Faye's POV "Ano kasi Yrrol, kami na" medyo nahihiya kong pag-amin. "Really? Wow, congrats" bigla niya akong niyakap. "Oy, baka may makakita sa atin" tinapik tapik ko ang balikat niya. "Haha, sorry natuwa lang. By the way, nag-usap na rin kami ni Gwen and guess what?" pinisa niya ang magkabila kong pisngi matapos niyang bahagyang lumayo. "What?" pagtataka ko. "She's pregnant" nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya. "Magkakababy na kami" "WHAT? M-magka-college pa lang kayo, bakit mo siya binuntis?!" may pamamagalit kong sabi. "Hey, chill Faye. Lasing kami pareho nung may nangyari samin" napakamot siya ng kanyang ulo. "Besides, papanagutan ko naman siya" "Kahit na" hinampas ko siya sa braso. "I know, nag-aalala ka lang pero kaya ko to Faye, mahal ko naman siya eh" pinat niya ang u

