Nakahalukipkip ako habang dinadama ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Nasa hardin ako ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Geneva kay Genevieve. Alam kong nabigla siya sa nangyari. Dahil ang buong akala ni Geneva ay wala na ang kapatid niya kung kaya sa loob ng mahabang panahon, naituring na din siya bilang bunso ng pamilya. Na ang tanging kilala niya lang na kapatid ay si Genesis. Nasanay siya na silang dalawa lang ang napagbalingan ko ng atensyon.
Napabuntong-hininga ako't napasapo ako sa aking noo. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gagawin. Kung papaano ko maiayos at matanggap ni Geneva na buhay pa ang kapatid niya. Ininom ko ang rhum na hawak ko nang kaunti. Tumingala ako sa kalangitan. Bihira lang ang mga bituin ngayon sa langit.
"Baberette,"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Fabian. Humarap ako sa kaniya. Tulad nang napag-usapan ay dito muna siya mananatili dahil gusto din siya makasama ng triplets. Hindi na ako tumanggi dahil alam kong kailangan. "May problema ba?" tanong ko.
Hindi ko lang inaasahan ay seryoso din ang mukha niya sa ngayon. Buhat nang nakita namin kung papaano itinulak ni Geneva si Genevieve ay umiba na din ang aura dito sa ancestral house. Humakbang pa siya nang kaunti palapit sa akin. "Alam kong malalim ang iniisip mo ngayon dahil sa nangyari." kahit sa boses niya ay bakas ang kalungkutan. "Kasalanan ko kung bakit hindi magkasundo ngayon sina Geneva at Genie."
Mapait akong ngumiti. "Tulad nang sabi ko, naitindihan kita kung bakit kinuha mo sa akin noon si Genevieve. Pero hindi ko rin alam na ganito ang kahahantungan." marahan kong hinawakan ang isang kamay niya na alam kong magugulat siya. Nagtama ang aming tingin. "Ngayong narito ka na, makakasama mo na ang mga anak natin. Ngayong narito ka na, sabay nating haharapin ang problema na ito, Fabian."
Ginawaran niya ako ng isang maliit na ngiti. Natigilan lang ako nang hinawi niya ang takas kong buhok. "Ano ang gusto mo sa nalalapit na birthday ng triplets?" masuyo niyang tanong. "Nang tanungin ko si Genesis at Genie, pareho nila gusto magswimming. Si Geneva naman, gusto daw niya ng simpleng party."
"Mukhang magkasundo na agad kayo." kumento ko pa. "Pero kung gusto nila ng swimming, pagbibigyan natin."
Tumango siya. Ang mas hindi ko inaasahan ay niyakap niya ako't dinampian ng halik sa noo. "Malaki ang paniniwala ko na magiging maayos ang gusot sa pagitan nina Geneva at Genie."
"Umaasa din ako, Fabian."
**
Bago man ako dumiretso sa kuwarto ay dumaan muna ako sa mga kuwarto ng triplets. I gave them a goodnight kiss and whispers I love them. Lahat sila ay pantay-pantay ang pagtingin ko sa kanila. Iniiwasan ko ang favoritsm sa pagitan nilang tatlo. Kahit na dumating si Genevieve at nangungulila ako sa kaniya sa mahabang panahon, hindi lalamang sa dalawa ang atensyon na ibibigay ko. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa wakas, nakompleto na ang mga anak ko. Kung dati, sobrang lugmok ako na inaakala ko na wala na ang bunso ko, sa isang iglap lang, parang pinagbigyan ako ng Panginoon ng tsansa na magawa ko ang matagal ko nang pinapangarap. Isang kompletong pamilya ang ibibigay ko sa mga anak ko.
Pababa ako ng hagdan nang may naririnig akong ingay mula sa salas. Nangingibabaw ang boses ng kambal. Base sa pag-uusap nilang tatlo ay mukhang hindi sila naglalaro. Kungdi nag-aaway! Dali-dali kong dinaluhan ang Salas kung nasaan sila.
"Amin lang si mama!" malakas at galit na sabi ni Geneva na tumambad sa akin pagtuntong ko ng silid.
"Neva, kapatid pa rin natin siya..." mahinahong suway ni Genesis sa kapatid.
Nakita ko si Genevieve na nakayuko at tila maiiyak na. "S-sorry..." saka tumakbo ito palabas ng Salas.
Inilipat ko ang tingin ko kina Genesis at Geneva. "Anong nangyari?"
Tumingala sa akin si Genesis. "Gusto po kasing makipaglaro ni Genie sa amin, mama. May mga dala pa po siyang mga laruan, share daw po sila ni Neva pero ayaw po nito ni Neva, ayaw niya daw po ito makalaro..." sumbong niya.
Inilipat ko ang tingin ko kay Geneva na ngayon ay abala sa kaniyang laruan, para bang wala siyang alam sa nangyari. Kumawala ako ng isang mallaim na buntong-hininga. Nilapitan ko siya. Marahan ko siyang pinaharap sa akin ngunit nanatili siyang nakayuko, tila iniiwasan niya ang mga tingin ko. "Geneva, bakit mo ginawa 'yon?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Nanatili siyang nakatikom. Ayaw niyang magsalita. Sa halip ay nilalaro pa rin niya ang kaniyang manika.
"Geneva..." I called her once more in a serious tone.
Doon siya nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa akin nang diretso sa aking mga mata. "Ginawa ko po 'yon dahil hindi na po kami ni Genesis ang favorite mo..."
Ibinuka ko ang aking bibig. Hinawi ko ang takas niyang buhok. "Wala akong paborito sa inyong tatlo, Geneva. Pantay-pantay ang tingin ko sa inyong tatlo. Alam kong nagulat ka pero hindi mo ba naisip na mas ako ang nasasaktan kapag ganyan ang ipinapakita mo sa kapatid mo? Pareho kayong tatlo ang iniluwal ko. Kung alam ninyo lang... Kung gaano ako kasaya nang kayong tatlo ang nasa loob ng tyan ko..."
"Mama..."
Ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukha. "Please, for mama? For papa? Hindi ba, gusto ninyong maging kompleto na tayo? Heto na ang pinapangarap ninyo, natutupad na..."
Hindi mapigilan ni Geneva na mapahikbi. "I am still your princess, mama?"
"Of course. You're still my princess, kayong dalawa ni Genevieve..." basag na ang boses ko. Idinikit ko ang aking noo sa kaniya. "Kung alam ninyo lang, sobrang saya ni mama na nakompleto ko na kayong tatlo."
Lumapit sa amin si Genesis at niyakap niya kami. May matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Don't worry po, mama. Tanggap ko na po si Genie, tulad po kay Geneva, poprotektahan ko din po siya."
Niyakap ko silang dalawa. "Thank you..."
**
Marahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto kung nasaan si Geneveive. Mula dito sa pintuan ay rinig ko ang hikbi niya na dahilan para mapiga ang puso ko. Dumako ang tingin ko sa kama. Nakadapa doon ang bunso ko at nag-iiyak. Humakbang ako palapit sa kaniya. Tumahan lang siya nang naramdaman niya ang presensya ko. Umupo ako sa gilid ng kama. Bumangon niya at tumingin siya sa akin habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha.
"Anak..." tawag ko sa kaniya. Inangat ko ang mga kamay ko na tila nag-aabang ako na yakapin niya ako.
Hindi naman ako nabigo. Lumapit siya sa akin at yumakap sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at marahan kong ipinikit ang mga mata ko. "Si atsi Neva, ayaw niya daw po sa akin... Ang sakit po, mama... Ayaw niya daw po ako maging kapatid..." nag-uumpisa ulit siyang humagulhol habang sinasabi niya iyon.
I slowly released a sighs. "Nakausap ko na ang atsi Neva mo, anak... She said, she will try." sambit ko.
Dumilat ako nang kumalas siya mula sa pagkayakap niya sa akin. "T-talaga po?" humihikbi niyang tanong.
Hinawi ko ang kaniyang buhok. "Oo naman, kapatid ka niya. Hindi ka niya matitiis..." binigyan ko siya ng halik sa noo. "Ayokong nag-aaway kayo, dahil para sa akin. Magkakapatid, dapat ay magkasundo kayo."
Umukit ang kalungkutan sa kaniyang mukha saka yumuko siya. May bahid na pagtataka sa aking mukha nang makita ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Kanina po, naisip ko pong... Sabihin ko nalang kay papa na ibalik nalang niya ako kina Lolo Farris at Lola Marjo... Na sasama nalang po ako sa kanila... Pero ayaw ko din po kayo iwan, mama..."
Ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Hindi ko aakalain na masasabi niya ang mga bagay na ito. Ganito pala ang ugali niya, hindi niya kayang pagtakpan kung ano talaga ang naiisip niya. Kung ano ang naiisip niya, agad niyang isinasaboses. Walang paligoy-ligoy pa. Kumsabagay, si Fabian ang palagi niyang kasama sa loob ng maraming taon.
"...Kasi po, matagal ko na po kayo gustong makita at makasama, mama. Ayaw ko po kayong maging malungkot."
Ngumiti ako at isinandal ko ang aking noo sa kaniyang noo. Muli ako pumikit. "Palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita, anak. Kayong magkakapatid, mahal na mahal ko kayo."
"Mama!"
Sabay kaming napatingin ni Genevieve sa pinto ng kaniyang silid. Naroon sina Genesis at Geneva, nakatayo. Pumasok silang dalawa dito at pareho silang sumampa dito sa ibabaw ng kama. Nakaluhod si Geneva, samatalang si Genesis naman ay nagtatalon-talon sa ibabaw ng kama. Nakatingin lang sa kanila si Genevieve na may pagtataka sa kaniyang mukha.
Tumigil sa pagtatalon si Genesis. Lumuhod na din siya na nakaharap sa bunso nilang kapatid. "Genie, nagpasama sa akin si Geneva para makausap ka daw."
Nanatili pa ring nakatingin sa kanila si Genevieve na may pagtataka sa kaniyang mukha. Bumaling siya kay Geneva na ngayon ay nakayuko. Wari'y nahihiya.
"Atsi... Neva?" tawag ni Genevieve sa kaniyang ate.
"S-sorry..." pahayag niya. Bakas sa mukha ng bunso ang pagkagulat. "Sorry sa sinabi ko... Hindi ko kasi alam na... May bunso kaming kapatid..." tumingin siya ng diretso kay Genevieve. "P-pahiram ako... Ng laruan na bigay ni papa sa iyo..."
Unti-unti gumuhit ang kasiyahan sa mukha ng bunso kong anak. "Sige! Ipapahiram ko sa iyo, atsi!" agad umalis si Genevieve mula sa ibabaw ng kama. Umaribas siya ng takbo patungo sa malaking kahon na malapit lang sa amin. May mga inilabas siyang mga laruan doon. Ipinakita niya iyon sa kaniyang atsi Geneva. "Ito, atsi... Maraming laruan! Masyado na siyang marami, bigay ko nalang sa iyo ang iba. Hindi ko pa nilalaro ang iba!"
"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Geneva.
Sunod-sunod ang tango ni Genevieve bilang tugon. "Oo naman, atsi. Heto oh, marami akong doll dito. Ito, oh. Pinakamaganda na iyan, sa iyo nalang." sabay abot niya ang manika na tinutukoy niya.
Tinanggap iyon ni Geneva ang naturang laruan. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha. "Pwede ko bang ipangalan ito?"
"Oo naman, atsi. Hindi naman ako nagbibigay ng pangalan sa mga laruan ko. Nakakalito kasi. Hehe."
"Simula ngayon, ito na ang paborito kong laruan! May katabi na ako sa pagtulog nito!"
"Genie, sabi mo, gusto mo sa birthday natin, swimming? Swimming pool ba o beach?" biglang tanong ni Genesis sa kaniya.
Tumingala si Genevieve sa kisame na parang nag-iisip nang isasagot. Ilang saglit pa ay ngumiti siya sa kaniyang mga kapatid. "Kung saan po ninyo gusto, doon ako. Basta kasama ko lang kayo. Masaya na po ako. Masaya din ako dahil first time ko kayo makasama sa birthday natin."
"Genie, tabi ka mamaya sa akin sa kuwarto ko! May mga damit din ako na hindi ko pa nagagamit. Bigay ko din sa iyo!" biglang sabi ni Geneva habang naghahahap ng laruan sa malaking kahon.
"Okay po, atsi!"
Tila hinahaplos ang puso ko sa mga nakikita ko. Napasapo ako sa aking dibdib habang pinapanood ko ang mga bata na masayang naglalaro at nag-uusap. Dumako ang tingin ko sa pintuan kung nasaan nakatayo doon si Fabian, naaninag ko ang mukha niya na matamis ang ngiti. Alam ko, kahit siya ay masaya dahil sa nangyayari ngayon. Nagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa.
Napagtanto ko na hindi lang siya ang naroon na nakatayo doon. Kahit sina Rowan at River ay naroon. Masaya din sila para sa akin—sa amin. Nakikita nila na nagkakasundo na nag kambal.
"Mama!" biglang tawag sa akin ni Genesis.
Bumaling ako sa kaniya. "Bakit? Ano iyon?"
"Nakita po namin sa kuwarto ni tito Killian, may mga damit siyang pambabae!" bulalas niya. "Nakita din namin ni Geneva na may bra at panty din siya nang tulad sa inyo, mama!"
"Oo nga po, mama!" sang-ayon naman ni Geneva na tumigil muna sa paglalaro. "May mga make up din po siya!"
Laglag ang panga ko sa nalaman ko. Like, what the hell?! Ang bunsong anak nina tito Harris at tita Brooklyn, isang bakla?!
Napatingin ako kina Rowan at River, alam kong narinig din nila ang rebelasyon na iyon. Si Rowan ay nakanganga at si River naman ay nakangiwi.
Patay ka ngayon, Killian, kapag nalaman ni tito Harris, itatali ka sa puno na may mga antik! Anak ka pa man din ng sundalo!