“Let's go,” bungad ni Daddy Liam sa akin sa labas. Hinintay ko kasi sila na dumating. Habang si Daddy Sean, inakbayan na ako para alalayan, dahil medyo nakakaramdam pa ako ng pagkahilo. Habang naglalakad, kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Siguro dahil kapatid ko ang involved dito. Ang turo kasi sa amin ni Mommy, walang kalahati-kalahati sa kapatid, dahil lahat ‘yan buo. Ni hindi nga big deal sa amin kung sino ba talaga ang aming ama, ang mahalaga sa amin meron, at dalawa pa! Pinalaki kami sa pangaral na mahalaga ang pamilya, pinakamahalaga sa lahat. Huminto kami sa tapat ng pinto kung saan ang penthouse ni Kuya Lenard. Pinindot ni Daddy Liam ang doorbell at hinihintay namin na lumabas ang kapatid kong panganay. “D–Daddy, napasugod ka?” nabubulol at halata ang tension sa bose

