SAMUEL (POV):
Gabi na at pagulong-gulong lang ako sa ibabaw ng aking kama. Tatayo, mau-upo at babalik na naman sa pagkakahiga.
Kaya't tumayo na lang ako sa harap ng aking bintana. Inabot ko ang isang kaha ng aking sigarilyo at kumuha ako ng isang stick.
Nakakailang hithit pa lang ako ng napansin ko si Jeraine. Nakaupo ito sa baba ng isang malaking puno ng mangga.
Nahagip ng liwanag ng buwan ang ganda ng mukha nito mula sa kanyang pwesto. Sa kabila ng pagiging makulit nito, nakikita ko kung gaano kalungkot ang kanyang mga mata.
Napangiti ako habang tinitigan ito. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga salita ni Jacob ng nagdaang mga araw. Oo nga, nakikita ko sa kanya si Celine. Pero sa palagay ko, hindi ko naman binu-buhay sa katauhan ni Jeraine ang yumao ko na kasintahan.
Ang isang ito ay masyadong sutil at palaging laban sa akin. Siguro dahil sa pananamit, kaya't parang pareho sila. Pero sa ugali, masyadong magkalayo.
Naiiling na pinatay ko ang sindi ng aking sigarilyo. Hindi ko akalain na mapapalapit ako sa babaeng ‘to. Bukod sa miyembro ng aking pamilya, kay Celine lang ako nakikipag-usap kahit mga walang kwentang bagay.
Nagpasya ako na bumaba at lumabas ng bahay. Humakbang ako patungo sa kinauupuan ni Jeraine. Napalingon ang babae sa akin at nagkakatitigan kami sa mata.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Samuel.
“Wala lang,” sagot ni Jeraine. “Nag-iisip lang.”
Kaya't mas umusog pa ako mas malapit sa kinauupuan nito. “Anong iniisip mo?” tanong ko.
“Tungkol lang sa buhay-buhay. Sa akin, sa pag-iisa ko ng mahabang panahon. Sa totoo lang, magmula ng makasama kita dito sa bahay mo. Naging masaya ako.
Kung ikaw ayaw mo ng may kausap, ako naman ay iba. Gusto ko ng may kasama, sawa na akong mag-isa.”
Nakikinig lang ako habang nagsasalita pa si Jeraine. Nakikita ko sa kanya ang aking sarili, sa magkaiba na sitwasyon. Sobrang kalungkutan ang nababasa ko.
“Jeraine, payag na ako. Manatili ka dito sa mansion ko, hanggang gusto mo.” hindi ako makapaniwala sa sinabi ko. Pero huli na ang lahat para mabawi pa ang binitiwan ko na salita.
Tumingin sa akin ang babae at pinaka titigan ang aking mukha. Naaasiwa ako na hindi ko maintindihan. Parang ngayon lang ako naging aware sa itsura ko. Kung ano ba ang ayos ko.
“We?! Hindi nga?!” malakas na tanong ng babae sa aking mukha, habang nakangiti ito. Kahit kailan talaga, parang wala akong mahanap na kaseryosohan sa isang ‘to.
“Okay! Binabawi ko na,” sagot ko dito sabay tayo at naglakad na ako pabalik sa bahay.
Nakasunod naman si Jeraine sa akin na hinawakan pa ang aking braso at nilambitinan na kaagad. Para itong bata na hindi aware sa kanyang mga kilos.
Damang-dama ko kasi ngayon ang kalambutan ng kanyang dibdib, na tumatama sa aking braso.
“Saan ka ba pupunta, Kuya?” tanong ng babae sa akin na hindi ko inimikan.
Lumiko ako at humakbang pa patungo sa play ground nitong bakuran. Ito sana ang magiging palaruan ng anak namin ni Celine, pero hindi na nangyari pa.
“Kuya, may gusto akong itanong sayo,” sabi ni Jeraine na naupo din sa kabila ng siso.
“Bakit mag-isa ka lang dito? May pamilya ka naman pala, katulad ni Kuya Jacob,” hindi ako naka-imik. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang nakaraan ko o hindi.
“Hayst! Okay kung ayaw mo sagutin. Basta wag ka din magtatanong sa akin,” nakanguso na sabi ni Jeraine.
Hindi ko napigilan ang aking sarili. Tumayo ako kaya't napababa ang pwesto ng kahoy na kinauupuan ng babae. Nilapitan ko ito at bigla kong hinalikan sa kanyang labi.
Halik na mababaw lang, pero parang na sabik ako. Hindi ko namalayan na kinabig ko na pala ang malambot nitong katawan at ngayon, naglalaro na ang malikot kong dila sa loob ng kanyang bibig.
“Hmmmmmm” impit na ungol ni Jeraine na mas lalong nagpa-init ng aking katawan. Dinakot ko ang kanyang isang dibdib at buong suyo ko itong nilamas. At hindi naging hadlang ang manipis na pantulog na suot nito.
Para akong sabik na sabik na nilamas ang malaking s**o ni Jeraine at pinaglaruan ko pa ang kanyang maliit na u***g.
Hindi ako nakatiis, ipinasok ko pa ang malaking palad ko sa loob ng kanyang damit, kaya't ramdam ko na ang init ng katawan ng babae. Habang kapwa kami nagsasalo sa isang mainit na halikan. Dahil nakakasabay na ito sa galaw ng aking dila ngayon.
“May date pala na nagaganap dito?”
Malakas na boses ni Jacob na nagpa-balik sa aking katinuan. Kaagad ko binitawan ang labi ni Jeraine at inayos ang damit nito. Kapwa kami hinihingal dahil sa init na aming nararamdaman at sa gulat. Dahil sa biglang pagsulpot ni Jacob.
“Hahaha! Mister Romantiko ka na pala ngayon, Kuya Samuel.” pang-aasar ni Jacob na nakalapit na sa kinatatayuan namin ni Jeraine.
“Gumilid ka nga, para kang tanga,” sabi ko dito na nakangisi pa. Nakatitig kasi ito sa aming dalawa ni Jeraine.
Hinila nito si Jeraine sa akin at inakbayan. Nagkatitigan kami ng bunso kong kapatid sa mata. Para kami ngayon nagsusukatan.
“Wag mong simulan, kung hindi mo kayang panindigan,” seryoso na pagkakasabi nito sa akin.
“Ano bang problema mo?!” malakas na tanong at sigaw ko sa aking kapatid. Tinulak ko pa ang balikat nito dahil nakakapanganay na ito sa mga kilos niya.
“Alam mo kung ano ang problema ko, Kuya.” sagot nito sa akin.
Wala akong magawa kundi ang iwan ang dalawa at baybayin ang daan pabalik sa loob ng bahay. Maging ako, naguguluhan din sa aking nararamdaman kay Jeraine.
Hindi din ako sigurado sa aking sarili. Na kung kaya ko na bang magmahal muli o init lang ito ng katawan. Pwede rin na namimiss ko lang si Celine, kaya nakukuha ni Jeraine ang atensyon ko.
Kung ano man ang dahilan, sana hindi pa huli ang lahat. Dahil sa nakikita ko ngayon, iba ang trato ni Jacob sa babae. Kahit minsan, hindi din ito nagpakilala ng babae o nagdala sa bahay.
Dahil sabi niya, hindi pa daw niya natatagpuan ang babaeng mamahalin at liligawan n’ya. Pero ng nakaraan, nagpaalam siya sa akin na liligawan n’ya si Jeraine.
Na parang nag udyok sa akin na, gumawa na ako ng hakbang para mabakuran si Jeraine. Pero ang nangyari, mas lalo ako naguluhan ngayon.