Chapter 10

1490 Words
“LONG time no see, sissy.” Isang halik sa pisngi ang itinugon ni Karen sa kanya at agad itong na um-order ng isang baso ng brandy. Tumabi ito sa kanya doon sa bar at pinanood ang babae’ng noon ay kumakanta sa entablado. She was wearing her typical party outfit – something short and sexy. Sahara was supposed to be the one singing on that stage because Fridays were always Sahara’s night at the bar. But it was THE Friday, and that night was reserved for Del Mundo. Kaya nga maaga siyang pumunta sa The Lounge para magpaalam sa boss nila, at para na rin uminom kahit kaunti bago makipagkita sa propesor.  Nang dumating ang order ni Karen ay wala pang dalawang segundo ay naubos na nito agad iyon at muling um-order ng isa pa. “Dad has been pestering me about going back to L.A. Doon ko na raw ituloy ang pag-aaral.” “Ano’ng problema?” taka niyang tanong. “I don’t want to go back there and don’t ask me why anymore.” Dahil alam na niya ang dahilan. Ayaw bumalik ni Karen sa L.A. dahil doon, sigurado itong todo-bantay ang gagawin ng amang doktor. At doon, hindi na nito magagawa ang mga ginagawa nito sa Pilipinas tulad ng pagtugtog, ang gumimik hanggang umaga, uminom hanggang sa hindi na makauwi sa kalasingan, at marami pang iba. Kung siya si Karen, hindi magdadalawang-salita ang tatay nito at agad-agad siyang lilipad sa L.A. para mag-aral. Sa totoo lang, isa lamang iyon sa mga kinaiinggitan niya sa kaibigan. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito, at higit pa. Buo ang pamilya ni Karen at suportado ang lahat ng ginagawa nito, liban na nga lamang sa hindi nito pagseseryoso sa pag-aaral. Karen has her own condo unit, her own car and even had her own driver at one time. If given the chance, she would gladly switch places with Karen in an instant.  “Kumusta na kayo ng bago mong boyfriend? Ano na nga bang pangalan no’n?” sa halip ay tanong nito. “Baste,” umiiling-iling niyang sagot. “Pero hindi ko naman boyfriend ‘yon…hindi pa man, busted na ‘ko,” nakangiti niyang sabi.  Natawa si Karen. “Baste? Yuck naman ang pangalan.” “Sebastian Castillo ang buo niyang pangalan. Oh diba, pangalan pa lang ang cute na.” “Hay Sahara, alam kong cute ‘yang Sebastian na ‘yan dahil ilang beses mo nang sinabi sa akin kung gaano kaganda ang mata niya, kung gaano kalalim ‘yung dimple niya…kaya huwag mo nang ulitin, please? And besides, I’ve seen him already and well yeah, I think he’s kinda hot.” Namilog ang mga mata ni Karen. “So, siya ba ang dahilan kung bakit matagal-tagal ka na ring walang dine-date, ha?” Nagkibit-balikat si Sahara. Oo nga, medyo matagal na rin siyang hindi nakikipag-date, maliban na lamang sa mangilan-ngilang napapadaan na hindi rin naman nagtatagal. Si Baste nga ba ang dahilan?  “At ang isa pang tanong, bakit hanggang ngayon, hindi mo pa boyfriend? Whatever happened to your irresistible charm, my dear?” natatawang sabi ni Karen at pagkatapos ay may bigla itong naalala. “Oooh now I remember! Ito ba si Baste, the best friend?” interesado nitong tanong nang maalala ang ikinukuwento niyang kaibigan. “Baste, the knight in shining armor?” Tumango na lang si Sahara. She has probably told Karen a lot of things about Baste, without even realizing it. Siya naman ang napainom ng hawak ng baso ng scotch. Baste, her best friend, her knight in shining armor. And maybe, he could be her saviour if she’d let him, if she’d want him to be. But it’s too late now. “May nangyari na ba sa inyo?” Nanlaki ang mga mata niya sa tanong na iyon ni Karen. “W-wala pa!” Though talking about such thing wasn’t a big deal for them, it felt awkward when Baste has something to do with it. “Oh well, I tried to kiss him…and I think it scared the hell out of the guy.” “Ah, kaya pala baliw na baliw ka d’yan sa best friend mo,” tatangu-tango nitong sabi.”s****l frustration, dear. Cute siya, yummy, mabait, at parati mong kasama at pagkatapos, ni hindi mo man lang mahalikan at mahawakan. Nakaka-frustrate talaga ‘yan. I’m sure, he’s just another ‘Sahara’s flavor of the month’. Lilipas rin ‘yan kapag nakakita ka ng mas guwapo, mas macho at lalo na, mas mayaman. Or kapag natikman mo na siya.” Ah, she’s got to admit, hindi lang isang beses niyang naisip ang posibilidad – na matikman niya si Baste. That he’s just one of her s****l frustrations. Napailing siya para maialis sa isip ang mga tagpong namumuo sa imahinasyon niya. Fantasizing about your best friend is a sin – that is something that she has to tell herself over and over again. “Saan nga pala ang lakad mo tonight?” Napatingin siya sa suot na wristwatch at nakita niyang alas otso pa lamang ng gabi. Kadalasan, ganitong oras ay paalis pa lamang siya ng bahay para pumunta roon. Pero iba ngayon. “School stuff,” sabi niya sabay ubos ng natitirang laman ng baso niya.   “Need a lift?” Umiling siya. “Tawagan kita if ever need ko ng sundo,” nakangiti niyang sabi. She gave her a kiss on the left cheek and was about to leave when Karen grabbed her wrist. “Muntik ko nang malimutan. Ibinigay ko ‘yung contact number mo sa secretary ni Mr. Tantoco. They need a singer for their private party kaya ikaw ang ni-recommend ko. So, expect a call from him, or his secretary anytime this week. Ako nga sana kaya lang naisip ko, kailangan mo ng extra cash, right?” “Sinong Tantoco?” “Hindi mo kilala si Mr. Tantoco?” natatawang tanong ni Karen. “Siya lang naman ang may-ari ng 15% ng hotel business sa buong Pilipinas. Take note – 15%. Sa buong Pilipinas.” Literal na nanlaki ang mga mata ni Sahara. “At hindi lang ‘yan. He has private resorts in Boracay. And Palawan. And anywhere you could think of…and he drives a Ferrarri, and owns a private jet.” “Wow,” iyon lang ang nakayanan ni Saharang sabihin pagkatapos ng lahat. “Wow talaga. Kaya paghandaan mo ‘yang raket na ‘yan ha. Maraming mayayaman do’n. Malay mo, doon ka makakilala ng milyonaryong D.O.M. o kaya doon ka ma-discover. Oy ha, kapag sikat na model ka na, ‘wag mong kalilimutan na ako ang nag-recommend sa iyo na kumanta sa business party na ‘yan, ha.” Tumangu-tango siya. “Don’t worry, hindi kita kakalimutang kuning abay sa kasal.” “Kasal?” nakataas ang kilay na tanong ni Karen. “Kasal namin ni Mr. Tantoco,” simple pero seryoso niyang sagot. “Karen, you are now looking at the future Mrs. Sahara Smith-Tantoco. Oh hindi ba, perfect!” Natawa nang malakas si Karen, dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa paligid. “Ni hindi mo pa nga alam ang itsura nung tao, kasal agad?” “Karen, he owns 15% of the hotel business in the entire country…private resorts everywhere. Kahit siguro mukha siyang paa, kapag nagda-drive na siya ng Ferrarri at kapag nakasakay na siya sa private jet, mas guwapo pa siya kay Henry Cavill.” “Sabagay, may point ka, ha, ha!” muling malakas na tawa ni Karen.  “Ay teka, single ba ang Tantoco na iyan?” Tumingin sa kisame si Karen habang nag-iisip. “Hmm…not sure about that. But he’s divorced, like for ages.” Ngumiti siya ng matamis at saka tuluyang lumabas ng bar. Tumawag siya ng taxi at nagpahatid sa address ng coffee shop na sinabi ni Del Mundo. It was nine in the evening, seven-thirty ang usapan nilang magkikita kaya dinalangin niya na sana ay nainip na ito at umuwi na lang. Pero pagbaba pa lamang niya ng taxi ay nakita na agad niya ang pamilyar nitong mukha. Nakaupo ito sa b****a ng coffee shop, may hawak na libro pero hindi naman doon nakatuon ang mga mata. The professor was looking around, probably searching for her face among the crowd. Matapos bayaran ang taxi driver ay nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ng kalsada. Kapag hindi siya nito nakita, hindi na lang siya tutuloy, naisip niya. Magdadahilan siya – na sumakit ang tiyan o kaya ay nilagnat o kaya’y naaksidente. Na sa ibang araw na lamang nila pag-usapan ang dapat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD