“Kilala mo si Miko De Oro?” tanong ni Fiona na alanganin ako kung tatango o iiling. “Nagpakilala s’ya sa akin ng nag enroll ako. Pero personally, hindi ko s’ya kilala talaga,” sagot ko sa aking kaibigan na tumango-tango. “Ang alam ko, Lolo niya ang may-ari ng school na ‘to. Isa pa, sikat kaya si Miko. Bakit hindi mo alam, saan ka ba galing na mundo?” kwento ni Fiona na taas balikat lang ang naging sagot ko. Sa totoo lang, wala naman kasi talaga akong alam sa mga nangyayari. Maging sa dalawang asawa ko, wala din naman akong alam. Si Jacob alam ko na modelo siya, crush ko pa nga ang lalaki ‘e. Pero wala akong ideya kung gaano siya ka sikat. Until last month. Ang isinagawang press conference para pabulaanan ang tungkol sa kumakalat na s*x videos naming tatlo. Dumaan lang din sa for yo

