Chapter 1:Allura, The Floating Island
Napangiti ako nang makita agad ang babaeng sadya ko pagpasok ko sa maliit na hardin na nasa likod ng tinitirhan namin.
Nakaupo siya sa gilid ng isang fountain habang hinihimas ang isang nilalang na tila lobo ang anyo ngunit nababalot ito ng asul na apoy. Nakahiga ito sa kanyang hita at mukhang hindi niya alintana ang init na nanggagaling dito
“Snow!” Tumakbo ako palapit sa kanya at agad siyang bumaling sa akin nang tumayo ako sa harap niya. “Nandito ka lang pala.”
“May gagawin ba?” Akma niyang aalisin ang nilalang sa hita niya ngunit mabilis akong umiling. “Eh?”
“Nandito lang ako para ipaalam sayo na parating na ang mga bagong batch ng estudyante na nag-enrol dito.” Iniabot ko sa kanya ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga bagong estudyante. “We will proceed to the usual introduction and orientation before we guide them to their respective dormitory.”
“Oh.” Tumangu-tango siya habang isa-isang binabasa ang bawat profile ng mga bagong estudyante. “Ah.” She took one of the papers and handed it to me. “Bring this one to the office. I need to see him.”
Kumunot ang noo ko at tinitigan ang papel na binigay niya sa akin. “Is there any particular reason why you need to see this one?”
This person is a member of an aristocratic family—a high-profile person.
Hindi ito ang unang beses na mayroon kaming tinanggap na may ganitong background pero madalas ay hindi naman pinapansin ni Snow ang tungkol doon kaya nakakapagtaka na may bigla siyang gustong makaharap ngayon sa mga ito.
Ibinalik na din niya ang folder sa akin at muling itinuon ang atensyon sa nilalang na nasa hita niya. “He didn’t disclose everything in his profile.”
“Eh?” Tiningnan kong mabuti ang kanyang profile. “Anong kulang dito?”
“Just bring him to the office and I will explain everything,” she said. “Now, go. We don’t want to make those people wait, or they will cause some trouble.”
“You are not going to attend this batch’s orientation?” Nitong mga nakaraang taon ay laging siya ang unang humaharap sa mga new students bilang pagbati sa mga ito sa pagpasok nila dito sa eskwelahan.
Umiling siya. “Someone there will not appreciate my presence, so please have Sunny and Leaf accompany you in taking care of them.”
Pinaningkitan ko siya ng noo. “Sure ka?”
Muli siyang bumaling sa akin. “Yeah.”
Tinitigan ko siya at napabuntong hininga na lang. “Mas makakabuti sana kung haharapin mo na agad ang taong iyon pero kung iyan ang desisyon mo.” I waved my hand and went out of the garden.
Sa gate ay agad akong sinalubong ni Leaf. “Hindi siya sasama?”
Umiling ako. “Ayaw pa niyang harapin.”
“Oh.” Tumangu-tango na lang siya. “Well, hindi naman natin siya mapipilit sa bagay na iyon. Mukhang hindi pa din talaga siya handa.”
“What about Red?” tanong ko. “Nakausap na nila Dream?”
“Hindi niya alam ang line up ng mga bagong students pero kilala mo naman ang isang iyon,” aniya. “Kung hindi kailangan ay hindi haharap iyon sa mga estudyante kaya huwag na din tayong umasa.”
Nang tuluyan kaming makalabas sa gate ng mansyon ay nag-teleport na kami papunta sa entrance ng Allura Island.
Eksaktong dating namin doon ay ang pagdaong ng flying ship kung saan nakasakay ang mga bagong estudyante ng school.
“Welcome to Allura Island,” nakangiting bati ni Sunny at Leaf nang makababa na ng ship ang lahat ng estudyante. “Welcome to Miracle University.”
Elemental Deities, Kasai, Mizu, Kuki, Chikyu, Hikari, and Kurai, created our world, Attila. Then, they made us and bestowed upon us the ability to use magic.
It only has two kingdoms. Mirai Kingdom, known for its vast forest and riverlands, and Unmei Kingdom, known for its desert rich with industrial oil.
Magic is already part of our everyday life. It helps us with our chores and work.
And, of course, it is also part of the military forces of the two kingdoms.
The Deities only gave us basic knowledge of how to use our magic.
Sa kasaysayan ng Attila, wala pa ni isa ang naka-master sa buong potensyal ng kapangyarihang ipinagkaloob ng mga bathala. Kahit anong research ang gawin ng mga scholar ay hindi nila makuha ang tamang training upang lalong mapalakas ang hawak nilang kapangyarihan.
Kaya puro basic magic school lang ang mga naitatag ng dalawang kaharian sa kani-kanilang lupain.
Well, nagbago ang lahat nang dumating si Yumei.
Walang nakakaalam kung saan siya nanggaling. Bigla na lang siyang dumating at nagpakilala bilang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong Attila.
She even demonstrated her power by levitating a huge island up to the sky and calling it Allura Island.
Inihayag pa niya sa buong mundo na walang karapatan ang dalawang kaharian sa lupain na iyon kaya nagsimula iyon ng matinding gulo.
Nagkasundo ang dalawang kaharian upang salakayin ang isla ngunit dahil sa kapangyarihang taglay ni Yumei ay wala din silang nagawa.
Sa huli ay hinayaan nila ito.
Bilang kapalit ay doon binuksan ni Yumei ang Miracle University, ang nag-iisang paaralan sa buong Attila na siyang may kakayahan na turuan ang lahat upang mapalakas ang kanilang kapangyarihan.
Mirai Kingdom and Unmei Kingdom can send anyone who has already graduated from their basic magic school to Allura Island to learn more about magic.
And this is the third year that MU has accepted new students.
“Yikes!” Lihim akong nakangiwi nang makita ang tingin ng mga bagong dating kina Sunny at Leaf.
Hindi na bago ang ganito sa akin dahil ang mga tulad nila ay talagang mababa ang tingin para sa mga tulad naming naninirahan dito sa isla.
“Please get your pamphlet as your guide for the introduction of our school, as well as the rules and regulations we have here.” Leaf distributed the pamphlet.
“Tsk. Half-blood.”
Muli akong napangiwi nang marinig iyon.
Seriously?
Bakas ang pandidiri nila habang kinukuha ang pinamimigay na pamphlet pero nang si Sunny na ang magsalita ay naging attentive din naman sila.
Mas nakikinig sila kay Sunny kaysa sa amin ni Leaf kaya hinayaan na namin na ito na lang ang magsalita habang kami ni Leaf ang nangunguna para dalhin sila sa auditorium ng school.
Mirai Kingdom and Unmei Kingdom have been fighting for over a millennium now.
They both wanted to invade each other’s land, and they claimed that their kingdom was the rightful ruler of this world.
Kaya nga hindi sila nagdalawang-isip ang dalawang kaharian na iyon na ipadala ang mamamayan nila dito sa Allura para ma-enhance ang kanilang kapangyarihan na ginagamit nila para mapalakas ang kanilang pwersa.
Parehong mamamayan ng dalawang kaharian ay kinasusuklaman ang isa’t-isa. They treated each other as enemies. They even both send spies just to get information from each other.
Pero higit nilang kinasusuklaman ang mga tinatawag na half-blood.
Mga nilalang na bunga ng pag-iibigan ng isang Miraini at Unmeini.
Half-bloods like us, people who live and work on this island.
They called our parents traitors to their kind, and they couldn’t forgive them; that is why they bully us. They abused us and made us their slaves.
But all of that came to an end when Yumei established this island. This became our home, and we worked so hard just to make it all work.
Even working with these kinds of people who will just keep insulting us.
“Bakit ganyan ang mukha ni Leaf?” tanong ni Nightmare nang salubungin kami sa auditorium.
Itinuro ko si Sunny sa likuran namin na pinalilibutan ng mga babaeng new student. “We didn’t get any insults from them because he immediately interfered.”
“Oh.” Tumangu-tango siya habang natatawa. “Gets ko na.” Tinuro niya ang loob ng auditorium. “Pasok na kayo sa loob. Mas mabuti nang umpisahan ito para matapos ng maaga. May bilin pa si Snow, hindi ba?”
Tumango ako. “Isang mabilis lang ito.” Bumaling ako kay Sunny. “Prieto! Papasukin mo na sila para makapagsimula na.” Binuksan ko ang double door para makapasok na ang lahat.
Nakaayos na naman din ang mga upuan dito at si Sunny na din ang magpapaliwanag ng lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa school.
Magsu-supervise lang kami upang masiguro na walang lalabas dito nang hindi naiintindihan ang mga rules.
Nang makaupo na ang lahat ay agad pumunta si Sunny sa stage.
“Let me welcome you again to Miracle University,” panimula ni Sunny. “I am Sunny Prieto, Peace Maker. We also have Aivy Gerand, our Vice President.” He pointed at me. “Leaf Tatsumi, our Secretary, and Nightmare Cerise, our Treasurer.”
We just bowed to them.
“We are part of Sacred Cross.”