MAGKATABI silang nakaupo ni Max sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Nagkaroon sila ng pagkakataong magkatabi dahil as usual, Michaela had to go out to have a good time with friends. Ganoon naman si Michaela, mahilig lumabas-labas kasama ng mga kaibigan na tulad nitong mayaman. Noong nakaraang buwan nga, dalawang araw itong nagliwaliw sa Malaysia.
Wala pa yatang tatlumpung minutong nakaalis si Michaela ay nakita na niyang lumabas ng kuwarto si Max at tinabihan siya roon sa sofa. Hindi siya kumibo at nagkunwaring seryoso sa panonood kahit pa ramdam niya ang biglang pag-akbay nito sa kanya. She held her breath and anticipated his next move.
Pero wala itong ginawa. Nang bahagya niya itong tapunan ng tingin, abala lang ito sa panonood ng telebisyon. Aba, isang himala, nasabi niya sa sarili.
She had the itch to make the first move. He’s been away for almost a month and she really missed his presence in the house and of course, she missed his touch and kisses.
“Na-miss mo ba ako?” mahinang tanong ni Max nang hindi tumitingin sa kanya. “Kasi ako, na-miss kita,” sabi pa nito. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon at iniabot sa kanya ang isang maliit na kahon. “Oh, para sa iyo.”
Atubili iyong kinuha ni Sahara. “A-ano ‘to?”
“Buksan mo.”
Hindi pa man ay napangiti na siya. Kahit ano pa ang laman ng kahon na iyon, itatago niya at pangangalagaan. “P-para saan ito?”
“Para nga sa iyo, kasi na-miss kita masyado.”
Namula si Sahara dahil sa narinig. Hindi niya maitatanggi na kahit na ano yatang sabihin at gawin sa kanya ni Max ay ikina-pupula ng pisngi niya. Nang tuluyan niyang buksan ay kahon ay napatingin siya kay Max na noon pala ay titig na titig sa kanya.
“Pinalagyan ko pa ng pangalan mo ‘yung pendant niyan.”
It was a simple heart-shaped silver pendant, with ‘Sahara’ in the middle. Bakit siya binigyan ng ganoon ni Max? Ano ang ibig sabihin noon? May namamagitan na ba sa kanila?
“Akin na, ako nang magsusuot sa’yo.”
Pinatalikod siya ni Max at hinawi ang mahaba niyang buhok para isuot ang kuwintas sa kanyang leeg. The feeling of his warm hands touching her nape immediately made her shiver.
“Palagi mong isusuot ‘yan, ha. Para hindi mo ko makalimutan.”
Pabulong iyong sinabi ni Max sa kanyang tainga na sinundan ng pagdaiti ng labi nito sa gilid ng kanyang leeg. She wanted to refuse but just as she started opening her mouth to protest, he delved his tongue into her ears. Parang may malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy mula sa kanyang tainga papunta sa buo niyang katawan.
“M-Max…“
Hindi dapat niya pinapayagan si Max sa mga ginagawa nito pero wala siyang kakayahang tumanggi. Bukod kasi sa talaga namang nag-e-enjoy siya ay unti-unti na ring napamahal sa kanya ang binata. Totoo iyon, mahal na nga yata niya talaga si Max at siguro, kahit ano ang gawin nito sa kanya ay malugod niya iyong tatanggapin.
““Hmmm…ang bangu-bango mo, Sahara…”
Tuluy-tuloy lang ang pagtatanim ng mumunting halik ni Max sa kanyang batok, balikat at likod. She had the itch to start the ‘real’ kiss but it seems like Max was determined to torture her with pleasure.
“May iba na bang humahalik sa iyo habang wala ako?”
Habang abala ang mga labi nito sa leeg niya ay ganoon rin ka-abala ang dalawa nitong kamay sa kanyang dibdib. Hindi niya napigilang mapaungol nang humigpit ang kapit nito doon.
“May humahawak ba sa iyo nang ganito habang wala ako?”
Umiling siya at dahil doon ay lalo pang naging mapangahas ang mga palad nito sa dibdib niya.
“Good. Huwag ka munang magbo-boyfriend, ha. Ako lang muna sa ngayon. Ang gusto ko, ako ang magturo sa iyo ng lahat ng dapat mong malaman tungkol dito… marami pa akong ituturo sa iyo…tulad nito….”
Nakaupo pa rin siya nang nakatalikod kay Max doon sa sofa. Naroon pa rin sa malulusog niyang dibdib ang mga kamay ni Max at hinahalikan pa rin nito ang kanyang balikat. Maya-maya pa, naramdaman niya ang mga kamay nito na kinuha ang laylayan ng kanyang pang-itaas para hubarin iyon, at saka isinunod ang kanyang panloob. Nagpaubaya naman siya.
“Sabihin mo lang kung hindi mo gusto ang ginagawa ko,” mahina nitong sabi sabay haplos sa kanyang tuhod, pataas sa kanyang hita. Maiksi ang suot niyang shorts na gawa sa malambot na tela kaya ramdam niya ang tila nagliliyab nitong palad.
“T-teka lang, Max,” sabi niya sabay pigil sa kamay nito.
“Hmm…”
“Totoo ba ‘yung sinabi mo sa akin noon na…gusto mo ‘ko?”
“Totoo. Gusto kita, Sahara. Gustung-gusto kita.”
Bahagyang napangiti si Sahara sa narinig at pinakawalan na ang kamay ni Max para ituloy nito ang naudlot na gagawin. Muli, unti-unti nitong hinaplos ang kanyang maputi at makinis na hita. Ibinuka nito iyon nang kaunti para lalo nitong madama ang kanina pa nito gustong damahin. Hanggang sa makarating iyon sa bahagi na hindi dapat.
“Max!”
“Sshhh. Okay lang ‘yan. Promise, magugustuhan mo ‘to.”
At totoo nga ang sinabi ni Max. As soon as his hands moved down there, she felt something – something unexplainable, burning inside her. “Oohh…” impit niyang ungol. Napaliyad siya at napakapit nang husto sa braso ni Max.
Tila naman musika piyon sa pandinig ni Max kaya mas naging malikot ang kamay nito. “Nagsisimula pa lang tayo, Sahara.”