Kabanata 9

584 Words
Pagkatapos ng doctor's appointment kanina, tahimik lang kami ni Zane buong biyahe pabalik ng office at wala kaming pinag-usapan kundi yung next check-up ko next Monday at kung ano mga bawal kainin habang buntis, Pagpasok namin sa private elevator niya, kaming dalawa lang at sobrang tahimik kaya maririnig mo yung hininga namin, pinindot niya 12th floor tapos tumayo siya sa harap ko na ang lapit kaya amoy na amoy ko ulit yung cedarwood na pabango niya na di ko malimutan simula pa nung gabi sa hotel room 2401. Biglang dumilim at namatay lahat ng ilaw kasi nag-brownout yung building, "Sh*t, we're stuck," bulong ni Zane habang pinipindot niya yung emergency button at maririnig mo yung tunog nun sa tahimik na elevator. Dilim lang tapos mahinang ilaw galing sa emergency light kaya halos di ko makita mukha niya pero ramdam ko yung presensya niya na ang lapit lang sakin at naririnig ko hininga niya na biglang bumigat, "Okay ka lang?" tanong niya sakin na boses niya mas mababa at garalgal sa dilim. "Oo po, Sir," bulong ko kahit totoo naman kinakabahan ako kasi mag-isa lang kami sa dilim at ang lapit ng katawan namin, biglang gumalaw elevator pababa ng konti tapos huminto ulit kaya nawalan ako balance at napaapak ako sa mamahaling leather shoes niya. "Ah!" gulat ako kasi baka magalit siya pero automatic na hinawakan niya bewang ko ng mahigpit para di ako madapa at ramdam ko init ng palad niya kahit makapal yung blazer ko kasi dumampi yun mismo sa tiyan ko kung nasaan yung baby namin. "Careful," bulong niya sa tenga ko pero garalgal boses niya na parang pinipigil niya sarili niya, sobrang lapit namin ngayon na hininga niya dumampi sa leeg ko at amoy na amoy ko yung cedarwood plus something expensive na scent niya na nagpapaikot ng ulo ko. "Zane," bulong ko ng pangalan niya kasi di ko na kaya tawagin siyang Sir ngayong ganito kami kalapit, tahimik siya tapos ramdam ko titig niya sakin kahit dilim at di ko makita mata niya pero alam ko nakatitig siya sa labi ko. "Don't," sabi niya pero di siya bumitaw sa bewang ko na mas lalong humigpit yung hawak, "Don't what?" tanong ko na mahina boses ko kasi kinakabahan ako sa pwede mangyari, "Don't look at me like that, don't say my name like that," sagot niya pero di ko mapigilan kasi 12 weeks na ko buntis sa anak niya at siya lang lalaki na nagpagulo sakin ganito simula pa nung gabi na yun. Dahan-dahan lumapit labi niya sakin na parang nagtatanong kung okay lang at kung papayagan ko siya, "Zane, wag," bulong ko pero kamay ko kusang kumapit sa lapel ng mamahalin niyang suit kasi di ko rin kaya itulak siya palayo. Pagdampi ng labi niya sakin malambot at mainit at maingat lang parang takot siya masaktan ako o yung baby namin, sumagot labi ko ng mahina lang isang segundo pero sapat na para magulo utak naming dalawa. Tapos biglang umilaw elevator at tumunog yung ding ng 12th floor kaya pareho kami napatigil at humingal na parang nahuli sa kasalanan, tiningnan niya ko at mata niya asul na madilim at magulo na parang nagsisisi siya sa ginawa niya. "That didn't happen," sabi niya sa malamig na boses at binitawan bewang ko, "Forget it," lumabas siya agad ng elevator na walang lingon at iniwan ako dun na hawak ko labi ko na mainit pa rin at tiyan ko kumakabog hindi lang dahil sa baby kundi dahil sa halik niya. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD