tita Siannah sa may treehouse, may kausap tapos nagkiss po sila!"
"Siya po, oh!" dagdag pa ni Genesis.
At sabay nilang itinuro kung sino ang tinutukoy nilang kahalikan ni Dra. Siannah. Napasapo ako sa aking bibig. Ang pinsan naming babae ay napasinghap, habang ang mga kalalakihan naman ay humagalpak ng tawa. May napahampas pa ng mesa at sa mga binti nila nang makita namin kung sino ang tinuturo nilang kahalikan ni Dra. Siannah.
Si Carson Levin Hochengco, ang bunsong anak nina tito Kalous at tita Tarrah! Isa itong doktor, ibig sabihin, sa iisang Ospital sila nagtatrabaho ni Dra. Siannah?!
"Naks naman, Carson! Tatahimik-tahimik ka pero malupit ka din pala!" malakas na sabi ni Nilus sabay akbay sa kaniyang kapatid.
"Shut up, ahia."
Biglang tumayo si tito Kalous sabay lapit sa mga Wu. Nilahad niya ang kaniyang palad sa mga ito. "It's nice to meet you, balae."
"Hoy, Kalous! Umupo ka nga!"
"Sandali lang, my moon, gusto ko pa makilala ang magiging balae ko."
Napatampal ng mukha si tita Tarrah.
"Pero tita Siannah, bakit hinahatid ka din po ng isang lalaki? Si tito Gavin? Chua? Tama po ba?" biglang tanong ni Genevieve.
Laglag ang panga ni Siannah sabay na naglaglag din ang tinapay sa sahig.
"GENIEEEEEEEEEEEEEE!!!!!"
Wait, what?! May koneksyon din siya sa anak ni tito Gervais Chua?!