Faye's POV Ilang araw na ang lumipas simula noong araw na muling may nangyari sa amin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi. Pasukan na't malapit na ang exam pero tila hindi ko ito iniinda dahil sa nangyari. Tila ba biglang nagbago ang buhay ko matapos ang nangyari sa amin nung araw na iyon. "Blooming ka yata Faye" napatingin ako sa gilid ko. Si Yrrol. "May nangyari ba?" "Wala naman, masaya lang ako na pasukan na ulit" sagot ko saka kami sabay na naglakad papasok ng campus. "Dahil pasukan na ulit o dahil makikita mo na ulit siya?" nakangisi nyang tinura. Agad akong namula sa sinabi niya. Totoong masaya ako dahil makikita ko na ulit siya ng madalas. "Well, both" bahagya akong napatawa dahil sa pagbibigay ko ng double meaning sa isip ko sa sinabi niyang pasuka

