Maxire Elisei's POV Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ang nakalipas simula noong huli ko siyang nakita. Second Semester break na namin at napagdesisyunan namin magkakapatid na wag munang magbakasyon sa kahit kaninong kamag-anak namin tutal kakabakasyon lang namin noong nakaraan. "Boring! Bakit ba kasi trimester tayo eh" pabagsak na humiga si Maxine sa paanan ng kama ko. "Bakit ka nandito sa kwarto ko, pangit?" kunot noo kong tanong habang nakaupo sa kama't nagbabasa ng librong nakakalibog. "Makapangit, akala mo ang gwapo" umikot siya ng higa upang makadapa at makatingin sa akin. "Saka inaayos yung kwarto ko kaya nandito ako" oo nga pala, ngayon nga pala iyong araw na i-rerenovate ang kwarto ng maarteng ito. "Wala ka bang lakad ngayon? Nakakaistorbo ka sakin" di tumitingin na wi

