SIMULA:
🔞 Contains hard SPG
⚠️⚠️Matured Content ‼️‼️
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Basta't ang alam ko lang, kailangan ko makalayo mula sa mga kalalakihan na pumasok sa aking munting kubo.
Halos malagutan na ako ng hininga at tinitiis ang labis na pagkauhaw. Ang hapdi na rin ng aking mga paa na hindi ko alam kung anong matalim na bagay ba ang aking naapakan kanina.
Ang tanging nasa-isip ko lang ngayon, kailangan ko makalayo sa mga humahabol sa akin. Kundi, baka bukas ay wala na ang aking pinaka-iingatan na puri.
Nakatapak ang aking mga paa sa border line. Ang pagitan ng malawak na gubat at pribadong lupa ng Villamor. Kung saan kinatatakutan ng mga taong mabuti o may halang man na kaluluwa na pasukin.
Pero ngayon, kailangan ko makapasok sa lupaing ipinagbabawal. Dahil sigurado, oras na makapasok ako sa loob, hindi na ako hahabulin pa ng mga kalalakihan na ‘yon.
Lakas loob at mahaba na buntong hininga, mabilis na tinakbo ko at dinaanan ang nakahanay na matataas na puno ng Acacia na nagsisilbing bakod ng mga Villamor. Pero hindi pa ako nakakalayo, naramdaman ko na umikot na ang aking paningin.
“Hey! Miss!” Paulit-ulit na sigaw ng kung sino sa akin. Nagising ako dahil sa hindi kalakasan na pag sipa nito sa aking balakang. Pero nagpapanggap parin ako na tulog pa, dahil natatakot ako na baka nasundan pa ako ng mga humahabol sa akin.
"Tsk! I thought a wild boar got into my yard. Turns out it's just someone, ang malas naman!" Malaki at buo ang boses ng nagsalita ang lalaki.
Pero dahil nagpapanggap ako na tulog, kailangan ko panindigan, kahit gusto ko makita kung tama ba ang hinala ko na magandang lalaki ang nagsalita.
“Nagsasayang lang ako ng oras.” Mukhang nayayamot na bigkas ng lalaki. Hanggang ang narinig ko na lang ay lagaslas ng mga damo na inapakan ng kabayo.
“W—Wag! Huhuhu! Wag mo akong iwan, Nanay!” Pag-iinarte ko na kunwari ay nanaginip, na hindi ko akalain na aatungal ako ng iyak at magiging totoo na.
Bigla kasing pumasok sa isip ko ang aking yumaong mga magulang. Lalo na ang aking ina.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na binuhat ako at para na akong dinuduyan. Na ang pag-iinarte ko na tulog ay natuluyan talaga.
Nagising ako ng medyo madilim na. Nasa ibabaw ako ng kulay puti at malambot na kama. I noticed my feet were wrapped in gauze and I was wearing clean clothes.
Masakit man ang aking katawan, pinilit ko na bumaba sa kama at ihakbang ang aking mga paa patungo sa pinto na hindi nakasara.
“Who are you?” Malaki at malalim na boses mula sa aking likuran ang nagpahinto sa aking paghakbang.
Natuod ako sa aking kinatatayuan at mabagal na pinihit ko ang aking katawan paharap sa pinanggalingan ng boses.
Nanlalaki ang mga mata na tinitigan ko ang gwapong lalaki. Napa kurap-kurap pa ako dahil parang isang gwapong engkanto ang nasa harapan ko.
Para bang katulad ng mga kwentong bayan na madalas pag-usapan ng mga matatanda sa amin. Na gwapo daw ang mukha na ipinapakita ng ibang lamang lupa, para maka-akit ng babae na magiging biktima nila.
“A–Ako pala si Jeraine, labing siyam na taong gulang, nakatira sa–.”
“Fvck that off! Wala akong plano makilala kung sino ka, baka pati libangan at crush mo, sabihin mo pa sa akin. Bakit nandito ka sa lupain na pag-aari mo?”
Pasigaw na tanong ng lalaki na may mahabang buhok na medyo kulot na ang haba ay abot sa kanyang balikat. Kulay abuhin ang mga mata nito at ang pula ng labi nito na bumagay sa kanyang matangos na ilong at makapal na kilay.
“Sasagot ka or kakaladkarin kita palabas ng bahay ko?” Nakapamulsa na ang lalaki at naninigas na ang bagang nito.
Para akong matutumba sa lakas ng boses ng lalaki, akala mo naman ay napakalayo ko at hindi ko siya maririnig.
Pero napalunok ako ng pag yuko ko, nakasuot lang ito ng jogging pants na cotton, bakat na bakat ang malaking ulo ng alaga nito na nakalaylay. Halos kalahati na ng kanyang hita ang haba nito, tulog pa. Paano kaya kapag nagising na. Napalunok akong muli at umiling-iling.
“Nakatira ako malapit dito, mag-isa lang ako dahil ulila na akong lubos. Muntik na ako magahasa kagabi. Tumakbo lang ako ng tumakbo, hindi ko akalain na makakarating ako dito.”
Mahaba na paliwanag ko sa lalaki na pinakatitigan ako sa mukha. Na para bang inaarok nito kung nagsisinungaling ba ako o nagsasabi ng totoo.
“Aaaaay!” Malakas na sigaw ko dahil sa pagkabigla. Binuhat kasi ako ng lalaki pabalik sa silid kanina na nilabasan ko.
“Just stay in bed and I’ll bring you food. Once you get better, just leave.” Seryoso na sabi nito sabay talikod.
Nanginginig ang katawan ko, isipin pa lang na babalik na ako sa kubo. Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ng apat na lalaking ‘yon.
Pero ayaw ko na muna sila isipin sa ngayon ang hindi pa nangyayari. Dahil kumakalam na ang aking sikmura at ilang minuto ng naka alis ang lalaki, pero hindi pa rin bumabalik para sa pagkain na sinasabi niya.
“Sh*t! Ayaw ko nga ng kasama, may babae naman na naligaw dito. Mukhang ako pa ang mag-aalaga! Bwesit!” Nagdadabog na bulong ng lalaki na naririnig ko naman.
Pero hindi ko magawang gumalaw at magsalita, dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa sakit ng aking paa at sa gutom na din siguro.
“S–Salamat. Pasensya ka na, na abala pa kita.” Mahina na sabi ko sa lalaki na inismiran ako.
“At least you know that you're disturbing others' lives.” Maldito na sabi ng lalaki sabay subo sa akin ng lugaw.
Sunod-sunod ang naging pag subo nito at hindi ko din alintana ang init o hapdi ng pagkapaso ng aking dila. Dahil sa sobrang gutom na aking nadarama.
“Inumin muna ang gamot, nand'yan ang tubig. Bahala ka na. Magpapahinga na ako.” Sabi ng lalaki sabay talikod.
Ni hindi ko alam ang pangalan niya. Ang sabi ng iba, engkanto at kapre daw ang nakatira dito. Pero napaka-gwapo pala na prinsipe.
“Tsk! Napakasungit. Akala yata matatakot ako sa pasigaw-sigaw niya.” Naiiling na bigkas ko.
Pasalamat siya ang gwapo niya, kung ganito naman ang gagahasa sa akin, nako! Bubukaka talaga ako ng 360°. Pilya na napangiti ako ng maisip ang aking kalokohan.