Nandito kami ngayon sa school campus, nasa bandang gilid kami ng parking lot. Nakaparada ang ang sasakyan ni Samuel. “Salamat pala sa paghatid, bakit dalawa pa kayo? Pwede naman na isa ang maghahatid sa akin, ang isa naman ang magsusundo,” napapakamot na sabi ko sa dalawang lalaki. “First day of school mo kasi Rain, sa mga susunod na araw, mag-uusap na kami ni Jacob tungkol sa schedule namin,” sagot naman ni Samuel. Humalik na ako sa labi ni Samuel, sabay halik ni Jacob sa pisngi ko. Nakalabas na kasi ako ng sasakyan, kailangan maging maingat kami sa aming mga kilos. Habang papasok ako ng building, sobra ang kaba na aking nadarama. Malayo ito sa pinasukan ko na paaralan noong hayskul ako. Pagdating ko sa room, naupo ako sa bandang likod. Nahihiya kasi ako sa mayayaman ko na kaesk

