Maxire Elisei's POV Simula noong gabing iyon, hindi na ulit ako kinausap ni Faye. Hindi ko rin siya malapitan dahil umiiwas siya't madalas kasama ang kaibigan niyang si Fredrick. Nakakainis na, ang sakit nila sa mata. "Ano bro, ikaw kasi eh, napakag*go mo" masama akong napatingin kay Maxine. "Kasalanan mo to Max" bigla akong napabuntong hininga. Kasalanan ko to.. Kahit pa na si Maxine ang nagsabi kay Faye kung nasaan ako noong gabing iyon, kasalanan ko pa rin na nakikipagtalik ako sa ibang babae. "Kasalanan mo kaya" saka niya ako binelatan at lulundag lundag na lumakad papasok sa room. Hay. Iniling iling ko na lang ang ulo ko't inisip na hindi nakitang masaya si Faye kasama si Fredrick sa hallway. Oo si Fredrick na kababata niya, dito na nag-aaral. Nagtransfer siya dito last month

