“Joy! Gising na anak! Hindi ba at sa OJT mo ngayon?” Sigaw ni Mommy habang niyuyugyog ang katawan ko para magising. “Mom! Nandon na ‘e, hahalikan na ako ni Kuya Alexander. Ginising mo pa ako!” Naiinis na sabi ko sa aking ina na hinila na ang kumot na nakabalot sa aking katawan at pinagbubuksan na ang mga bintana. Hinarang ko ang aking palad sa aking mukha na natatamaan ng matinding sinag ng araw na nakakasilaw sa mata. Naupo na lang ako sa aking kama at napakamot ako sa aking buhok. “Hay nako! Paano ka magugustuhan ng triplets na pangarap mo, kung hindi ka wife material. Kay Doctor Alexander nga hindi ka makapasa ‘e, gusto mo pa tatlo. Hayst! Siguro babawiin ko na lang kay beshy Jera ang kasunduan namin. Mukhang mapapahiya alng ako sa’yo. Hindi ka na nga kagandahan, wala ka pang al

