Aivy Gerand;
“Miracle University is the only school in Attila that can teach advanced magic knowledge to everyone,” Sunny started some lore about the school. “Yes, wala pang nakaka-graduate dito dahil tatlong taon pa lang naman nang itatag ito pero kapag nakasalamuha niyo na ang mga naunang estudyante ay siguradong makikita niyo ang improvements nila.”
“Now, let’s start by discussing the rules and regulations of this unique school,” I said as I stepped up on the stage. “Hello again. I am Aivy, the Vice President of Sacred Cross.”
As usual, masamang tingin agad ang binigay nila pero hindi ko na iyon pinansin. Kailangan na naming matapos ito ng mas maaga.
“Students have curfew,” I stated. “Iyong mga main door sa dormitory kung saan kayo maa-assign ay may automatic lock mula 5pm hanggang 5am.”
“What?” agad na reklamo ng isa. “Hindi kami bata para bigyan niyo ng curfew!”
“We are not treating you like a child,” Sunny said. “But this island is not like the land below. Nighttime here is dangerous because of some monsters that manage to sneak inside.”
Ang mga halimaw na iyon ay dating mga normal na hayop lang. Ngunit dahil na-expose sila sa kapangyarihan ni Yumei ay nag-mutate sila na naging dahilan kung bakit sila naging agresibo at inaatake ang kung sinong makita nila.
Tuwing madilim lang ang sila lumalabas upang mang-hunting ng kanilang makakain.
That is why we implemented the curfew.
Hindi pa namin alam kung saan sila nagtatago at wala din kaming ideya kung paano ba sila nakakapasok ng school nang hindi namin namamalayan kaya minabuti na naming ganito na lamang ang gawin.
They only attack someone lurking outside. They never dare to attack any house, well, unless they were invited inside.
“This is common knowledge that we share with your kingdom,” I said. “You should be aware of this before enrolling here.”
Nagsimula ang bulungan sa mga magkakasama at base sa reaksyon nila ay mukhang sadya itong hindi ipinaalam sa kanila.
Siguro ay para gumawa ng gulo. Tsk!
“As I said, the curfew is for your protection,” sabi ni Sunny. “You can break it all you want, but we are not responsible for what might happen to you.”
Kung susunod sila sa regulasyon ng school, buong-loob namin silang poprotektahan. Pero kung simpleng bagay tulad ng curfew ay hindi nila kayang sundin, aba, huwag silang umasa na kikilos kami para sa kapakanan nila.
“You are only allowed to get outside the school premises on weekends,” I continued with the rules. “You can visit the other premises on the island once the gate is opened on Saturday morning. But you are not allowed to leave the island.”
No one says anything. Well, good.
“You are not allowed to hurt, humiliate, or boss around any half-blood that you might encounter on this island.”
Agad akong napangiwi nang magsimula na naman silang magreklamo.
At mukhang doon talaga sila higit na hindi natuwa. Seriously?
Alam kong galit sila sa mga half-blood dahil nga bunga sila ng pag-iibigan ng dalawang nilalang na galing sa dalawang magkalabang kaharian pero kailangan nilang iwan iyon sa ibaba.
Sa islang ito, wala silang karapatan na saktan kami.
“Nandito kayo para mag-aral,” I firmly said, with a cold voice, that made them all shut up. I stood straight, trying my best to imitate our president to intimidate these fools. “At hindi kayo naglabas ng kahit magkano para makapasok dito. Ibig sabihin ay hindi niyo binabayaran ang mga half-blood na nagtatrabaho dito kaya wala din kayong karapatan na alilain sila at saktan tulad ng ginagawa niyo sa ibaba.”
“But—”
“Huwag nyong subukang manakit ng mga half-blood dahil sa islang ito, sila lang ang may kakayahang tulungan kayo kapag naipit kayo sa sitwasyong posibleng magpahamak sa inyo.”
Half-bloods live all their lives in a harsh environment, and instead of crying over it, we are using those experiences to protect this place.
Hindi na sila nagsalita pa.
Alam kong hindi sapat ang mga sinabi namin para sumunod agad ang mga ito pero mas mabuti na iyong pinaalalahan namin sila.
This is already the third time we discuss this matter to new students. Inaasahan na namin na may hindi susunod at agad na susuwain ang lahat ng rules na inilatag namin.
At hindi naman namin sila pipigilan.
Mas makakabuti sa kanila na maranasan mismo ang bagsik ng islang ito nang sa gayon ay sila mismo ang makaalam kung ano ang pinasok nila.
Dagdag trabaho iyon sa amin pero effective na paraan iyon para sila mismo ang mag-behave nang hindi pinipilit.
Matapos naming ipaliwanag ang lahat ng dapat nilang malaman tungkol sa school, maging ang mga klase na kanilang papasukan mula bukas ay sina Dream at Sunny na ang naghatid sa kanila sa magiging dorm nila.
May tatlong dorm building dito sa Miracle University.
Nasa bandang dulo iyon ng paaralan at nakapalibot sa pinakamataas na tower na mayroon ang isla. Ang kanan na building ay para sa mga estudyante na taga-Mirai Kingdom. Ang kaliwang building naman ay para sa mga estudyante na galing sa Unmei Kingdom. Habang ang nasa likod ng tower ni Yumei ay ang dorm building para sa mga half-blood na nagtatrabaho dito sa school.
“Mister Knight Santillan…” Tinawag ko ang lalaking huling lalabas sana sa auditorium. Nginitian ko siya at iniabot ang kanyang profile. “We find some problems with your profile, and we intend to clear it as soon as possible to avoid any unnecessary problems.”
Kinuha niya iyon ngunit nananatiling tikom ang bibig.
“Will you please come with us?”
Still didn’t say anything, but he nodded.
I smiled again and offered my hand. “Please hold my hand. This is an easy way to go where we need to be.”
Kumunot ang noo niya ngunit hindi na nagdalawang-isip.
I snapped my fingers, and slowly, our surroundings started to change until we finally arrived outside the mansion of Sacred Cross.
I let go of his hand and looked at his shocked face as he looked around. “Welcome to Sacred Cross.”
Bumaling siya sa akin. “Teleportation?”
Tumango ako. “Follow me. Our president wants to talk to you.” Nauna na akong pumasok sa kanya at nagpapasalamat ako dahil hindi ko na siya kailangan na sabihan pa uli.
Kusang-loob siyang sumunod sa akin. Pero bakas sa bawat kilos niya na alerto siya sa kung ano man ang posibleng mangyari dito.
Hindi ko naman siya masisisi at relate ako sa kung ano ang nararamdaman niya.
Aba, ganyan din ang naramdaman ko noong araw na mapadpad ako dito.
Sa office ni Snow ko dapat siya dadalhin ngunit napansin kong bukas ang conference room at doon ko nakita si Snow kaya doon na kami dumeretso.
“Mister Santillan, this is the president of the Sacred Cross, Snow White.”