Chapter 15

915 Words
SAHARA should be happy about it, really. Matagal na niyang gusto si Baste at ngayon, sa wakas ay naamin na nito sa kanya ang tunay nitong damdamin para sa kanya. He loves her. For real.  Hindi niya maiwasang matawa sa sarili dahil ngayon lang niya napagtanto na iyon ang kauna-unahan niyang ‘totoong relationship’. Iyong hindi pagnanasa lamang, iyong totoong may kasamang ‘pag-ibig’. Baste is the perfect gentleman at sa buong isang buwan nila bilang pagiging magkasintahan, hanggang simpleng halik lang sa labi ang natatanggap niya mula rito at hindi na lumalampas pa roon. Minsan nga, gusto niyang siya na ang gumawa ng paraan para may mangyari, pero bigla rin niyang naalala ang magiging damdamin ni Baste.  And she should be happy about it, right? Pero bakit ganoon, ang sayang dapat niyang nararamdaman ay wala. Puro kaba at takot lang ang namamayani sa kanyang puso. Bakit ba naman hindi? Nariyan si Max, at si Prof. Del Mundo. If she wants to take her relationship with Baste seriously, she’s got to do something about these men in her life. She doesn’t want him to know about them because the last thing she wanted was to get him hurt. Kaya nga ba hangga’t maaari ay ayaw na niyang umuwi sa lintik na bahay ni Michaela pero wala naman siyang pagpipilian.  Kung yayain kaya niya si Baste na magtanan? Ha, ha, asa pa siya. Eh kahit nga pagpunta sa motel ay ni hindi sumasagi sa isip ng nobyo. Makitira muna kaya siya kay Karen?  “No problem, alam mo naman na welcome ka rito sa unit anytime,” sabi ni Karen sa kabilang linya nang agad niya itong tinawagan matapos makapag-shower. Kailangan niyang makalipat kaagad, kahit nga kinabukasan, kung puwede. “Eh teka, bakit biglaan, may problema ba diyan sa bahay ninyo?” Meron. Malaki, guwapo. “Wala naman. Kailangan ko lang ngayon kasi mas malapit ang condo mo sa campus, so bawas pamasahe. Alam mo naman, hangga’t makakakatipid, magtitipid ako.” “Yeah, I know, I know. Sige, you can move in anytime. Just send me a message kung kailan para masundo kita.” Napabuntung-hininga si Sahara matapos makapagpasalamat sa kaibigan. Next weekend, mag-eempake na siya at lilipat na kay Karen. Sa wakas, makakaiwas na siya ng tuluyan kay Max at sa panunukso nito sa kanya. Mas mabuti na rin na ngayon pa lang ay matapos na ang kahibangan niyang iyon dahil ayaw niyang malaman pa ni Max ang tungkol sa relasyon niya kay Baste dahil kapag nagkataon, sigurado siyang malaki ang posibilidad na maulit na naman ang dati… “Sino ‘yung kasama mo sa mall noong isang araw?” tanong ni Max nang maabutan siya nitong palabas ng banyo. Bago pa man siya makapag-react ay agad siya nitong isinalya papasok uli sa loob. Isinara nito ang pinto at narinig niya ang pag-click ng doorknob. “So, may boyfriend ka na pala, ha.” Ngayon lamang nakita ni Sahara na ganoon si Max. Nanlilisik ang mga mata nito at namumula ang buong mukha. Si Baste ang nakita nitong kasama niya sa mall, niyaya niya ito dahil sa sobrang sama ng loob. Max promised that they’d go to the movies together last week pero hindi iyon natuloy dahil niyaya ito ni Max na umakyat ng Baguio. “A-ano bang pakialam mo?” lakas loob niyang tanong. “P-palabasin mo ako dito.” “Teka, teka, galit ka ba sa akin? Kaya ka ba lumabas kasama ng kumag na iyon, dahil galit ka sa akin?” Nakangiti ito’ng nakatingin sa kanya, na para bang nanunuya. Hindi kalakihan ang banyo’ng iyon sa unang palapag ng bahay kaya hindi magawang makaiwas ni Sahara sa binata lalo pa’t mas hamak itong malaki kaysa sa kanya.  Hinawakan ni Max ang dalawa niyang braso na agad rin niyang tinanggal. “P’wede ba Max, tigilan na natin ‘to.” “Dahil ba sa lalaki’ng ‘yon?” “D-dahil kay Michaela, Max.” “Oh, nagseselos ka kay Michaela?”nangingiti nitong tanong. Hindi siya nakatugon dahil hindi niya maikakaila iyon. Simula nang bigyan siya ni Max ng kuwintas ay mas lalo lang lumalim ang pagtingin niya rito. Pakiramdam nga niya ay may kung anong gayuma ang kuwintas na iyon na siyang nagtatali sa kanya kay Max.  Lalo pa siya nitong siniksik doon sa may lababo ng banyo. “Hindi ba sabi ko sa iyo, huwag mong pagseselosan si Michaela? Dahil iba siya sa iyo. Iba ang turing ko sa kanya kaysa sa turing ko sa iyo.” “A-ano’ng pagkakaiba no’n?” “Basta. Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon,” mahinahon nitong sabi. “Ito ang tatandaan mo, Sahara. Espesyal ka sa akin. ‘Yung tungkol sa ating dalawa, espesyal ‘yon, okay?”  “P-pero…ayoko na ng ganito, Max.” Kumunot ang noo ni Max pero natawa rin pagkatapos. Hinapit siya nito at dinakma ang kanyang pang-upo. “Ayaw mo na ng alin, Sahara? Ng ganito?” tanong nito sabay halik sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib. “Ayaw mo na ba ng mga halik ko?” Umiling si Sahara at pilit inilayo ang mukha ni Max sa kanya.. “Ayaw ko na ng sitwasyon nating ganito Max. N-natatakot ako. Paano kung malaman ni Michaela na-“ “Wala siyang malalaman kung wala kang sasabihin, okay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD