“SAHARA!”
Napapikit si Sahara. She wanted to just turn around and run away but it was all too late. Tumayo si Del Mundo at ito pa mismo ang lumapit sa kanya.
“You are late,” sabi nito, pero nakangiti. Isang ngiti na madalang pa sa eklipse kung magpakita.
“T-traffic…sir.”
Muli, ngumiti lamang si Del Mundo at hinawakan ang kanyang siko para alalayan papunta sa loob ng coffee shop. “Nag-dinner ka na ba?”
Tumango siya. Nang naroon na sila sa loob ay napansin niyang marami-rami ang tao roon - may pamilya, may magkasintahan, may mag-asawa. At marahil ay mayroong mga tulad nilang dalawa ni Del Mundo na doon palihim na nagkita. Hinila pa ni Del Mundo ang upuan para sa kanya.
“Coffee?”
Muli, tumango siya. While he orders coffee, she looked at the man sitting in front of him. May kakaiba kay Del Mundo nang gabing iyon. Ang buhok? Bagong gupit ba ito? O ang bagong ahit na balbas? Bago ba ang suot nitong long sleeves? Ang salamin sa mata? O ang necktie? It was hard to pinpoint but Sahara was certain, there’s something different about Prof. Del Mundo that night.
“By the way,” simula nito matapos nitong maupo at mailapag ang mga kape sa ibabaw ng bilog na mesa. “I’ve got to say that you look stunning tonight, Sahara.”
Simpleng puting T-shirt lamang at jeans ang suot niya, na tipikal niyang isinusuot sa campus but still, he found her stunning. She should have worn something more hideous than that, she thought.
Del Mundo cleared his throat before talking, something that he always does in his class. “Let’s not beat around the bush. We both know what this is all about and we both know what we want.”
“Yes, sir.”
Humigop si Sahara ng mainit na kape, marahang inilapag iyon sa mesa at sinalubong ang tingin ng propesor. Inihanda na niya ang sarili niya sa ganito and she knew that there’s no turning back this time. One night. And then it’s all over. Tumayo na siya at lumakad palabas ng coffee shop at nang lingunin niya si Del Mundo ay nakaupo pa rin ito at nakatulala, na parang nakakita ng multo. Did he really want this or he was just testing her?
“A-are you sure about this?” tanong nito habang pilit sinasabayan sa paglalakad.
Tumango si Sahara. Huminto siya sa paglalakad para harapin ang propesor. “Kayo po ba, sure na?”
Tumango si Del Mundo at inayos ang salamin sa mata. Hindi yata talaga nito inaasahan na papayag siya sa gusto nitong mangyari. And he looked quite worried, actually. Hindi nga siya nagkamali, katulad rin niya si Del Mundo na takot sa mangyayaring ito at katulad niya, hindi rin sigurado si Del Mundo kung tama nga ba ang naging desisyon nila nang gabing iyon.
Sahara requested that they go to the bar located at the ground floor of the hotel before going up to the room that he reserved for them that night. Kailangan niya ng alcohol sa katawan, ng maraming-maraming alcohol. Kung maaari lamang ay maglasing siya sa buong gabing iyon, o lasingin niya si Del Mundo at magkunwari na lamang siya kinabukasan na may nangyari nga. But she’s sure it won’t work especially with a guy like Prof. Del Mundo. He’s too smart to be easily fooled.
Pagkatapos ng ilang bote ng beer at ilang baso ng scotch ay pumasok na sila sa elevator. Halatang nagpipigil ang propesor na dumikit sa kanya at gumawa ng kahit na ano sa loob noon dahil pilit itong na tumayo malayo sa kanya. Hindi alam ni Sahara kung ipagpapasalamat niya o tatawanan niya iyon.
Ilang minuto ng katahimikan, at pagkatapos ay naglalakad na sila sa hallway na parang hindi magkakilala. Ilang kuwarto ang lumipas at sa wakas ay narating na nila ang kuwartong nakalaan para lamang sa gabing iyon.
Room 405.
Huminga muna ng malalim si Sahara bago pumasok sa loob, kasunod si Del Mundo.
The room was much better than she expected. Much, much better. It wasn’t the typical ‘hotel room’ that she’s familiar with. Mukhang mamahalin ang crystal chandelier, makapal ang silver drapery, mukhang napakalambot ng queen size bed, kulay puti at napakalinis ng carpet. Maganda rin ang epekto ng kulay maroon na wallpaper dahil sa mga maliliit na soffit light fixtures. The room was perfect. She just wished that she was with the perfect guy at that moment.
Pagkasarado nito ng pinto ay agad siya nitong nilapitan sa may bintana kung saan niya tinitingnan ang masiglang tanawin at ang mga ilaw mula sa gusali at sasakyan sa ibaba. Mabilis siyang kinabig ni Del Mundo at agad na hinalikan ang kanyang mga labi. Sabik na sabik ito sa kanya, ramdam niya iyon sa marahas nitong mga halik at sa panginginig ng mga kamay nito.
Marahil ay dahil na rin sa epekto ng nainom nilang alak, hindi naging mahirap para sa kanya na tugunan ang mga halik ni Del Mundo. She responded with his kiss with the same intensity, with the same passion. When she felt his tongue slid inside her mouth, she gasped.
“S-sir-“ Saglit siyang lumayo rito. Gusto niyang sabihin rito na maghinay-hinay, na mayroon silang buong gabi para gawin iyon pero hindi siya nito binigyan ng pagkakataon. Muli siya nitong hinalikan nang matagal sa labi, sa pisngi, sa leeg, sa tenga.
“I’ve been dreaming about this ever since you set foot in my class, Sahara. I wanted to kiss you this way again…here,” bulong nito at hinalikan siya nito ang mga labi niya. “…here…” at muli sa leeg. “…and here…”
He looked at her as he softly touched her right breast. Behind those huge round glasses, she could see that his eyes were burning with desire. Dahan-dahan niyang tinanggal ang salamin ng propesor para mas makitang mabuti ang mga mata nito.
“Oh baby, I missed you…”