“Anong ginawa mo kay Jeraine?!” tanong ni Jacob sa akin na tinulak pa ako sa aking balikat. Tiim bagang na tinitigan ko lang ang aking kapatid dahil kawawa ito pag pinatulan ko. Wala itong alam sa pagbabanat ng buto, kumpara sa akin na ilang taon na dito sa bundok. “Ano naman sa’yo kung anong gawin ko kay Jeraine? Sino ka ba sa kanya?” pabalang na tanong ko sa aking kapatid na bunso. At hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Halata ang galit sa mga mata nito. Wala akong mabanaag na selos, sigurado ako ngayon. Mahal na nga niya sa maikling panahon si Jeraine. “Wag mo isama sa miserable na buhay mo si Jeraine! Bata pa siya at maawa ka. We have Mommy, Ate Sofia and Ate Nathalia. Wag kang manglamang ng walang kalaban-laban sayo,” malumanay na sabi ni Jacob na nginisain ko. “Look who's ta

