Maaga ako nagising, nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa aking ama na si Dada Liam. Hindi ko na matatakasan at kailangan ko ng harapin ang mga kalokohan ko na ginawa sa nakaraan. Pormal na kasi na naghain ng kaso ang Senator laban sa akin at sa kanyang asawa na kasama ko sa kumakalat na s*x video. Idagdag pa ang baliw na si Angela, buntis daw at ako ang ama ng kanyang dinadala. Isa ito sa mga naging babae ko na starlet. Pumunta daw sa bahay ang ama ng babae at gusto na panagutan ko ang dinadala ng kanyang anak. “S–Saan ka pupunta, Kuya Jacob?” naluluha na tanong ni Jeraine. Kagigising lang kasi nito, habang ako at hinihintay lang ito magising. Para makapag-paalam ako. “Uuwi muna ako sa siyudad, kailangan ko ng harapin ang mga kalokohan ko sa nakaraan,” nakayuko na sagot ko sa baba

